You Belong With Me [5]

370 6 2
                                    

Chapter 5: Getting To Know You

Tricia's POV

Dumating na yung professor namin at nagturo na siya ng kung anu anu. Nakatingin lang ako sa upuan ni James, nag-aalala ako kung anu na ba ang nangyari sa kanya! May sakit kaya siya or what? Sa sobrang pagiisip ko napayuko na lang ako sa kinauupuan ko.. Asan na kaya ang mahal ko. Napapikit ako ng biglang

"PATRICIA!!"

"MS. PATRICIA SANTOOOOOOOOOOS!"

Napatayo ako sa kinauupuan ako at napasigaw. 

"SUNOOOOOOOG!" 

Napatingin sila sakin at ang mga kaklase ko ay tuwang tuwa. Parang mga ewan lang!

"Ms. Santos, are you sleeping in my class?" tanong sakin ni Prof

"sorry sir! masakit po kasi ang ulo ko eh."

"Then, dapat di ka na pumasok or the best thing is pumunta ka na sa clinic"

"sorry po talaga sir!"

"dalin mo na yung bag mo at pumunta ka sa clinic right away!"

"sorry po talaga"

Binuhat ko na yung bag ko at agad akong lumabas ng classroom. Dahil hindi naman totoo na masakit ang ulo ko naisipan ko na lang na pumunta sa rooftop ng school namin, dahil wala naman akong mabuting gagawin dito. Baka makita pa ko ng prof ko at mapagalitan.

"Phew, kapagod naman toh! ang haba haba ng nilalakad. STAIRS!"

Inilapag ko na yung bag ko at napaupo ng biglang napatingin ako sa may side. Isang lalaking.. t-tekaa.. magpapakamatay ba yun?.. b-bakit? Agad akong tumayo at lumapit duon sa lalaki at agad kong hinawakan yung damit niya.

"Wag kang magpakamatay! Maganda ang buhay."

Agad naman bumaba ung lalaki at napatingin siya sakin.

"Hey you, do you think i want to kill myself? I'm just getting this thing off!"

Napatulala ako sa kanya.. OHEMGEEEEE.. Si James Reid!! Yung ultimate crush ko.

"uhmmm.. s-sorry!"

"you better be.." sabi ni James 

"James, b-bakit di ka pumasok sa Theology class naten?"

"Well, do you think makakapunta ako dun.. Heck? i'm in detention okey!"

Puro siya english. Kfine. WHATEVER! :|

"ah. okey! Ui, di ka ba marunong magtagalog huh?"

"are you talking to me?"

"hinde. yung puno yung kinakausap ko! tsssk."

"Well, i don't talk to strangers."

"K fine."

Pasalamat ka crush kita.. Arghh! :| Napaupo na lang ako duon sa may bag ko.. Basta malayo sa kanya.. kilig kilig pa naman ako.. suplado pala!

Fretzie's POV

Napatingin ako sa upuan ni Tricia.. Anu kaya ang nangyari sa kanya? May sakit kaya siya.. Masyado naman akong nag-aalala sa kanya, napatingin ako sa orasan ko..

5......4.............3...............2..............1.............. *Tiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

"okey class, we will have a short quiz tomorrow. Thank you and goodbye" sabi ng prof namin at agad naman siyang lumabas.

Tumakbo na ako para hanapin si Tricia. i'm sure nasa clinic yun masakit daw ang ulo eh! Biglang---

"OUCH!"

"sorry.."

"Ivan.."

"Fretz, sorry ah. hehe!" sabi ni Ivan at kinuha niya yung mga gamit ko

"sorry din natakbo kasi ako eh."

"si Tricia?"

Ayan na naman ang tanong niya.. Asan si Tricia? nakakaselos talaga.. :(

"Ah. nasa clinic ata?"

"bakit anung nangyari sa kanya?"

"ah. easy ka lang di pa yun patay! hehehe."

"sorry ah. muka bang ewan! payat kasi yun eh, baka magkasakit!"

Todo talaga ang concern niya for Tricia.. buti pa siya..

"tara na Fretz, puntahan na natin si Tricia!"

"ah. sige Ivan"

Naglakad na kami patungo sa clinic. Pagdating naman sarado pala yun clinic.

"Asan kaya siya?" tanong ni Ivan

"hindi ko alam eh." sabi ko naman

"baka umuwi na?"

"hindi siguro. dapat nagtext yun sakin!"

"mabuti pa tawagan ko na!" sabi ni Ivan at agad kinuha ung cellphone niya

"anu?" tanong ko

"unattended eh."

"haay. asan kaya un?"

"sige, kumain ka na Fretz, ako ng bahala kay Trish!"

"s-sige." sabi ko naman at napaalis na ko

Ivan's POV

Naglalakad ako at papunta ako sa room nila Tricia para ibigay tong binili kong cookie sa classmate ko, matakaw kasi yun kahit payatot. Pagpunta ko bigla kong may nakabanga.. Si Fretzie pala, wala daw si Tricia.. nasa clinic! Ayun pumunta kami sa clinic. Sarado naman! kaya pinapunta ko na si Fretzie duon para kumain kaya naglakad na ko.. 

"Alam ko na.. sa rooftop!"

Agad akong tumakbo.. at pagdating ko sa rooftop! andun nga si Tricia...

pero kasama niya si James.. :(  

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon