You Belong With Me [11]

425 8 3
                                    

---> wag kalimutan! ;))) VOTE GUYS. don't forget to leave a comment

Ang tagal ng di nakapagupdate. pasensiya po!

Sana magustuhan niyo po tong chapter na toh.. ;)

Chapter 11: Doggy Love.

Nakatingin ako kay Pepper, umiikot ikot lang siya. Ang laki ng bakuran nila James kaya malaya siyang nakakaikot ikot at nakakagala. Kanina ko pa toh pinagmamasdan pero parang di talaga siya napapagod, ako tuloy ang napapagod sa pinagagawa niya eh. 

"Tricia!" narinig kong tinawag ako ni Tita kaya napatingin ako. 

"natawagan ko na ang guardians mo, sabi okey lang daw for school project ang sinabi ko kaya pumayag naman sila. Sige magpalit ka muna ng damit ako na muna ang bahala dito kay Pepper, dito kasi maalagaan si Pepper kasi dog lover kasi yang si James at ako din, yun nga lang walang aso dito nasa Australia lahat!" sabi naman ni Tita. buti pumayag sila sa bahay na dito ako matutulog, teka alam kaya nila na lalaki ang kasama ko ngayon? Napakamot ako bigla sa ulo ko. bahala na! pumayag sila eh. ;) 

"salamat po tita ah! sorry din po kasi ako po may kasalanan kung bakit po pinarusahan kami ni James, ang ingay ko po kasi eh.. paano po kasi si James ayaw sumama po samin eh!" sabi ko naman at biglang natawa si Tita tinanong niya din kung bakit nagkaroon kami ng parusa at kinwento ko sa kanya lahat at tawa naman ng tawa si Tita. 

"hahahaha, good! ;) mas maganda yan kesa magemo ang anak ko!" sabi ko naman at naputol ang paguusap namin ni tita ng biglang napansin namin si James na nkaatayo sa may pinto na parang may hinihintay, nakasambakol yung muka niya eh. lagi naman diba? 

"kanina pa nakahanda yung pagkain! kumain na tau!" sabi naman ni James at naglakad na siya papasok at sumunod naman kami ni Tita. 

"kumain na tau galit na ang prinsipe eh!" natatawang sabi ni tita sakin, ang cool talaga ni tita maging mama. Kung ako ang anak niya proud na proud ako kasi nakakasabay si Tita sa mga jokes namin, kumbaga malabagets pa si Tita! Pumasok na kami sa loob at nagulat ako sa pagkain na nakahanda sa lamesa nila, anu toh may party? Napakamot ako sa ulo ko. Parang birthday party.. ganyan talaga pagmayayaman na tao! 

"oh, Tricia kumain ka ah. sorry yan lang ang kinaya namin ah!" sabi naman ni tita na nagsimula ng kumain, ganyan lang ang pagkain nila? halalala, di  nga ganito ang pagkain namin eh kahit na may party, di ako mayaman eh sorry! :))) Basta ang yaman talaga nila, sila na talaga sila na ang uber super duper yaman!

~~~

"Tricia, nagenjoy ka ba sa kinain mo?" tanong ni Tita sakin tapos si James lumabas na at tinignan ata si Pepper. nginitian ko naman si Tita, sobrang sarap kaya never pa kong nabusog ng ganito sa buhay kooooooooo~! ang sakit tuloy bigla ng tyan ko.. Dumiretcho na din ako sa bakuran medyo hiya pa kasi ako kay Tita baka sabihin sobra akong at home. ahhahah!

"wow, ang bait naman ni Pepper sau!" sabi ko naman, nakalapit kasi si Pepper kay James tapos nagshashakehands sila, ang galiinng! astig talaga grabe

"ingit ka?" supladong tanong ni James, kahit kelan di na talaga magbabago ang pakikitungo sakin ni James oo nga naman bakit siya magiging mabait sakin eh di naman mangyayari toh kung di dahil sakin.. Napaupo na lang ako sa tabi at tinitignan ko silang dalawa, tama si Tita adik talaga si James sa aso. 

Matapos ng ilang minuto tumayo na si James tapos naglakad paalis, di man lang nagbabay sakin. sobrang sama ba ng ginawa ko.. TT______TT di ko naman sinasadya ah! 

"aakyat na ko, umakyat ka na din!" sabi ni James at naglakad na siya paalis bigla naman akong napangiti ng sobrang laki abot tenga. waaaa, kinausap ako ni James yun nga lang sobrang angas talaga ng boses niya. Ewan bahala na nga!

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon