You Belong With Me[12]

102 5 3
                                    

Chapter 12: Something Fishy..

"hahaha. joke lang masarap nga ee" sabi ni James at napangiti ito. 

Shet! Parang wala na ko sa sarili ko. Ang saya saya ko. Si James na ultimate heartrob napangiti ko. Grabe ang cute cute niya ngumiti! Inlab na inlab na talaga ako dito.

"FRETZIE!!" sigaw ko naman nang makita ko si Fretz, na naglalakad. Hmmm. Di niya ako napansin grabe, ang lakas na ng sigaw ko ha. 

Dumirecho na ko sa classroom. 

"TRICIA!" sinalubong ako ni Ivan at nginitian ako

"o bakit?" tanong ko naman 

"Ang suplada naman. Kamusta ung parusa mo? Naagrabyado ka ba ha? Sabihin mo lang kasi concern ako sayo." Sabi ni Ivan. Anu daw?

"Concern ka sa akin?" 

"Este.. Concern ako sa mga estudyante! Fight the rights diba!" Sabi ni Ivan at itinaas pa ang kanang kamay niya. Ang weird lang ha

"Ok lang ako actually.. Ang saya!" 

"Huh?" 

"Basta nagenjoy ako. O siya bumalik ka na sa room mo! Bye Ivan." 

"Ay pinapaalis ako.." 

"Fretzie" Bigla naman pumasok sa classroom si Fretz

"O Tricia?" sabi ni Fretz

"Ok ka lang? Alam mo tinatawag kita kanina. Sakit nga sa lalamunan di mo ko napansin!" 

"Ah. Sorry nagmamadali kasi ako. May pinuntahan pa ako!" sabi ni Fretz

"Oy busy na masyado nyan si Fretz, diba Fretz?" sabi ni Ivan at inakbayan niya pa si Fretz

"Ah. Oo!" Sanggayon ni Fretz

"Anu naman meron?" Sabi ko

"Ah basta Tricia. Malalaman mo din yan! Cge bye Patricia, bye Fretz!" sabi ni Ivan at umalis na

"Fretz, ikaw ha! Mukhang may improvement na sa inyo ni Ivan ha!" sabi ko kay Fretz at nginitian niya lang ako

"Hindi. Its not about him Trish." Sabi niya

"May problema ba?" 

"Nothing." sabi niya at kinuha na niya ang libro niya at nagbasa. Hmmm I smell something fishy? Anu kayang meron

"James! :D Kamusta na si Pepper?" sabi ko naman, pumasok na kasi ng room si James at umupo shempre sa tabi ko. Hahahaha! Shemay di ko pa din makalimutan un nangyari kahapon. Yung smile niya. Eyee nemen ee. Kenekeleg ne nemen eke!

"Pepper's fine." sabi niya 

"O good to hear that James. Hehe! Oo nga naman bakit ko pa tinanung noh? Your mom said na dog lover ka nga pala! Kaya safe na safe si Pepps" sabi ko

"Nambobola ka ba? Coz its not working." sabi niya

"Hindi noh. Nde kita binobola! Haha." sabi ko 

"Ok." 

"Namiss ko kasi si Pepper!" 

"Namiss mo ba talaga si Pepper? O ako?" Ang yabang talaga niya. Tss! Oo tama ka namiss kita. Gawwdd ayoko po ng ganito! >.< wag naman pong ganito

"Hindi noh! Kapal mo. Concern ako kay Pepper at siya ang miss ko!" Sana naman at maniwala siya sa mga pinagsasabi ko. 

"Oh ok. Akala ko kasi namiss mo ko! Ang gwapo ko pa naman"

"Oi, minsan pwedeng bawasan ang kayabangan! Ano ho?" Sabi ko at dumating na prof namin.

Tapos na ung class namin. Okeey lunch time na haha! Pinuntahan ko si Fretzie kaso mukhang nagmamadali di na naman ako napansin. Wew! Anu bang problema dun? :| :( 

"PATRICIA! Nag iisa ka ata?" sabi ni Ivan, oo nag iisa ako di ba halata? -_- 

"Ay may nakita ka ba na kasama ko ha?" sorry namimilosopo lang po. Hahaha

"Sensya na! Bakit di mo kasama si Fretzie?" tanong niya

"ABA! malay ko dun sa babaeng yun. Busy nga kasi diba!" sabi ko at nagsimula na ko kumain. Lalo kasi akong hinihighblood ee.

"Ayaw mo nun? sabay naman tayo!" sabi ni Ivan at nginitian ako

"TIGILAN MO KO. PANGET KA!" sabi ko naman 

Fretzie's POV

"Oo. gagawin ko naman lahat ng gusto niyo ee." Sabi ko naman 

"E siguraduhin mo!"

"Oo." napatanggo lang ako at umalis na ko. 

Dumirecho ako sa may canteen, nagugutom na din kasi ako. Nakita ko si bestfriend at si Ivan, ang lalaking minamahal ko ng sobra. 

"Sana akin ka na lang.." sabi ko sa sarili ko. Di naman siya mahal ni Tricia! Pinipilit niya lang ang sarili niya..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon