You Belong With Me [8]

367 6 1
                                    

Chapter 8: 

[James' POV]

Ang badtrip naman ng araw na toh oh! Nagkaroon ako ng tutorial class dahil sa bumabagsak ako sa Theology, uuwi ng gabi dahil ang bagal ng tutor ko magturo talagang iniisa isa pa eh alam ko na naman yung tinuturo niya.. tinatamad lang talaga ako! And last umuulan ng malakas and then my driver left.. DEYMN, san ba kasi pumunta yun? kakainis naman oh.. =___= pero kasama ko naman tong si Santos, wala daw dalang payong kaya nagmagandang loob akong sumabay na siya samin! Yun nga lang wrong timing. 

"tara balik na tayo sa loob ng school. ang lakas ng ulan magkakasakit tayo oh!" sabi ko kay Tricia ayokong umuwi ng parang basang sisiw dahil magagalit ang nanay ko. >___< 

"wag! di mo ba alam ang sarap maligo sa ulan." sabi niya, anu daw? masarap maligo sa ulan. gusto niya bang maging basang sisiw? =____= "tara na, samahan mo na ko!" sabi niya at para pa siyang batang natalon talon. 

"fine." tinatamad na sagot ko, pangbata kasi toh eh! >___< maliligo sa ulan tapos maghahabulan kayo na parang mga baliw and then that's the end of the story! Habang tong batang isip na toh tumatakbo takbo pa.. tssssk! bata talaga. Napatingin ako sa kanya well, she's hot pala kapag basa.. DEYMN, umiiral na naman kalibugan ko! -.- well, i got to stop my dirty mind! she's really happy and i'm sure nageenjoy siya. 

"oi, nakatulala ka na dyan!" tawa ng tawang tanong sakin ni Tricia, DEYMN. di ko namalayan nakatingin na pala ako sa kanya. -____- bigla niyang hinawakan yung kamay ko "tara sayaw tayo" sabi naman niya. 

"ayoko nga!" galit na sabi ko, para na talaga kaming baliw sa pinagagawa namin. 

"dali na, kainis ka naman eh! sige ka di na kita bati.." batang bata talaga.. =___= ayoko namang umiyak tong batang damulag na toh kaya nagsayaw kami. SWAY ang sayaw namin. hagis doon, hagis dito! >:)) bwahahah, naeenjoy ko ah. KAINIS! nageenjoy ako sa piling niya

[Tricia's POV]

"Achooooooo--" sigaw ko, waaa. anu ba toh! sinisipon na agad ako. Nagpaulan lang naman kami ah. saglit lang naman yun ah! TT____TT bigla akong gininaw waaa, ang lamig! Nasa kotse kami ni James ngayon. 

"oi, mukang giniginaw ka dyan ah! >___< magyayaya ka na maligo sa ulan tapos sisipunin ka! para ka talagang bata!" sabi niya sakin sabay kotong sa ulo ko! TT____TT ang sakit.

"aray, ang sakit ah!" galit na sabi ko, giniginaw na nga yung tao ganun pa siya. Para namang napakasama niyang tao! Biglang may inabot siya sakin "anu toh?" tanong ko, Tricia, alangan jacket. di mo nakita.. =___= jacket oh! jacket.. tsssk, para san bakit niya sakin inaabot! >___<

"ayaw pa talaga. tssssk" sabi ni James at sinuot niya sakin yung jacket.. WAAA! kilig kilig na naman ako dito.. gusto ko ng tumalon talon, pero di pwede dapat with poise. panget pag tumili ka dyan, agad kong kinurot yung sarili ko.. *kurot kurot kurot* DEYMN, manhid na ko! wala akong maramdaman dahil ba ito sa puro kilig vibes na nararamdaman ko? 

"s-salamat ah!" sabi ko sa kanya at nayikap ko yung sarili ko. Ang bangooo nung jacket, i love it! parang magjowa lang kaming dalawa. Napatingin ako sa kanya, sus di siya giniginaw siya na!

"diretcho tayo sa bahay!" utos ni James doon sa driver. t-teka? =____= ayaw niya ba kong pauwiin. James, di pa ko reaaaaaaady! TT_______TT i'm still a v--- 

"bakit sa bahay nio? dapat sa bahay namin!" gulat na gulat na tanong ko, pero syempre deep inside kinikilig. waaaa! makikita ko bahay ni James *sabog confetti* 

"kesa namang umuwi ka ng ganyan. =___= maligo ka muna samin tapos uminom ka ng hot choco. mamaya magkasakit ka pa, kargo pa kita!" sabi ni James na di man lang tumingin sakin. sus, kargo kargo ka dyan. sabihin mo concern ka sakin! CONCERN KA JAMES REID. 

---------------------------

"ang ganda! ang ganda. ang linis, ang kintaaaab!" di mahinto yung mata ko sa kakaikot. grabe ang ganda ng bahay ni James. with matching cool colors pa sa wall, ang ganda talaga nakakainlove! kung pwede lang talagang mainlove sa bahay na toh eh!

"tumigil ka nga sa kakapapuri dyan! >___<" inis na sabi ni James, ewan ko sau! basta ang ganda talaga ng bahay niyo. ang linis.. kintaaaab! "umakyat ka na nga, Maya samahan mo nga tong babaeng toh at paliguin mo baka magkasakit pa toh kargo ko pa yan!" sabi ni James at sumunod na ko doon sa maid ni James na si Maya.

"sarap! aaaahh.." sabi ko, grabe sobrang init ng tubig. Yung banyo nila ang laki! O__O parang ganito na kalaki yung sala namin eh.. TT_____TT ang ganda naiinlove na talaga ako sa bahay na ito! Matapos kong maligo at magexplore sa banyo.. Ang sarap talaga! :""""> Pagtapos ng mahigit isang oras lumabas na ko ng banyo, nakita ko si James na nakahiga sa kama at walang pangitaas. DEYMN, ang hot niya ang sarap gapangin ayyy este ang sarap niyang yakapin.. Napatingin siya sakin

"oi, wala kang balak magbihis?" tanong niya sakin, ay oo nga pala wala pala akong damit! TT____TT gusto ko na tuloy umiyak. basang basa yung damit ko eh, kung ibibihis ko yun edi wala din giginawin din ako

"wala akong damit! >/////<" sabi ko naman at nagblush ako ng todo. 

"oo nga pala! =___= e-eto!" sabi ni James at inabot sakin yung paper bag. Ayun bumalik ulit ako sa banyo at nagbihis ng damit. Wow, ang ganda ko sa dress na toh ah! :"> Agad akong lumabas ng kwarto konteng suklay lang naman ginawa ko kasi maganda na ko! :P Kapal mode lang noh, hahahaha. tapos paglabas ko ng banyo

"JAMES, ANU TOH HUH?" sigaw ng isang babae. Mahaba ang buhok niya, medyo nasa 30's na siguro ang edad at kamuka ni James.. t-teka eto kaya ang mama ni James.. WAAA! meeting the parents na ang acting namin. 

"ma, she's Tricia!" tinatamad na sabi ni James, kahit kelan talaga tong lalaking toh! >__<

"ahh, h-hello po? a-ako po si Tricia, uuwi na din po ako gabi na po kasi eh!" sabi ko sa mama ata ni James bigla siyang napatingin sakin at nilapitan ako. Bigla niyang hinaplos ang muka ko, anung meron? weird ah. 

"Rhian.." at bigla akong niyakap ng mahigpit ng mama ni James

=========================

A/N: vote. comment. become a fan!

Salamat sa pagbabasa! \m/

wag kalimutang magcomment 

and magvote.. 

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon