You Belong With Me [10]

319 4 3
                                    

Chapter 10: Magandang Parusa. xD

"bakit naman po ako masasali dyan? eh, wala naman akong kasalanan eh!" pasigaw na sabi ko, nililitis kasi kaming dalawa ni Tricia dito sa office ng professor namin na isa pa lang disciplinarian. Tae, ang dami ko na ngang violation madadagdagan pa. 

"calm down Mr. Reid, narinig ko kayo at isa pa ikaw ang nakita at narinig ko na malakas ang sigaw!" sabi naman ng professor namin habang binabasa yung libro na hawak niya

"sir, unfair po kasi yun. Di naman po ako magkakaganun kung di dahil sa kanya eh! kasalanan niya po ang lahat. Marami na po akong violations." sabi ko naman, patay ako nito sa mama ko pag nagkataon. Mahirap na! Tssssk. 

"well, Mr. Reid ginawa mo yun kaya sa ayaw at gusto mo magkakaroon kayong dalawa ng parusa" sabi ng professor namin na nagmamagaling at agad niyang pinatong yung libro as lamesa niya. Anu naman kayang iniisip nito? 

"sir, wala pong kasalanan si James.. kasalanan ko po ang lahat! sa katunayan po ako po ang makulit at nakita ko na po sa kanta na nakukulitan po siya sakin.. ayaw ko pa pong tumigil kaya po kung ano po ang parusa na ibibigay niyo handa po akong tangapin ito! wag lang po sanang mapasama sa parusa si James." nagulat ako sa sinabi nitong babaeng toh, napatingin lang ako sa kanya at agad naman siyang yumuko. 

"dahil sa sinabi mo alam ko na ang magandang parusa para sa inyong dalawa." sabi naman ng professor naman na ngumiti pa ng nakakaloko 

---------------------------

"DEYMN! >:|" sabi ko habang nakaupo sa park, akala ko naman madali lang ang parusang ibibigay ni professor dahil umamin na si Tricia na siya ang may kasalanan yun pala mas mahirap pa ang parusa.. TT_________TT i hate my life. 

"James, tara maglakad na tau gustong gusto na ni Pepper na maglakad oh!" sabi naman ni Tricia na tuwang tuwa. kung siya masaya sa parusang toh pwes ako hinde.. =___= nakakainis. 

"edi, maglakad kayong dalawa! kasalanan mo tong lahat eh, kung di mo ko kinulit nasa bahay na sana ako ngayon at nagpapahinga. Alam mo bang pagod na pagod ako! >___< galing na nga sa school at maraming ginagawa dahil sa graduating ako tapos eto nadagdagan pa ang violations ko." galit na galit na sabi ko, di ko na kasi masakyan ang kabaliwan nitong babaeng toh. hindi ako nageenjoy. PAGOD AKO, PAGOD! 

"edi, umuwi ka naman! di ka naman pinipilit na magstay samin ni Pepper eh. gusto mo umuwi ka na tutal pagod ka naman. wag kang magalala kaya ko naman alagaan toh. one week lang naman eh diba?" nagulat ako sa mga sinabi ni Tricia hindi ko alam kung galit ba siya or talagang pasigaw lang siya kung magsalita. Napatingin naman ako kay Pepper, para siyang nagmamakaawa na wag ko siyang iwan sa babaeng toh.. =____= anu ba toh? Animal extinct.

"hindi na ko aalis." sabi ko naman kay Tricia, bahala na mapagod at least ginawa ko ang lahat para maging okey tong si Pepper. di naman kasi ako yung taong basta uurong na lang. 

"t-talaga? di ka na uuwi" sabi naman ni Tricia na napansin ko agad na ngumiti na abot tenga. >___< ang kulit talaga nito! "YEY!" sabi niya at nagtalon talon na parang bata. Well, matitiis ko din naman siguro ang kakulitan nito, one week lang naman eh! 

[Tricia's POV]

Kung saan saan na kami naglakad ni James, muka namang hyper na hyper etong si Pepper. Napatingin ako sa kanya habang naglalaro sila ni Pepper ng fetch. 

"pwede mo bang kaibiganin si James" 

Bigla na naman nagflashback sakin lahat ng sinabi ni tita nung araw na pumunta ako sa kanila. Hindi ko alam pero pumayag ako sa gusto niya, kaibiganin lang naman eh. tutal gusto ko din naman maging close sa kanya dahil nga crush ko siya! :"""> 

"oi, para kang baliw diyan" nagulat ako ng makita si James na nakatitig sakin, Anubeeey? natutunaw si ako eh.

"a-ano yun?" sabi ko naman

"san uuwi si Pepper?" tanong ni James sakin

Opppss.. oo nga pala, san magstay si Pepper? di naman pwede samin kasi nga di naman kalakihan ang bahay namin.. -____- paktay san kaya?

"hindi pwede samin" sabi ko naman

"ANU? kanino mapupunta si Pepper." sabi naman ni James

---------------------------

"James, salamat talaga ah. alagaan mo si Pepper ah!" sabi ko habang nakatingin kay Pepper wala na kasi akong alam na paglalagyan ni Pepper kaya sa bahay na lang ni James si Pepper magstay tutal one week lang naman si Pepper dito.. :)

"nakakainis naman oh! >:|" sabi naman ni James na nakakunot ang noo

"wag ka ngang kumunot dyan, pumapanget ka eh! sige ah. alagaan mo si Pepper. :)" sabi ko naman at agad na kong naglakad

"TRICIA!TRICIA!" isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko kaya agad naman akong napalingon

"tita?"

"Tricia, dito ka na sa bahay namin magstay para maalagaan nio si Pepper!" sabi naman ni tita sakin at ngumiti ng nakakaloko

"eh, tita?" sabi ko at napakamot ako ng ulo

"don't worry may extra room naman eh diba James" sabi ni tita at napatango lang si James. "hindi pwedeng umayaw sakin" dagdag ni tita

"s-sige po?" pilit na sagot ko.  

======================

A/N: magstay si Tricia sa bahay ni James for Pepper. xD

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon