Chapter 7: Tutor
Nakatingin ako sa kisame namin, di pa din mawala sa isipan ko na kinausap ako ni James.. ang ultimate crush ko na sabi nila babaero daw at barumbado pero di ako naniniwala doon kasi lahat ng tao ay may mga weaknesses sabi nga ng ate ko, depende na lang sa tao kung paano nila ihandle iyon. Siguro nga tama siya, miski ako may weakness. ang pagiging nerd ko kahit na kokonte lang ang mga kaibigan ko okey lang..
"Tricia, kanina ka pa ba gising dyan? matulog ka na kaya!" sabi ni Ate Tin, agad siyang lumapit sakin at niyakap ako. Namiss ako ng ate ko bwahahaha, kahit na minsan inaasar ako ni Ate love na love ko yan at magkasing ganda kami.. yun nga lang mas maganda siya sakin.
"Ate, naman iniisip ko lang ung crush ko. Alam mo ba kinausap niya ko! Kilig naman ako." sabi ko naman kay ate at kinukurot kurot ko pa yung kamay niya
"aba, kaya naman pala eh. inlove na ata ang baby sister ko! at sino naman yang lalaking yan aber? baka saktan ka niyan ah.. ikaw pa naman basta gwapo umaarangkada ka agad!" pabirong sabi ni Ate. hahaha, well. totoo naman yung sinabi niya basta gwapo fight fight fight! LOL. :P
"oi, Tricia basta magaral ka munang mabuti ah.. para paggraduate mo ng highschool pwede ka na magmigrate sa Spain. makikita mo na ko lagi!" sabi naman ni ate
"oo naman ate, gagawin ko lahat tignan mo magiging valedictorian ako!" panloloko ko kay ate pero napakaimposibleng mangyari yun, kahit na nerd ako tamad ako magbasa ng libro. >__< ang panget lang ng pagiging nerd eh noh!
"oh, siya matulog ka na at baka mapuyat ka pa goodnite!" sabi ni ate Tin at hinalikan na niya ako sa noo.. Pasaway talaga si Ate masyadong namiss ako!
-----------------------
"WAAAAAAAA!" napasigaw ako ng makalimutan ko na ngayon pala ang test namin sa Theology. Anu ba naman yan? di pa naman ako nakinig kahapon diba nagsakit sakitan ako. wawa naman ako, badtrip talaga andito pa naman si James baka sabihin niya ang tanga at bobo ko! naku.. ayoko! gusto ko na tuloy umiyak!!
Binigay na samin yung papers na sasagutan namin. Agad ko naman binasa kasi konteng oras lang yung binigay ng teacher namin para sagutan kasi madali naman daw..
O___O" wala akong kaalam alam.. lahat ata ng test namin ngayon puro nilesson ni sir kahapon.. waaaa, wala na sira na future ko.. wala na kong future. *tapon papel* joke naginarte daw ba, basta sasagutan ko toh ng buong puso't damdamin. bahala na si Batman!
Pagtapos chinekan na namin yung papel namin at pinasa na kay sir.
"Ms. Santos" bigla akong tianwag ng prof ko, napatingin naman ako sa kanya anubeey! sasabihin lang naman niyan na okey bagsak ka.. di ka nag-aral napakapabaya mo sa buhay.. napakairesponsable mo! TT____TT gusto ko ng maiyak sa mga naiisip ko
"s-sir bakit po?" tanong ko, kinakabahan na talaga ako. Theology na nga lang di ko pa masagutan bakit ako ganito? Baaaaaaaaakeeeeeeet? TToTT
"oh? kinakabahan ka ata dyan.. mukang pinagpapawisan ka eh!" patawa na sabi ng prof ko tumawa naman yung mga classmates ko.. sus, bakit sir sinong di kakabahan eh di naman ako nag-aral and everything eh! >___<
"sir, pasensiya na po.. di ko naman sinasadya eh, di po ako nakapag-aral di ko po alam yung lesson niyo kahapon kasi po sumakit po yung ulo ko diba? Waaa, sorry po sir promise ko next time, di na po ako babagsak.. promise ko po yan!" sabi ko at tinaas ko pa ang kanang kamay ko
"are you paranoid Ms. Santos? well, actually tinawag kita because you got a perfect score and i'm shocked sa sinabi mong di ka pa nag-aral ng lagay na yan so it only means that you got a talent Ms. Santos" sabi sakin ni prof. Waaaa, sir wag kang ganyan tumataas confidence ko. Napatingin naman ako kay James bigla siyang napasmile.. WAAAAAA, ngayon ko lang siya nakitang magsmile ng ganyan! Bakit? anung rason?
"salamat po sir, thank you talaga!" sabi ko at mangiyak ngiyak pa ko.
"so, Ms. Santos dahil ikaw ang nakakuha ng perfect score, inaatasan kita na magtutor kay Mr. Reid.." seryosong sabi ni Prof.. t-teka? seryoso ba talaga siya tutor ako ni JAMES! WAAA. *hinimatay na* joke. :))
"sir, bakit naman kailangan ko ng tutor?" pagtutol ni James, James. kapag naging tutor mo ko tatalino ko ng 100% and malay mo madevelop ka pa sakin, charot!
"dahil ikaw lang naman ang nakakuha ng lowest score in Theology, take note Theology na lang toh binabagsak mo pa at dahil na din sa ilang days mong pagiging absent! nagkakaintindihan ba tayo Mr. Reid?" tanong ni sir
"yes sir.. wala naman akong magagawa eh!" sabi niya at napayuko na lang
"good. Ms. Santos ikaw ng bahala dito! Starting today, kailangan ko kayong makita sa library okey? sige, goodbye class!" sabi ni Sir at mega walkout na ang ginawa
Gusto kong tumalon.. *talon-talon-talon sa isip* waaa, gusto ko ding sumigaw, waaaaa! ^___^ agad akong lumapit kay James, wag niyang subukang tumakas kasi kakagatin ko siya!
"James, kita na lang tayo sa library okey! >^___^<" sabi ko naman kay James with matching cute smile pa yan.. todo effort no!
"fine." matipid na sabi ni James at nagwalkout na. Agad ko namang nilapitan si Fretzie at tumalon talon.. Kilig to the max na naman ako! "^___^
"Fretzie!!" sigaw ko at halos lahat ng classmates namin nagambala na.
"oo alam ko.. >__< di mo na kailangan sabihin pa! ikaw na ang tutor ni James okey!" seryosong sabi ni Fretzie.. t-teka anung problema ni Fretzie bakit kaya ganyan siya ngayon? oh,well baka meron lang or what..
-----------------
Pumunta na ko sa library, nakita ko si James na may hawak na libro at nagbabasa agad ko naman siyang nilapitan at nginitian.
"habang buhay ka na lang ba na nakatingin sakin?" sabi ni James na di man lang ako tinignan, assumera lang ako.. WAAAAAAAA! >___<
"sorry ah, anu tara simulan na natin ang pagaaral." sabi ko naman, tinuruan ko na siya ng mga lessons, grabe kinikilig ako! =___= ako na talaga ang malandeeeeeeee! Nakatingin lang ako sa kanya, binabagalan ko yung pagtuturo syempre sayang naman ang panahon diba. Paadvantage lang si ako! =)) gwapo niya kasi eh.
After nun, gabi na kami natapos. Binagalan ko nga diba kaya malamang gabi na kami makakaalis.. hahaha! =)) sabay kaming lumabas ng school.
"ANAK NG--" nagulat ako ng makita na sobrang lakas ng ulan. WAAA! naiwan ko yung payong ko eh, panu na toh? TT________TT
"sige alis na ko." sabi ni James at naglakad na
"s-sandali, may payong ka?" tanong ko sa kanya, susugod siya tapos walang payong HALLER?
"meron naman kasi akong driver so di ko na kailangan okey. tatakbuhin ko na lang tutal malapit lang naman dito nagpark ang driver ko! Ikaw?" sabi niya, aba tinatanong niya ba ako.. concern ang lolo mo!
"ah. w-wala kasi akong payong, sige alis ka na babay salamat!" sabi ko naman at napangiti ako sa kanya.. wawa naman kasi ako wala akong payong!
"sumabay ka na kaya samin.. tutal wala naman kaming pupuntahan! Nakakaawa ka naman eh, baka magmuka kang basang sisiw and it's my fault kung bakit ka nandito ngayon!" sabi niya at agad niyang hinawakan ang kamay ko at tumakbo kami papunta sa kotse niya..
"DAMN!" galit na sabi ni James
"b-bakit?" tanong ko naman, nakakagulat ang sigaw niya eh!
"i forgot nasa driver ko pala ang key at mukang lumabas siya! >___< kainis naman oh!" sabi ni James na halatang badtrip na badtrip na. Ang Badvibes naman kung kelan magkasama kami chaka pa umulan ng gantong kalakas.. TT___TT anung gagawin ko para mawala ang badvibes niya? WAAAAAAAAAAAAA.
==============================
A/N: anu nga ba ang gagawin niya? :P

BINABASA MO ANG
You Belong With Me
FanfictionA JaCia fanfiction. Tricia Santos and James Reid, enjoy! ;)