Chapter 13rd Person's POV
Kitang kita mula sa umaandar na kotse ang matatayog na mga punong nakalinya sa gilid ng daan. Nagmistulang bubong ng isang pathway ang mga sanga nito sa itaas.
Ramdam din sa loob ng kotse ang lamig at ang pagbaba ng fog sa lugar na 'yon.
She slightly blew at the car's window and wrote her name in the vapor.
Deth Eris de Ville
She laughed secretly at herself. Hanggang ngayon hindi niya pa rin maintindihan kung ba't iyon ang pangalan niya.
She whispered to herself, "Death. Greek Goddess of Chaos. Devil."
She sighed. Naalala na naman niya ang mga magulang niya.
Kung buhay pa kaya ang mga ito, malalaman kaya niya ang rason kung bakit ganoon ang pangalan niya?
Marami siyang gustong itanong sa mga ito pero 'di na niya magagawa pang itanong ang mga 'yon.
She looked out the window and shivered a bit.
She blew at the window again at nagsulat ng kung ano ano.
"Miss de Ville."
Deth came back to reality as she heard her name. She blinked twice then looked at her driver.
"Andito na po tayo, miss." The old man smiled at her and went outside the car and opened the door for her.
She smiled, "Thank you."
Fresh air filled her lungs as soon as she went outside the car. Iba talaga ang hangin sa probinsya. She stood there for a few seconds at nilanghap ang sariwang hangin. She even closed her eyes para mas madama niya ang hangin.
An old lady at her late 60's cleared her throat to get her attention and smiled, "Welcome back, Miss de Ville."
Nagliwanag ang mukha ng dalaga nang makita ang kinalakihang katulong. She hugged the old lady immediately, "Manang Lucia, na-miss po kita. Sobra."
"Na-miss din kita, anak. Buong akala ko hindi ka na babalik dito.", hinahaplos ng matanda ang kanyang buhok habang magkayakap sila. Na-miss niya ang paghaplos nang tumayong nanay niya noong maliit pa siya.
She forced herself to refrain from crying and getting emotional, "Akala ko rin po, manang."
"O siya, tama na muna at baka nagkaiyakan pa tayo dito. Halika na sa loob."
Manang Lucia led her way into the mansion.
The mansion was the same mansion that she remembers. Wala gaanong nabago rito. Kahit ang mga muwebles at mga vase na mismong ang mga magulang pa niya ang pumili noong nabubuhay pa ang mga ito ay nandoon pa rin. "It's still the same, manang."
"Minabuti na naming hindi galawin ang mga bagay dito. Nagbabakasakali kasi kaming lahat na baka bumalik ka pa." The old lady smiled as she pat Deth's shoulder.
Natawa nang kaonti ang dalaga, "Akala ko ho ba 'di niyo inakalang 'di na ako babalik?"
"Kahit na ganoon, 'di pa rin naaalis sa akin ang posibilidad na maaari ka pa ring bumalik."
"Kilalang kilala niyo na talaga ako, manang." She hugged the old lady, "Salamat po."
"Walang anoman, anak. Tara na sa kusina, nagpahanda na ako ng almusal. Kung gusto mong maglibot sa buong mansyon, sasamahan na lang kita mamaya pagkatapos mong kumain at magpahinga. Alam kong napagod ka sa byahe."
Tumuloy ma sa kusina ang dalawa. Sumabay na rin sa pagkain ang ibang mga katiwala sa dalaga dahil sa pagpupumilit nitong hindi ito sanay na may nanonood sa kanya habang kumakain.
Napagdesisyonan na ng dalaga na dumiretso na sa kanyang kwarto matapos makapag-almusal, "Okay na ho ako, manang. 'Wag niyo na po akong ihatid sa kwarto. Kabisado ko pa naman po kahit papano ang daan papunta sa kwarto ko."
"Sigurado ka ba, hija?"
"Opo, manang. Salamat po."
Wala nang nagawa ang matanda kaya't inatupag na lamang nito ang pag-gabay sa mga iba pang katiwala ng mansyon.
Magkahalong kasiyahan at lungkot ang naramdaman ni Deth nang makapasok siya sa kanyang kwarto. Her room was still the same, the drawers, the table, the nighlight, everything. It's as if she could see her younger self playing around the room. It was the same room she left 14 years ago.
She heaved a deep sigh at pinikit niya ang kanyang mga mata habang pinipilit alalahin ang mga natatanging at kakaonting alala ang meron siya sa lugar na iyon.
Anim na taon lang siyang nang mapagdesisyonan ng lola niyang ilipat siya sa America. Kung tama ang alala niya, iyon ang pasya ng doctor niya para makalimutan ang trauma niya. May mga konting naalala pa siya. But some were only a blur. Parang may kung anong nakabara para 'di niya na maalala ang mga iyon. Again, she heaved a deep sigh.
Umalis na ang dalaga sa kanyang kinatatayuan at napagpasyahang magpahinga na lang. Nahiga ang dalaga sa kama and as soon as her back touched the bed, nakatulog na ito.
BINABASA MO ANG
Heaven: My Saving Grace
Romantizm"There are no happy endings. Death is everyone's end. Since when did death became happiness?" -Deth Eris de Ville. "Happiness should be felt in the present not in the end." -Heaven Querubin All Rights Reserved 2016.