Chapter 4 | The Door

32 3 0
                                    


Chapter 4

Deth Eris de Ville


     It was a very beautiful glow. Dali-dali kong sinara ang mga bintana sa kwarto ko. Nilapitan ko ang susi and thank goodness, walang kahirap-hirap ko itong nakuha.

     "So it needs blood, huh?" sabi ko sa sarili ko. 

     Pinagmasdan ko ang susi, "Ang hirap mo namang kunin. Kailangan pa 'kong masaktan oara makuha ka."

     The key was made of both diamonds and gold. Noong nakadikit pa ito sa headboard, it was made of wood kaya aakalain mong naka-carve lang ito as a design.


     "Hija, and'yan ka ba? Naghanda ako ng meryenda mo."

     Agad-agad kong tinago sa bulsa ko ang susi, "Opo, manang. Andito po ako."

     Inayos ko muna ang sarili ko bago ko pinagbuksan ng pinto si Manang Lucia. Buti nalang at nai-lock ko ang pinto ko kanina.

     Shock was evident in Manang's face, "Okay ka lang ba, anak? Anong nangyari?" Kinuha niya ang kamay ko na may sugat at sinuri ito.

     "Ah, okay lang po ako, manang. Nahiwa ko lang ng ano.. ng cutter." I lied.

     "Sigurado ka ba? Halika sa baba, gagamutin ko 'yan. 'Tong batang ito talaga, 'di nag-iingat."

     I smiled at manang, "Okay lang po talaga ako, manang. Maliit na hiwa lang naman po ito."

     "Kahit na. Halika na't para makakain ka na ng meryenda mo at magamot ko na iyan."

     "Oo na po." 


     Pagkababa namin sa unang palapag ng mansyon, dumiretso si manang sa storage room na malapit sa dining hall para kumuha ng first-aid kit. Agad niyang nilinisan ang sugat sa kamay ko. Matapos niyang akong gamutin ay nagpaalam na siya dahil may mga kailangan daw siyang bilihin sa bayan. Kinain ko nalang ang meryendang nakahanda at umakyat na ulit sa kwarto ko.

     Kinuha ko ang susi sa bulsa ng suot kong short nang makapasok ako sa kwarto ko at makahiga sa kama.

     Namangha ulit ako sa ganda ng susi. It was not like any other keys that I have ever seen. Gawa ito sa ginto. Ang kabuuan ng susi ay parang may nakapulupot na maliliit na mukhang baging. May mga maliliit din itong mga gems. May maliit din itong angel wings na gawa sa 'di ko mawari kung ano pero kakulay nito ang isang galaxy. Ang mismong susi naman ay gawa sa purong ginto. Napansin ko rin na may naka-ukit na salita sa susi. Nababasa ko ito pero 'di ko maintindihan kung anong ibig sabihin nito.

     "Zeruan?"

     Unti-unting nagliwanag ang susi kaya bigla kong naitapon ito. Tiningnan ko ang susi mula sa aking kama. It was a very beautiful glow pero hindi ito katulad ng liwanag nung mismong nakuha ko ang susi sa headboard. Mahina lamang ito. 

     Ilang sandali pa ay nawala na ang liwanang. Nagdadalawang-isip ako kung kukunin ko ba ang susi o hindi. Pero sa huli, napagdesisyonan kong kunin na lang ito.

     "Weird." Binulsa ko nalang ulit ito at minabuting ipagsawalang-bahala nalang muna ang mga nakita ko. 

     "Siguro dahil sa boredom 'to. Deth, naghahallucinate ka na. My God!"

     Nagpagulong-gulong nalang ako sa kama at nagpasyang umidlip nalang muna nang makaramdam ako ng konting antok.


***


     Nagising ako ng mga bandang hapon na dahil sa gutom. I stood up, washed my face at the bathroom at lumabas ng kwarto. 

     Thoughts about where should I go next after I eat filled out my mind. San kaya ako pwedeng tumambay? Nakakasawa na kasi sa library. Maybe the garden will do. 'Di pa pala ako nakakapunta don.

     Pababa na ako ng hagdan nang makaramdam ako ng init sa aking hita. Nakalimutan ko na ang tungkol sa susi, kinuha ko ito mula sa aking bulsa. 'Don ko nalang namalayan na nag-liliwanag pala ang susi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya binulsa ko ulit ito. 

     Baka may makakita sa susi! That was the first thought that came inside my head. 'Di ko alam kung bakit pero I have this feeling na kailangan kong protektahan ang susi. It's like someone's saying inside my head na kailangan ko itong protektahan kahit ano pang mangyari.

     Dali-dali akong tumakbo pabalik sa aking kwarto. Kinuha ko ulit ang susi pero unti-unti na namang nawawala ang liwanag. Pinakiramdaman ko din ito at 'di na rin ito uminit pa. 

     Tiningnan ko ito ng mabuti. Naguguluhan ako sa nangyayari. Ano bang gustong mangyari ng susi? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

     Isang boses ang umalingawngaw sa loob ng aking kwarto, "The door.

     Nagpalinga-linga ako, "S-sino ka? Asan ka?"

     Muli ay narinig ko ang boses, "Open the door."

     "S-Sabi ko, sino ka? Asan ka? M-Magpakita ka!" The voice wasn't scary. Kung tutuusin, napaka-calm nito, pero hindi ko alam kung dahil sa takot o kaba kaya nag-stutter ako. Sino bang normal ang hindi matatakot kapag kinausap ka ng isang nilalang na 'di mo nakikita?

     "Come. Visit me. Open the door."

     Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko. Pinagpapawisan ako ng malamig kahit ang init-init ng panahon. "W-What door?"

     "Come..." Unti-unting nanghihina ang boses kaya't tumayo ako para sundan kung saan ito nanggagaling.

     Pagbukas ko ng pinto ay muling nagliwanag ang susi. Napalingon ako sa labas ng kwrto ko at tiningnan kung may tao ba sa labas na pwedeng makakita sa susi. Nang masigurado kong wala ay lumabas na ako nang tuluyan.

     Palakas ng palakas ang liwanag ng susi pero hindi ito nag-iinit.

     "Come..."

     Nasa may hagdan na ako and when I took a step down the stairs ay bigla akong nakaramdam ng init mula sa susi. Tiningnan ko ang susi at medyo nawala ng konti ang liwanag nito. I took a step up at medyo lumayo sa hagdan. Nawala ang init at muli ay nagbalik ang liwanag ng susi.

     "What? Bawal ka ba sa baba? Hanggang dito ka lang?"

     Sinubukan ko ulit na bumaba ng isang hakbang sa hagdan at nag-init ulit ang susi. "Okay. Okay. Chill. Init agad ng ulo? Sabi ko nga bawal ka sa baba."

     Pinagpatuloy ko ang paglalakad sa hallway ng third floor at napansin kong unti-unting nagiging kulay asul ang susi. "What the hell?"

     'Di ako tumigil sa paglalakad hanggang sa makaabot ako sa pinakahuling kwarto- ang kwartong nino man ay 'di pa napapasukan maliban nina Mommy at Daddy.

     Tuluyan nang naging asul ang susi at kasabay nito ay ang paglitaw ng isang salita na tila inuukit sa pinto. 

     Wala sa sarili kong binasa ang salita, "Zer..uan."

Heaven: My Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon