Chapter 6Deth Eris de Ville
Lahat nang madadaanan namin ni Heaven ay napapalingon at napapabow sa kanya. Nagnana-nod naman siya sa kanila at inaacknowledge ang pagbibigay respeto nila. Sikat yata ang isang ito.
Kasalukuyan kaming naglalakad sa gitna ng parang isang napakalaking market. Medyo masikip dito dahil sa daming mga Zanj na nandito ngayon. Buhay na buhay ang market kahit umaga pa. Kung tama ang pagkakabasa ko kanina noong papasok pa lang kami sa City Proper ay Rynek ang tawag nila sa lugar na ito.
Napamura ako ng palihim nang mabangga ako sa likuran ni Heaven dahil napahinto siya. Magrereklamo na sana ako nang makita ko siyang nagbow kaya't napatingin ako sa kung sino ang kaharap niya.
Nakita ko ang isang nakangiting lalake. Sa tingin ko kaedad lang namin siya o mas matanda siya ng isa o dalawang taon. Pinagmasdan ko lang silang dalawa habang nag-uusap sila.
"Master Sailas." Bati ni Heaven sa lalakeng nagngangalang Sailas. Mukha siyang isang jolly na tao. Kabaligtaran ni Heaven.
"Master Heaven." Sagot niya kay Heaven bago bumaling sa akin. Ngumiti siya sa akin and I gave him a nod. Ibinalik niya ang atensyon niya kay Heaven, "Is she your grace?"
Teka, sino? Ako? Ano daw ako ni Heaven? Grace? What?
Nag-nod si Heaven bilang sagot. I stared at then with a confused look.
The "Sailas" guy looked at me again and walked towards me. Kinuha niya ang kanay ko at hinalikan ito, "Hello, Miss Heaven's-Grace. I am very pleased to meet you. I.. I mean, we have been waiting for you for quite a very very long time."
Wala akong maisagot sa kanyang sinabi. Hindi ko naintindihan kung anong ibig sabihin niya. They've been waiting for me?
Dahan-dahan kong binawi ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya, "Thanks."
May sasabihin pa sana si Sailas but Heaven cut him off, "Ano nga pala ang kailangan mo?"
"Oh, that. I nearly forgot. Inutusan ako ng Dad.. I mean ni Lord Tadeos in behalf of the Ministry of the Trusted Zanj's na ipasundo ka." Sailas casually reported to Heaven.
"Pinasusundo ako?"
"State the obvious, Heaven."
"Bakit daw?"
"I don't know, either. Napag-utusan lang ako. Kung ako pa sayo, halika na. Kilala mo naman ang Ministry," nasa kalagitnaan pa ng pagsasalita niya si Sailas ng bigla akong hatakin ni Heaven at lumipad, "Ayaw nilang- HEY! WAIT UP!"
Napakapit ako ng mahigpit kay Heaven at napapikit sa sobrang kaba. I am afraid of heights! Ramdam ko ang pagsunod sa amin ni Sailas. Ramdam ko rin ang patuloy naming pag angat sa lupa. Wala akong ibang nagawa but to hold onto Heaven for my dear life
Napansin yata niya ang discomfort ko kaya't walang tanong-tanong ay nagdahan-dahan na siya sa paglipad.
"Hey, miss!" Rinig ko ang anusement sa boses ni Sailas.

BINABASA MO ANG
Heaven: My Saving Grace
Romance"There are no happy endings. Death is everyone's end. Since when did death became happiness?" -Deth Eris de Ville. "Happiness should be felt in the present not in the end." -Heaven Querubin All Rights Reserved 2016.