Chapter 3Deth Eris de Ville
It's been a week nang maka-uwi ako ng Pilipinas at tumira dito sa mansyon.
Nothing really new happened ever since then. Para lang akong nasa States pa rin. Magigising, kakain, magbabasa, magsisketch maglilibot sa mansyon, kakain tapos matutulog. Paulit-ulit nalang for a week. I've been doing nothing.
Boring talaga ang buhay ko. Kahit sa States, boring. Wala kasi akong kaibigan and I'm not allowed to go out and mingle with others. Strict kasi si Lola.
"Miss de Ville, ito na po ang kape niyo."
"Salamat."
Nandito ako ngayon sa library and as usual, nagbabasa lang ako. Nakatapos na ako ng tatlong libro simula nong napagpasyahan kong tumambag dito sa library five days ago.
I've been reading this book for about four hours now at malapit ko na itong matapos. Nagstretch ako nang kaonti bago ako nag-iba ng posisyon sa kinauupuan ko ngayon.
"Nakakangalay palang magbasa buong magdamag." I said to myself.
I have never imagined myself getting bored while reading. Aside from painting, reading is my favorite hobby pero ngayong mag-lilimang araw ba akong puro basa lang. I feel so bored.
Sinara ko ang librong binabasa ko ay naglakad palabas ng library.
"Nagugutom na po ba kayo, Miss de Ville? Ipahahanda ko na po ang meryenda mo."
Hinarap ko ang katiwalang nakasunod sa akin. She's been serving me for almost five days. Siya siguro ang nautusan nj Manang Lucia. Bata pa siya, I think she's just around 15-17 years old. Sobrang bata pa para maging katulong.
I gave her a slight smile, "No. I'm fine. I'm just bored. Magpepaint lang ako."
She smiled back, "Ano pong mga kakailanganin niyo? Ipahahanda ko na po."
"No. I'm good. May dala akong sarili kong mga gamit. You should rest. Kanina ka pa nakatayo."
"Okay lang po ako, Miss de Viㅡ"
"Deth. Call me Deth."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko, "P-po?"
I gave her a smile, "You can call me Deth. Miss de Ville is too formal."
"Sige po, Miss Deth."
"Hey," I chuckled slightly, "What I mean is, don't call me Miss de Ville or Miss Deth. I am neither. I am Deth. Just Deth or if you want Ate Deth nalang para mas comfortable."
"Pero.."
"No buts."
"M-Masusunod po, Miㅡi mean, A-Ate Deth."
"Sige na, magpahinga ka na. 'Yan ang utos ko sayo." I smiled.
"M-masusunod po." She bowed down then walked away.
Dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha ang mga gamit ko. Nilagay ko ang mga brush at paints ko sa isang basket. Tumayo ako at kinuha ang pinaka-iingatan kong brush na binigay ng daddy sa 'kin bilang gift.
Eris
I ran my fingers through my name that was artistically carved in the handle of the brush.
Tumayo na ako and decided to look for a room kung saan ako pwedeng mag-paint.
***
I walked back to my room feeling discouraged. Wala kasi akong makitang room na pwede akongmag-paint. I tried to paint in every single rooms in the mansion pero walang pumapasok na idea sa utak ko at 'di ko feel ang lugar. I even tried to paint in the library kasi sa pagkaka-alala ko don kami lageng nagpepaint ni mommy pero wala pa rin.
Padabog akong nahiga sa kama ko pero napabaligwas ako ng tayo nang mauntog ako sa headboard.
Tiningnan ko nang masama ang headboard then I laughed, "Sige ka, Deth. Baka kausapin ka na ng headboard."
Okay, I am so bored na pati sarili ko kinakausap ko na.
Nakaramdam ako ng hapdi sa ulo ko kaya chineck ko ang headboard. San ba tumama ang ulo ko? Bat feeling ko sa matulis? Tiningnan ko ulit ang headboard ng mabuti at medyo nagtaka nang mapansin kong may susing nakadikit doon. Looking from afar, 'di talaga ito mapapansin. Pero looking at it closer, mahahalata mo talaga ito.
Sinubukan kong tanggalin ang susi pero ang tigas tigas nito. Kahit anong gawin kong ayaw talagang matanggal.
Napapitlig naman ako bigla nang nahiwa at masugatan ang daliri ko. Naslide kasi ang daliri ko sa may dulo ng susi habang hinihila ito. Tumayo ako at dali-daling hinugasan ang sugat ko sa banyo.
I was so busy looking at my finger while going back to my bed kaya 'di ko na namalayang unti-unti na palang nagliwanag ang susi.
BINABASA MO ANG
Heaven: My Saving Grace
Romantizm"There are no happy endings. Death is everyone's end. Since when did death became happiness?" -Deth Eris de Ville. "Happiness should be felt in the present not in the end." -Heaven Querubin All Rights Reserved 2016.