Chapter 8
"Y-you know my D-dad?"
"And your mom, too. I know them both very well." Binigyan ni Lord Vidre si Deth ng isang makahulugang ngiti, "very well."
"What? No! Is he kidding me? Pinaglalaruan ba nila ako? Is this some kind of a joke?" Rinig na rinig ni Lord Vidre ang pagkabahala at pagkagulo ng utak ng dalaga. Bakas din sa mukha nito ang kalitohan. "No! Wag kang maniwala, Deth. Everything's just a dream. It's just a dream. A very very long one. Yes, you are only dreaming." Ramdam na ng dalaga ang pagkabuo ng luha sa magkabilang gilid ng kanyang mga mata.
Maging si Heaven na nakatayo sa tabi ng dalaga ay nabigla sa mga narinig niya mula kay Lord Vidre.
"Alam kong mahirap itong paniwalaan pero iyon ang totoo, Deth. Your parents are both from here."
Binigyan ni Deth ng isang napakatalim na tingin ng matanda, "That's impossible! How can they become something like you? Stop playing with my head! Tao ako! Tao kami! Tao kami ng mga magulang ko!" Tuluyan nang napahagulgol ang dalaga.
Deth was not the type of girl who shows the people around her the weakness that she's hiding. And that weakness was her uncontrollable emotions when it comes to her parents. Hindi niya malaman ang tunay na rason kung bakit ganon na lang siya kaapektado sa mga narinig niya tungkol sa mga magulang niya. It might be because what that Lord Vidre said was true. She can't help but doubt dahil kahit tanongin niya man ang sarili niya kung totoo nga ito ay di niya alam kung anong isasagot niya. Dahil siya mismo ay walang maalala tungkol sa mga magulang niya maliban nalang sa isang panaginip.
Alam ni Lord Vidre na wala na siyang magagawa sa pangyayari ngayon. Mas minabuti na lang niyang manahimik muna upang kumalma ang dalagang nagiging hestirikal na sa kanilang harapan. Maging ang mga miyembro ng Ministry ay tahimik lang na nagmamasid.
"How did that happen? That's not possible! You're lying!" Deth was trying hard not to cry her heart out. She was feeling frustrated and angry. Hindi niya maintindihan ang sarili niya.
Litong-lito na siya at mabaliw-baliw na siya dahil sa mga nalaman niya. Biglang nakaramdam ng hapdi si Deth sa kanyang magkabilang balikat. Wala siya sa tamang pag-iisip kaya't hindi niya iyon pinansin ngunit dahan-dahang lumalala ang paghapdi nito hanggang sa ramdam niyang umaabot na sa loob ng kanyang mga buto ang sakit. Unti-unting napaluhod ang dalaga sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.
Kasabay ng biglaang pagsigaw ni Deth dahil sa sobrang sakit ay ang pagkaalarma ng lahat ng mga Zanj na nasa silid dahil sa pagbigat ng pakiramdam nila.
Napatayo si Lord Vidre nang may maaninag siyang imahe mula sa hinaharap. Hindi makapaniwala ang matanda sa kanyang nakikita. Nakita niya ang mga maaaring mangyari kay Deth habang nasa Zeruan pa siya. Malabo man ang iba pang mga senaryo ngunit may iilan naman siyang nakikitang mga pangyayari na maaaring makapagpabago sa dalaga.
Ilang minuto ang tinagal ni Lord Vidre sa hinaharap bago siya makabalik sa kasalukuyan. Ngunit, nang makabalik na ang matanda sa kasalukuyan ay isang nagsisisigawna Deth ang kanyang nadatnan. Nakapalibot ang mga miyembro ng Ministry sa dalaga habang nagchachant ng mga healing enchantments ngunit wala itong epekto kay Deth.
BINABASA MO ANG
Heaven: My Saving Grace
Romance"There are no happy endings. Death is everyone's end. Since when did death became happiness?" -Deth Eris de Ville. "Happiness should be felt in the present not in the end." -Heaven Querubin All Rights Reserved 2016.