Chapter 2Deth Eris de Ville
Hapon na nang magising ako. Naalimpungatan ako dahil sa mga huni ng ibon na naririnig ko mula sa terrace ng kwarto ko.
Bumangon ako at lumabas doon. Malamig na simoy ng hangin ang bumati sa 'kin. Kitang-kita mula sa terrace ang malawak na garden na nasa likod na bahagi ng mansyon. 'Di kalayuan, sa magkabilang gilid ng hardin, ay ang kakahuyan. I may sound weird but the forest didn't look so eerie for me. Though it looks quite big, mapapansin namam ang serenity sa loob ng gubat na sa tingin kong nagdadala ng calmness sa mansyon.
Pinikit ko ang aking mga mata at nagdesisyong maghilamos na para makababa na ako at makapag-ikot ikot na sa loob ng mansyon.'Di ko namalayan na may paso pala na malapit sa 'king kamay at nasagi ko ito. Muntikan nang mahulog ang paso, mabuti nalang at nasalo ito kaya't ang mukhang plate na pinagpapatungan lang nito ang nahulog.
Napatingin ako sa baba nang marinig kong may napa-"aray". May nakita akong lalake na patakbong pumasok sa loob ng kusina ng mansyon habang hawak hawak ang kanyang ulo.
Agad akong pumasok sa banyo at naghilamos. Bumaba ako at dumiretso sa kusina para makahingi ng tawad sa lalakeng nahulugan kanina. Naabutan ko ang isa sa mga katulong sa kusina, "Ate, may nakita ka bang lalakeng pumasok dito?"
"P-po?"
"Kanina kasi nung nasa terrace ako ng kwarto ko. May nakita kasi akong lalake na pumasok dito kani-kanina lang."
"Sorry po, Miss de Ville. Pero wala po eh."
"Ganon ba? Sige, salamat."
Palabas na ako nang makapasok si Manang Lucia sa kusina. "Hija, gising ka na pala."
"Ah, opo, manang. Kakagising ko lang po."
"Gutom ka na ba? Ipahahanda ko na sa kanila hapunan mo."
"Sige po. Manang, maglilibot po muna ako sa mansyon."
"Samahan na kita, hija. Okay lang ba?"
I smiled and nodded. Pumayag na akong samahan ako ni Manang. Mas mabuti na 'yon para di ako mawala. 'Di ko na kasi kabisado ang mansyon. I was only 6 years old when I left the mansion. Kaya kahit anim na taon akong nakatira dito, 'di ko na masyadong maalala ang mga pasikot-sikot dito.
***
Malaki ang mansyon. Meron iyong tatlong palapag. Sa first floor, matatagpuan ang receiving area, living room, kitchen, dining hall at ang napakalaking convention hall.
Umakyat kami ni Manang sa second floor at dinaanan namin ang lahat ng kwartong nandoon: ang napakalaking library, ang study room o office ni daddy, ang mini-theater at tatlong naglalakihang guest rooms.
Nasa third floor naman ang lahat ng iba pang mga kwarto: ang master's bedroom nina mommy at daddy, ang kwarto ko, at ang iba pang guest rooms.
Lahat ng kwarto o parte ng loob ng mansyon ay nakita ko na maliban lang sa isa.
Isang pinto lang sa mansyon na 'to ang 'di ko nabuksan. 'Yo ang kwarto na nasa pinakadulong bahagi ng ikatlong palapag. Tinanong ko kay Manang kung anong nasa loob ng kwartong 'yon pero kahit siya, 'di pa rin daw nakakapasok don. Sabi niya sina Mommy at Daddy lang daw ang nakakaalam king ano ang nasa loob. Sinubukan na rin daw ni Lola na ipagiba ang pinto, pero kahit anong gawin daw nila, 'di nila mabuksan-buksan ang pinto. Gawa daw kasi napaka-kapal na bakal ang pinto at mga dingding ng kwartong 'yon. Pinasadya daw talaga 'yon nila mommy kaya pinabayaan nalang ito ni Lola. Ito rin daw ang dahilan kung bakit di maiparenovate ni Lola ang mansyon.
Wala akong masyadong maalala sa ibang parte ng buong mansyon maliban sa convention hallㅡ sa unang palapag kung saan ako nagdiwang ng 6th Birthday Party ko; sa Libraryㅡ sa pangalawang palapag kung san kami nagpepaint ni mommy; sa Master's bedroomㅡ sa pangatlong palapag kung san ko kinukulit sina mommy at daddy kapag 'di ako makatulog mag-isa sa kwarto ko at sa mismong kwarto ko.
***
Nalibot na namin ni Manang ang buong mansyon. Kung tutuusin para akong tinuor sa isang hotel. The place is really magnificent. It was a like a castle for a princess in a fairytale. But I didn't really feel whole in this mansion. Parang may kulang. Parang 'di ko maramdaman yung essence nang sinasabi nilang home.
Bumaba na si Manang Lucia at sinabing tatawagin nalang daw ako 'pag nakahanda na ang hapunan. Nagpa-iwan nalang muna ako sa third floor at dumiretso sa terrace ng aking kwarto.
Madilim na at 'di ko na naabutang sunset. I looked up at the starry sky and wondered, "Ano ngayon kung mala-fairytale na palasyo ang tinitirhan ko kung mag-isa lang ako?" A tear fell down my cheek, "Ano kaya kung nandito pa kayo, mom? Mararamdaman ko kaya yung home na sinasabi nila?"
I sighed. Here I go again. Thingking about something that can make me cry.
Yumuko ako para mapunasan ang mga luha ko. Napatingin ako sa may gitna ng hardin nang may makita akong anyo ng isang lalakeng naglalakad papunta sa kakahuyan.
Pinunasan ko ang mga luha ko para makakita ako ng maayos at makasiguro ako sa aking nakita pero napalingon ako sa may pinto nang may biglang kumatok. "Miss de Ville, Nakahanda na po ang hapunan niyo."
"Okay."
Nilingon ko ulit ang hardin pero wala na ang lalakeng nakita ko.
Namamalikmata lang siguro ako.
BINABASA MO ANG
Heaven: My Saving Grace
Romance"There are no happy endings. Death is everyone's end. Since when did death became happiness?" -Deth Eris de Ville. "Happiness should be felt in the present not in the end." -Heaven Querubin All Rights Reserved 2016.