Chapter 5
Deth Eris de Ville
Nanginginig ang aking mga kamay habang nagdadalawang isip kung tama bang buksan ko ang pinto o hindi.
Narinig kong muli ang boses, "Come..."
"I-I can't.."
"Come..."
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Ayaw ko itong buksan dahil hindi ko alam kung anong maaaring sumalubong sa akin sa likod ng pintong ito ngunit may parte sa utak ko na nagsasabing dapat ko itong buksan.
"I've been waiting for you. Come..."
Gamit ang nanginginig at pinagpapawisan kong mga kamay ay nagawa kong buksan ang pinto. Dahan-dahan ko itong binuksan. Darkness welcomed me as I enter the room. Nang mtuluyang na akong makapasok ay biglang nagsara ang pinto sa aking likuran at narinig ko rin itong nag-lock. Agad kong kinapa ang doorknob ngunit hindi ko ito mahanap.. Parang nawala ang pinto!
Panic filled up my mind. Nasa loob ako nang kwartong nino man ay walang kaalam-alam kung anong nasa loob at wala akong makita! Kinapa ko ang dingding para hanapin ang switch ng ilaw nang bigla akong mahulog.
Napatili ako sa sobrang pagkabigla at takot. Para akong nahuhulog sa kawalan!
"Tulong!"
Naramdaman ko ang pag-init sa gilid ng aking mga mata. Patuloy pa rin akong nahuhulog sa tila walang katapusang bangin. Wala na akong ibang nagawa kung hindi mapapikit, mapa-iyak at magdasal na sana ay mailigtas ako sa pagkakahulog ko ngayon sa kawalan kahit alam kong napaka-imposible nito.
Napamulat na lang ako nang may naramadaman akong mga bisig na tila niyayakap ako. Wala pa rin akong makita at 'di ko man kakilala kung sino ang yumayakap sa 'kin ngayon ay nakaramdam pa rin ako ng safety.
Unti-unting nagliwanag ang paligid at kasabay nito ang unti-unting pagka-aninag ko sa dalawang pares ng mga naglalakihang pakpak.
Mga pakpak! Kulay puti ito ngunit unti-unti itong nagiging kulay asul hanggang sa maging asul na ang mga dulo ng bawat balahibo.
Agad akong napalayo sa kung sino o ano man ang kayakap ko. Medyo nahihilo at nalulula pa rin ako dahil sa pagkakahulog ko pero nagawa kong makalayo sa kanya. Nawala ang relief na naramdaman ko kanina nang iligtas niya ako. Napalitan ito ng konting takot at pangamba.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Kung tutuusin, mukha naman siyang normal mula ulo hanggang paa. Ang dalawang pares lang ng naglalakihang mga pakpak ang nagpapahiwatig na hindi siya normal.
Natumba ako ng mapaatras ulit ako nang biglang gumalaw ang mga pakpak niya. Lalapitan sana ako nito o niya. Ewan! Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanya. I raised my hand as a sign na 'wag niya muna akong lapitan. 'Di ko pa alam kung anong dapat kong maging reaksyon. Mukha namang naintindihan niya ako dahil hindi na niya itinuloy ang paglapit sa akin.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang sinusuri ko ang nilalang na nasa harapan ko. He really looked like a normal human being like me. Parang nasa early 20's lang din siya gaya ko. Nakasuot siya ng simpleng white v-neck shirt at itim na pantalon namay konting punit sa may kanang tuhod. He has this pair of bored and sleepy yet mesmerizing eyes. Seryoso ang mukha niya but a hint of worry was obvious in the way he looks. He don't look like he knows how to smile. He also don't look that strong dahil sa patpatin niyang katawan but his stance and his moves shouts confindence.
Pinagmasdan ko ulit ang mukha niya nang matapos kong suriin ang kabuuan niya. Marammi akong tanong sa isipan ko but I can't seem to utter even just a single word.
"Okay ka na b-"
"Wh-what are you?"
The guy gave me confused look, "'Di ba dapat 'who are you' ?"
"I said, what are you?"
"Heavan. My name is Heaven Querubin."
"'Di ko tinatanong kung anong pangalan mo."
"Pag sinabi ko ba kung ano ako, maniniwala ka?"
"Depends."
"I doubt."
Ramdam ko ang unti-unting pagkulo ng dugo ko dahil sa inis sa lalakeng kausap ko ngayon, "Try me."
"I'm a Zanj."
I scoffed, "You're a what?"
"Zanj. I'm a Zanj."
"What the hell is a Zanj?"
"I am, what you, mortals' so-called guardian angel."
I froze and let what he just said sink into my whole system.
He's an angel.
A guardian angel, to be exact.
Ilang sandali pa ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagalpak na ako ng tawa. He, in the other hand, gave me a scornful look.
"Wait. Teka lang ha? Ang galing mong umacting. Award-winning! Pwede nang pang-comedian. Teka, asan ba ang hidden camera? Nasa comedy show ba ako ngayon? God! Muntik na akong maniwala d'yan sa pakpak mo! It looks so real!" I was amused by myself cause I managed to say those words in between my laughs.
"Are you mocking me?"
He looked quite angry kaya medyo naging awkward ang pagtawa ko, "Sorry, what?"
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko, "I guess you're not taking me seriously. Well, if this is what a comedy show looks like for you," pina-ikot niya ako while looking like he wants to prove something to me, "then suit yourself.." at doon ko lang napansin ang paligid.
Everything looked so unrealistically amazing! The whole place was a paradise. Para akong nasa langit. We're currently standing at the top of a hill at kita dito ang mga busy na nilalang sa kanilang mga normal na gawaing pang-araw araw, what made them look not normal was there wings. The city was filled with people flying. Kahit saang parte ng siyudad ay may taong lumilipad. Magkaka-iba ang kulay ng mga pakpak nila. May kulay blue na tulad ni Heaven. May dilaw, pula, berde, orange at iba pa. Lahat sila ay may pakpak!
I can also see the whole city from up here. Kitang-kita ang mga nagtataasang building na gawa sa pilak and the sun rays are meking the building look shining. It was totally a majestic view! Hindi ko napigilang mapalingon sa lalakeng katabi ko ngayon. He's currently checking the whole city with a proud look on his eyes. He caught me staring at him then he nodded. May tinuro siya sa likuran ko kaya napalingon ako.
I saw the glistening forest. Ramdam ko mula sa kinatatayuan ko ang pagkahinahon ng gubat. Para akong hinehele ng mga dahong at mga sangang nagkikiskisan sa pagdaan ng hangin. I also feel refreshing as I smell the morning dews.
"Deth," napalingon ako sa lalakeng nasa likuran ko,
"Welcom to Zeruan."
BINABASA MO ANG
Heaven: My Saving Grace
Romance"There are no happy endings. Death is everyone's end. Since when did death became happiness?" -Deth Eris de Ville. "Happiness should be felt in the present not in the end." -Heaven Querubin All Rights Reserved 2016.