Chapter 12: Love Doctor

28 4 0
                                    

Nate' s POV

Aish, nandito ako ngayon sa school. May klase kasi kami. Ayun, boring as always. Diba binabayaran namin ang tuition fee para magturo ang mga teacher? O bakit buhay nila ang kinukwento nila?

E di sana pala ang subject nalang namin ay 'Story Telling'? Kasi naman eh. Pake ba namin sa buhay nilang mga teacher?

" Class dismiss. " Yown! Tapos na ang klase. Makakapaglunch na din ako. Gutom na gutom na ako eh. Ano kaya makain?

Ah, sa Pizza Hut na lang. I'm craving for some pizza.

-----

At Greenwich

Hay. Ang haba haba naman ng pila. Kanina pa ako dito oh. Ayun, ako na ang next.

" Good af-- "

" Hawaiian Pizza, bilisan niyo. " Oh syempre, di ako mabait basta sa pagkain. Kailangan nilang bilisan sa pagseserve kasi baka malate pa ako. Sila naman sisihin ko eh.

Psh, ang bilis nga ng serving. Wala naman akong mauupuan. Kesyo, may upuan sa kaduluduluhan. Kapag minamalas ka nga naman oh, nakita ko pa si L-Lianne. Aish, 'bat ba ako nauutal?

Nung nakita niya ako, kumaway siya sakin at tiningnan ang paligid na parang tinitingnan kung may upuan pa ba. Pinaypayan niya ako ng kamay niya, ibig sabihin pinapaupo niya ako sa upuan niya. Seriously?

" Hi Nate! Share nalang tayo ng table. Mukha namang walang iba pang mauupuan eh. "

Sabi niya. Alangan namang tumanggi ako. E di ang bad ko naman kung ganon tsaka wala na akong mauupuan. Tss, sige na nga.

Syempre, para matago ang nararamdaman kong kung ano kapag nilalapitan ko siya, magpapacool ako. Baka mautal nanaman ako sa kanya eh.

" Oh, hey. Sige. Makikishare nalang ako. Thanks... L-lianne. " Aish. Nauutal ako kapag binabanggit ko pangalan niya eh. Argh!

Nag-nod siya at nag smile na halata namang sad smile. Ano problema 'non? May masama ba akong nasabi?

Umupo nalang ako sa chair na katapat niya at... oo, magkatapat kami ng upuan. Eh ano naman!? May aangal?

" Lianne? May problema ka ba? Anong nagyari? Parang matamlay ka kasi ngayon. May sakit ka ba? Bakit pumasok ka pa kung may sakit ka? Baka mabinat ka niyan. Umuwi ka nalang muna. Napapansin ko nung mga nakaraang araw, matamlay ka nga. Bakit? Sagutin mo naman ako, Lianne. Ano? Uy? Ha? Anong problema? Lianne? Bakit di ka sumasagot? " Yan ang mga tanong na gusto kong tanungin at sabihin sa kanya kanina pa. Totoo naman eh. Matamlay siya nitong mga nakaraang araw.

Tumingin ako sa kanya at parang shocked na shocked siya. Oh, may nasabi nanaman ba akong masama?

" Teka, teka. Isa-isang tanong lang naman. How can I answer them all if sunod-sunod ang mga tanong mo? Okay. *inahale-exhale* Unang-una, ang problema ko ay ikaw, iniiwasan mo kasi ako nitong mga nakaraang araw. Pangalawa, bakit ako ang tinatanong mo kung anong nangyari? Tanungin mo sarili mo. Pangatlo, di ako makasagot agad kasi sunod-sunod tanong mo. Gets mo ba yun, Nate? " Napapansin niya ba yung pag-iwas ko sa kanya?

Totoo naman niyan, iniiwasan ko siya para mawala na yung mga nararamdaman ko na kung ano sa kanya.

Kaya lang... parang... parang... namimiss ko siya o kaya naman kating-kati ako na makausap siya o kaya naman malapitan siya.

Hay ano ba 'tong nangyayari sakin? Butterflies in my 6 pack abs tummy, thrill when I talk or see her, I'm happy when I see her happy, kinikil-- WHAT AM I SAYING!? Parang nabasa ko na 'to dun sa story ni helloiya sa Wattpad ah. Yung babae, nafefeel niya yung butterflies sa tiyan niya, kinikilig siya na parang ewan na halos magkandarapa kakatitig sa lalaki, tapos masaya siya kapag masaya yung lalaking gusto niya. L-love na ba talaga 'to? Aish. Sabagay, babae naman yung nasa story na 'yun at hindi lalaki.

Charanty University: School RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon