Chapter 17: Promo

20 2 0
                                    

Nate' s POV

Andito ako ngayon sa bahay. Nagdodota ako dito sa may computer ko. Ngayon lang ata ulit ako nakapagstay sa bahay namin kasi halos lagi kong kasama si Lianne.

At alam ko na ang balita na nililigawan na ni Gian si Cathe- 2 weeks from now. Ako naman, halos dalawang buwan na simula nung niligawan ko si Lianne.

Matagal-tagal na rin. But, I can wait for her. Di pa daw kasi siya masyadong handa sa mga relationship status. Pano ba naman, ako ang pinakaunang nanligaw sa kaniya.

" K.O. " Aish. Masyado akong pre-occupied. Naglalaro nga pala ako ng DOTA. Ayan, tuloy. Natalo ako.

Kinuha ko agad-agad ang phone ko ng may magtext. Excited pa naman ako kasi kala ko si Lianne. Ek-ek lang pala.

Nanalo daw ako ng trip to beach for six persons. Sino naman isasama ko kapag nagkataong totoo ito?

Natandaan ko nga pala na namimili ako sa department store ng bagong t-shirts. I spent 5,000+ pesos kaya pinagraffle nila ako. At kung sinuswerte ka nga naman, napanalunan ko pa ang trip to beach!

Saktong-sakto na anim 'to. Kasya kaming barkada-- Si Hailey, Lianne, Cathe, Gian, Josh, at ako syempre.

Agad-agad ko silang tinext. Kakaiba yun name nila sa contacts ko. Para naman may twist 'noh. Natatawa nga ako sa mga pangalan nila.

To: Dyosang Hailey, My Loves Lianne, Daldalitang Cathe, Pugitang Gian, Matakaw na si Josh

Hey Uglies except Hailey, Lianne, and Cathe! Nanalo ako ng raffle promo sa mall. Trip to Beach for 6 persons. Saktong-sakto, anim tayo. Text back kung pwede kayo o hindi. Syempre, kayo ang manglilibre sakin ng pagkain ko dun. Kayo na nga ang nilibre sa trip to beach. Tss.

GM for Hailey, Lianne, Cathe, Gian, and Josh.

SEND!

Wala pang dalawang minuto ay nagreply na sila. Psh, wag silang arte. Dapat pumayag silang sumama. Minsan na nga lang magbonding eh.

Binasa ko isa-isa texts nila.

From: Dyosang Hailey

Thanks no thanks. Geh, sama ako diyan. Ako pa? Magpapahuli? No way high way!

Tss. Topakin talaga 'tong bespren ko. Yes or no lang, di pa masabi ng matino. Hay. Sunod kong tiningnan ang text ni Gian.

From: Pugitang Gian

Okay.

Wow as in wow. Man of a few words talaga 'to. Kahit man lang two words sana ang tinype niya. Kelan kaya siya matututong magsalita ng madami?

From: Daldalitang Cathe

Sure, sure. You're so swerte to won a raffle gaya niyan.

Eto namang isang 'to. She can speak tagalog and english at the same time.

From: Matakaw na si Josh

Geh brad. Siguraduhin mong tunay yan dahil sasapakin talaga kita. Wag kang paasa.

Eto namang si Josh, handang manapak lagi. Kahit nga mahinang sapok niyan, masakit na. Ang laki ng muscles. Or let's say, TABA. Bwahahaha!

And lastly, from LIANNE BEYBEH!

From: My Loves Lianne

Okay, Nate. I'll be there. Congrats for winning the raffle!

Awww, sweetest message among them. Ampu! Pambakla pero, kinikilig ako sa bawat sasabihin o gagawin sakin ni Lianne.

I'm still wondering, kelan ko kaya makakamit ang matamis na 'oo' ni Lianne? O baka naman, di niya ako sagutin.

Ah, whatever.

Bumaba ako at nadatnan ko si Mommy at Daddy na nanonood ng TV. Ano pa bang bago? TV Addicts sila eh.

" Hi, baby. Do you need something? " Tss. Binebaby parin ako ni Mommy. Si Daddy naman hindi na at kampi kami lagi, bwahahaha!

" Binebaby mo pa yang anak mo eh binata na yan. " Gera yan. Promise! Debate, debate! Wuhooooo!

" Eh ano naman sayo? At saka, anak KO lang? Di MO anak? " Diniinan niya pa ang salitang KO at MO. Go Mommy! Go Mommy! Kaya mo yan!

" Honey, di naman sa ganon pero malaki na siya eh. "

" So you're saying na wag dapat ako makielam sa buhay niya? Masama bang magpaka-nanay sa anak KO? "

" Kung maka-anak mo, parang di ko din anak. "

" Ahhh! Nakakahighblood ka! "

" I love you, Hon. "

" I love you, too Hon. "

And there, tapos na ang debate! Ang nanalo ay si, WALA! Aish. Isip-bata ang mga nanay at tatay ko.

PERO MAHAL KO SILA.

Pupunta lang akong mall at iclaclaim yung prize ko na Trip to Beach.

YEAH! HERE WE COME, ALEMMA BEACH!

- END OF CHAPTER 17 -

Yeah, I know, bitin. Pero makahulugan. Next chapters will be about their trip to beach. Thanks for reading this chapter.

Charanty University: School RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon