Chapter 7: Punishment Day

59 5 0
                                    

Nate's POV

Nandito ako sa bahay nina Hailey. Sabado naman. Susunduin ko siya kasi ngayon ang start ng day ng punishment. Ang paglilinis ng room. Actually, late na kami in 5 minutes.

" Hails! Ang kupad mo talaga, bilisan mo nga. Malelate na tayo in five minutes. Paniguradong andon na ang ibang leaders ng groups. "

Bumaba na ng hagdan si Hailey. Nakasuot siya ng ng three-fourths na sweater-looking top na kulay baby-blue with white clouds design, skinny greyish-white jeans, a Penshoppe classy-looking white shoes, and an Adidas light-pink backpack.

Habang ako, nakasuot ng blue Nike cap, grey loose-looking t-shirt with a hoodie, skinny black pants, a Nike Airmax shoes, and a dark-blue Adidas bag.

Nagpaalam na kami kay Tita-- Mommy ni Hailey na aalis na kami, napatigil kami sa isang bahay na may bagong lipat nung isang araw lang nung lumabas and Leader ng Nerds, si Lianne.

Tila gulat na gulat siya ng makita kami at kita sa mata niya na parang tinatanong kung bakit kami andito.

" Lianne, kayo ang nakatira diyan? "

Lumingon muna siya sa paligid para malaman kung walang taga-school na nandoon. Syempre, para sigurado.

" Anong ginagawa niyo dito? " Tanong niya na may bakas na pagtatanong sa mukha niya.

" Dito kami nakatira. Diyan ka pala nakatira? "

" Oo. Obvious ba? "

Nakuha pang mamilosopo. Baka kasi malay mo, dumalaw lang siya dito.

" Sabay ka na samin. Diba Punishment Day na ngayon? Sabay ka na samin. "

Nagulat siya ng marinig ang sinabi namin. Ano ba? Everytime na may kilos kaming gagawin, magugulat nalang ba siya? Weirdo.

" N-nakakahiya naman sa inyo. "

" Bakit ka mahihiya eh kaibigan ka na namin ngayon kaya halika na. "

Hinila siya ni Hailey sa kamay at nagbaybay ng masasakyan. Ng makaupo na kami sa jeep...

" Wala pa kasi akong naging kaibigan tulad niyo. "

" Tulad namin na ano? "

" Mabait, palakaibigan, basta. I can't describe, you, guys. Kapag nakikita ko kayo, parang happy-go-lucky lang kayo lagi na parang walang problema. "

Natahimik lang ako. Di ko alam ang sasabihin. So, mabait pala ako ah. Dagdag pogi points yun ah.

Nakarating na kami sa room ng isang school na lilinisan namin. Pumasok na kami sa loob ng room na sinasabi ng Dean sa amin.

Nakaakbay ako kay Hails. Nasa gitna ako ni Hails at Lianne. Haysh. Pwede bang Lia na lang? Ang haba naman masyado eh. Para may tawag ako sa kanila na diff. name.

Pero bago pa kami pumasok ay nakita namin sina Cathe, Josh, at Gian sa labas ng room. Nakaupo sa isang folding chair si Cathe, wow, handang handa ah, si Josh naman ay nakasandal sa pader at nakacross ang arms, si Gian naman ay nakadekwatro habang nakaupo sa lapag.

Syempre, gusto ko mawala ang rule na yan kaya kailangan kong pakisamahan ang mga taong ito. Para makumbinsi ko silang makipagtulungan sa akin na mawala ang rule. Tumpak! Ang talino mo talaga, Nate.

Nagulat nalang ako ng biglang tanggalin ni Josh ang kamay ko na nakaakbay kay Hails. Problema nito?

" Pasok na tayo. Ang init sa labas. Allergic ako sa araw. "

Charanty University: School RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon