Chapter 13: Kidnapped

37 6 2
                                    

Lianne' s POV

Saturday ngayon at wala akong ginagawa. Pero buti nalang, andyan ang mga kaibigan kong libro, handang makipaghalubilo sa isang taong gaya ko na boring ang life. Hay.

Nagbabasa ako ng libro ni Nicholas Sparks dito sa kwarto ko. As usual, nakakulong lang naman ako lagi sa lungga ko.

Biglang nagring ang phone ko at tiningnan kung sino ang nagmessage. Si Hailey lang pala. Sana naman yayain niya ako maggala. Di kasi ako mahilig magyaya. Iniintay ko magyaya ang iba sa akin.

Tiningnan ko ang message niya at viola! Nagyayaya siyang magmall. Yes! May gagawin na din ako sa wakas.

From: Hailey

Hey, Lianne! Are you free today? Kung wala ka namang ginagawa, samahan mo naman ako magmall, please?

To: Hailey

Hi, Hailey! Wala din akong ginagawa sa ngayon. Sige, sasamahan kita magmall. Anong oras ba at nasaan ka?

From: Hailey

Yey! Thanks a lot. I'm on my way on the mall. Punta ka na dito ngayon. Hurry, please? Super thanks talaga, Lianne. You're the best!

To: Hailey

Wait for me there. And BTW, you're welcome. Wag ka na magreply. Mag-aayos lang ako ng mabilis.

Pumunta ako sa labas at nakita ko si Mommy na nakain ng durian. Wait, Durian? Durian ba kamo? Saan niya nakuha yan? Kakain lang akong mabilis. Gosh. I'm craving.

Dali-dali akong pumunta sa mesa at kumuha ng durian sabay kain. Ang sarap talaga. Favorite ko 'to.

" Masarap ba, baby? " Tanong sakin ni Mommy.

" Yeah, Mom. By the way, tungkol sa sinabi mo sakin nung bagong lipat palang po tayo dito, may bago po kayong mapapangasawa, si Tito Jeff right? "

She just nodded and continued to eat Durian.

" Sino po ba yung magiging kapatid ko na sabi niyo, dun din siya napasok sa school ko sa Charanty? "

Natahimik siya saglit at biglang ngumiti. Ngiting parang nang-aasar. Hey, what was that smile for???

" What's with the face, Mom? " I asked.

" Anak, malalaman mo din. Iimbitahin ko sila Tito mo dito at tsaka yung magiging Kuya mo. Eh teka, bakit mo ba natanong? Are you jealous because I'll have my new baby boy at di na ikaw ang lagi kong pinagtutuunan ng pansin? "

What!? Mas gusto ko ngang di ako ginagawang baby ni Mom. Tss.

I make a face na parang diring-diri sa sinabi ni Mommy. Hahaha. Nakakatawa talaga si Mom. Kung ano-ano sinasabi.

Pumunta ako sa kwarto ko at nakita ko, 5 missed calls and 5 messages. Woah. Ganon ba ako kafamous?

Puro galing kay Hailey. Tiningnan ko ang messages.

From: Hailey

Hey! Where are you?

From: Hailey

Ang magaganda, hindi dapat pinag-iintay!

From: Hailey

Asan ka na ba!?

From: Hailey

Gosh! Ang tagal mo naman.

From: Hailey

LIANNE!?

Ay, napasarap ata ako ng pagkwekwentuhan kay Mommy, ayan, medyo napatagal.

To: Hailey

I'm sorry, Hails! Traffic lang.

Bwahahaha! Pero sa totoo, hindi naman talaga traffic. Asa bahay pa nga lang ako eh.

Pagkatalikod ko, muntik na ako himatayin sa gulat. Pano ba namang hindi, si Mom nasa likod ko. Nakita niya siguro ang text namin ni Hails.

" Baby, ipakita mo yang ganda mo. Magtanggal ka ng salamin mo at gamitin mo ang contacts na binigay ko sa'yo, tapos magmake-up ka na kahit light lang. Tapos yang damit mo, parang pang manang sa totoo lang. Tokong and loose shirt, nah! Dapat dress. Maganda naman ang legs mo eh. Please, baby? " Tiningnan ko itsura ko sa salamin, oo nga naman. Sige na nga.

I just nodded. Kumuha siya ng light-blue dress at ipinasuot sakin, above-the-knee ang haba. Tapos nilagyan niya ako ng face powder, tapos red blush para daw cute. Naglagay siya ng concealer sa baba para clean yung blush. Tapos nilagyan niya ako ng peach-colored lipstick. Nilagyan niya ako ng maskara, light lang. Tapos nilagyan niya ako ng brown eye-shadow. Binawasan niya yung eye-brows ko kasi makapal daw. Tapos inayos niya ang buhok ko. Straight pala ang buhok ko, akalain mo yun. Pinag-suot niya ako ng wedge-shoes na kulay brown at katamtaman ang taas.

I looked at myself in the mirror. I just mouthed the word 'wow. Look at me, now.

Ako ba talaga yan? Pagkatapos ako ayusan ni Mommy ay pinaalis na niya ako. Pagkalabas ko. Sasakay palang ako ng kotse kaso may lalaking naka-itim at takip na takip ang mukha ang lumapit sa akin at binuhat ako pasakay sa kotse na pamilyar.

Waaaaahhhhh! Tulong! Kinidnap ako! Uwwwwaaaaaaa! Mommmmmmmmmmyyyyyy! Tulong! Tinakpan niya ang mata ko at bibig ko tapos may naamoy akong kung ano.

ALL WENT BLACK.

- END OF CHAPTER 13 -

Bitin ba? Sorry. :P Just wait for the next UD. Thanks.

Charanty University: School RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon