Epilogue

36 3 2
                                    

Someone' s POV / Author' s POV

Handa na ang lahat para sa Recognition Day. Ito ang pinakaiintay na araw ng mga estudyante. Syempre, makakapagpahinga sila at magagawa nila ang mga gusto nila sa bakasyon.

Nandito na ang anim na magkakabarkada sa kanilang school- ang Charanty University. Ang tinaguriang school na may rules. Kaso, ngayon wala na. Ang galing ng anim na yun 'noh?

" And now, we present the 1st Year College Students- soon to be 2nd Year College Students from 1 - Saint Jude, A Section. "

" Let us make a round of applause for our Valedictorian, Ms. Lianne Napoleon. " Naglakad papuntang unahan si Lianne at kinuha ang mikropono.

Maririnig ang tumatagingting na pagchecheer sa kaniya ng kaniyang barkada.

" Go Lianne! "
" We Love You, Lianne! "
" Congrats Lianne! "

Napangiti si Lianne sa kaniyang naririnig na cheer mula sa kaniyang mga kaibigan. Natutuwa siya dahil nagkaroon siya ng mga kaibigang tulad nila.

" Magandang hapon po sa inyong lahat. Ako po si Lianne Napoleon from 1 - Saint Jude, A! Unang-una, nagpapasalamat po ako sa mga magulang ko lalong-lalo na sa Mom ko na nagpursiging pag-aralin ako kahit wala yung Dad ko. Pangalawa, sa mga teachers ko na kung wala sila, walang magtuturo sa mga estudyante. Pangatlo, sa mga kaibigan ko. Dahil sa kanila, natutunan kong maging matatag, malakas ang loob, masiyahin, at maging palakaibigan. Pang-apat, sa boyfriend ko. Thank you, Hon. I love you. " Pagkabanggit niya ng mga salitang iyon ay nagtilian naman ang mga tao.

" Thank you very much, Ms. Napoleon. Now, let's have here in our stage the Salutatorian, Ms. Hailey Rossel. "

" Wooh! Kaya mo yan, bes. "
" Congrats, Hails! "
" Go, babe, go! "

Tumayo sa pagkakaupo si Hailey at kinuha ang mikropono.

" Good afternoon, everyone. I'm Hailey Rossel, ang dyosa slash diwata slash pinakamaganda na estudyante ng buong Charanty University, from 1 - Saint Jude, A! Nagpapasalamat ako sa mga parents ko. You're the best, Mommy and Daddy! Thank you very much sa pagpapaaral sa akin. Kung wala kayo, wala din ako dito sa harap niyo. Thanks din syempre sa mga teachers kasi they teach students, of course. Duh. To my friends, hey wasup? Magbago na kayo. Ang laki niyo na eh. Hahaha. Peace, guys. And to my loving, handsome, super hot, mega ultimate boyfriend, Mr. Josh. Wag kang kiligin. Ayokong mabakla ka. I love you and thanks for everything. Lastly, to my bestfriend. Thank you for your care, advices, and love, Natey! And that's all! Thank you so much!"
Naghiyawan ang mga tao sa pinakabaklang speech ni Hailey.

" Thank you, Ms. Salutatorian. Now, let's have here in our stage, the 1st honor, Ms. Cathe Wrights."

" Wooh! Go! "
" You can do it! "
" Talino mo, uy! "

Tumayo sa upuan si Cathe at mabilis na pumunta sa stage. Baka daw kasi makalimutan niya ang kaniyang speech.

" Hey, Charanty University! Di na ako magpapakilala. Kung di niyo narinig ang pangalan ko, ibig sabihin lang 'non ay bingi kayo kaya magsawa kayo. Ehem. Okay, let's start. Thanks to my childish parents. I love you! To my ugly friends, thanks for everything. Di ko inaakala na magiging friend niyo ako eh I'm not good to you naman and I'm so mataray kaya. To the teachers, nakatulong din naman kayo kahit papaano. Kahit minsan di ko maintindihan ang mga dinidiscuss niyo. To my boyfie, Babe, I hate you. Dejoke. I love you! Ewan ko nga kung bakit kita sinagot e napakaganda ko naman sayo. Kaya ingatan mo na ako ha? At kayong mga babae, subukan niyong agawin sakin ang labidabs ko, matitikman niyo ang lasa ng adobong may halong tinola. Thanks and that's my meany speech. " Nagtawanan naman ang mga tao sa speech ni Cathe.

Nagspeech din ang tatlong lalaki at kaparehong kapareho lang ng speech nung tatlong babae kaya di na tinype ng Author. Tinamad eh. Dejoke.

Ngayon naman ay nagcecelebrate sila, nandito sila sa bahay nina Nate. Nandoon sila sa movie marathon room. Manonood daw silang movies.

Nakaupo silang lahat habang iniintay na magload ang movie na papanuorin nila.

" Congrats sa atin, guys. "  Sabi ni Hailey.

" Mamimiss ko kayo. " Bumuntong hininga si Josh pagkatapos niyang sabihin iyon.

" Bye guys. Magkikita pa naman tayo sa next school year eh. " Sabi ni Lianne sabay cling sa braso ni Nate.

" Hay, di pa nga tayo nagkakahiwalay hiwalay pero namimiss ko na agad kayo. " Sabi ni Nate.

" LOL! Miss agad? Di pa nga naalis. " Sabat naman ni Cathe.

" Guys, kahit anong mangyari, magkakaibigan parin tayo. " Sabi ni Gian.

Nagsimula na ang movie at nanood na silang anim.

- END OF EPILOGUE -

Charanty University: School RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon