Chapter 8: All Friends

32 4 0
                                    

Lianne' s POV

Nandito kami ngayon sa bahay nina Nate. Kaming mga leaders ay nagcecelebrate dahil natapos na ang first day ng punishment. Ewan ko ba kung bakit may magcecelebrate eh hindi pa naman namin tapos linisin yung room.

" Cheers dahil natapos na ang first day ng punishment! " Sigaw ni Nate at tinaas namin ang aming mga baso ng beer. Ewan ko ba, first time ko uminom eh. Ampait pala ng lasa. Ew.

" Guys, naisip ko lang. Pwede bang maging friends nalang tayo? " Sabi ni Nate. Medyo nagtataka ang iba pero sumangayon nalamang sila.

" Friends na kasi kami ni Hails, Lianne, at Josh eh. Kayo nalang dalawa ang hindi. Ngayon friends na tayo. Matanong ko lang, ano bang gusto niyo sa mga grupo. Sa totoo lang, groupless na kami nina Hails at Josh. Lianne, Cathe, at Gian, matanong ko lang, anong meron sa groups at gustong gusto niyo iyon? Parang mali naman ata ang rules eh. "

Nagulat ako sa tanong niya, ano nga bang mahalaga? Parang mas masaya naman atang kasama yung magaan ang loob mong kasama sila kesa naman sa hindi ka komportableng kasama. Di kasi ako masyadong komportbale sa Nerds eh.

" Guys, I decided to be groupless nalang. " Sabi ko. Kung kita niyo lang ang mga mukha nilang nakatingin sakin ng masama. Eh ano naman?

" Wuhoo! Groupless na si Lianne! Orayt! " Luko si Nate. Maluwag turnilyo nito sa utak. Parang ewan kanina na di maipinta ang mukha nung sinabi ko sa kanila yun tapos bigla nalang sisigaw na gusto niya yung gagawin ko? Ano ba yan.

Tumaas bigla ng kamay si Gian.

" I don't want na makihalubilo sa mga tao masyado. Gusto ko mag-isa, makipag-bangayan at makipag-away dahil sa kanila ko natutuon ang galit ko sa Papa ko na iniwan kami. Ang saya ng ginagawa ko kapag nakikipagrambulan ako sa kanila. Pero naisip ko na, groupless nalang din ako dahil naisip ko, parang walang kwenta din naman ang makipag-away, masasaktan ka lang din naman. "

Sabi ni Gian. Kawawa naman siya, inawan siya ng Papa niya. Ako din, iniwan ako. Pero di ako nagawa ng masasamang bagay gaya niya. Tama. Wala din naman yung magagawa.

" Me, di ko ata kakayanin na maalis in my group. Pero I feel comfortable being around with you so I decided to be groupless nalang din. "

Huh? Lahat kami groupless na? Ayos din naman pala ang magkaroon ng kaibigan. Masayang masaya ako.

" Cheers para sa mga groupless! " Luko-luko din si Nate eh ano. Pero gwapo siya ano. Ay, erase! Syete! Ano ba namang iniisip ko.

---

" Okay, so sigurado na kayong tatlo na maging groupless? " Tumango kami nina Cathe at Gian. Groupless na kami.

" You may now go. "

" Pero Ma'am, we wanna know lang po kung may paraan pa po kung pano mawawala ang rule? "

" Check your handbooks. "

We nodded. Nagpaalam na kami at pumunta sa mga room namin. Maaga kaming pumasok. Nagpaalam na kami sa mga group namin. Pumayag naman sila.

" Guys, look, pwede pa daw mawala ang rule if sumang-ayon ang isandaang estudyante. We just need their signatures. "

Ano? 100? Kaya naman namin yun pero aabutin kami ng matagal na panahon.

" Guys, let's go to the court. Madaming basketball players don, I'm their captain noon so malamang papayag sila na mawala ang rule na yan. 70 players sila lahat. So pag pumayag sila lahat, may 70 na tayong votes. Isama mo pa yung boto natin. Magiging 76. Ayos ba? "

Pumunta kami sa basketball court. Pagdating namin don. Lumapit samin si Miggy at ang team. Yung bagong leader ng Basketball Team.

" Hi ex-captain! " Parang si Nate to ah. Ex-captain? Masakit yun ah. Hahaha.

Binatukan siya ni Josh. " Aray naman ex-captain! Para saan yun? "

" Tss. Just stop calling me ex-cap. "

" Bakit ka napadalaw, Cap? "

" Gusto niyo bang mawala ang rule para makapag-laro ulit ako? "

" Syempre naman cap! "
" Oo cap. "
" Gusto ka na ulit namin maging captain! "

Sagot ng team. Inabot ni Hails ang papel na lalagyan nila ng signature at pinaliwanag ni Hails ang gagawin. Lahat naman sila ay nagsign. Ayos ah.

" Yan. Pag natupad yung pagkawala ng rule. Maliligawan at malalapitan ko na tong si Hailey. Alam mo ba Hailey, crush na crush kita. Pwede bang makuha number mo. Tapos date tayo! " Natawa kami sa sinabi ni Miggy. Si Miggy talaga!

" Yaan mo na yan. Di lang yan nakakain ng tanghalian. "

Binatukan siya ni Josh at 'napa-aray' nanaman siya.

Biglang may dumating na grupo ng mga... POPULAR!?

" Pwede ba kaming mag-vote? "

Pumunta sa kanila si Hailey at niyakap. Aw, so sweet.

Nagsign sila. Nahihirapan daw sila sa pamumuno ni Lewis kaya sila magsasign para mawala ang mga grupo-grupo na yan.

85 ang Populars kaya ngayon meron na kaming 161 votes. Lampas na sa 100. Kaya pumunta kaming Dean's office at pinasa iyon.

Matapos ay sumang-ayon ang dean na wala na ang groups.

Matapos ang klase namin ay pinapunta kaming gym para iaannounce na wala ng groups.

Matapos magannouce ay nagreklamo ang iba pero wala na silang magagawa.

Umuwi kaming masaya at nagpahinga na. Nakakapagod naman ang araw na ito, grabe, parang ngayon nalang ulit ako napagod. Kasi lagi akong nasa bahay at nakakulong sa kwarto.

- END OF CHAPTER 8 -

Sorry kung maikli lang. As usual, masama nanaman pakiramdam ko. Pero thanks nalang kay hoplikemekccunejo for the effort to read, vote, and comment kasi I think she's my number one fan sa story na 'to. Medyo ginanahan na ako ngayon pero minsan talaga may short chapters.

Charanty University: School RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon