THE PAYMENT 11

4.1K 59 0
                                    

Nagising ako dahil sa kakaibang pakiramdam. Hindi ko alam kung ano iyon. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pakikinig ng mga kanta. Nakatulugan ko na ang pagtetext kay Mic! Maaga pa at sa mga oras na ito ay tiyak natutulog pa ako pero ngayon halos dilat na dilat ang mga mata ko. Kahit na dalawang oras lang ata ang tulog ko ay ayos lang. Hindi parin ako nabubwisit.

Really Lian?

May mali ba? Halos bitin ang tulog ko at yung mensahe niyang iyon ay talaga nanunuot sa sistema mo. Masaya ka ba dahil sa nabasa mo Lian?

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Heto na naman po tayo kinakausap na naman ang sarili.

Nakakaloka naman kasi itong si Mic eh!

Sana totoo lahat ng sinabi ni Mic. Sana mali lang ako ng iniisip.

Nang matapos ako sa pag-aayos ay lumabas na ako ng kwarto ko. Nahagip ng mata ko si Papa.

Alas nuwebe na rin ata.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Papa.

Lumapit ako sakanya at humalik sa pisngi niya.

"Ipapasa ko lang po itong requirements ko sa inaplayan ko Pa." Sagot ko.

"Magtatrabaho ka Lian? Paano ang pag aaral mo? Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh, imbes na ako yung nagtatrabaho ay ikaw pa itong nag-aaral. Hindi ako papayag Lian." Madiing sabi ni Papa.

Ngumuso ako. Hindi naman kasi full time! Part time lang naman eh atsaka nakabase iyon sa schedule ko.

"Papa mag aaral pa din po ako, P
part time job lang po" Paliwanag ko kay Papa.

"Ayoko lang maulit ang dati anak " Mahina ang boses ni Papa ng sinabi niya iyon.

Ngumiti ako.

"Hinding hindi na po iyon mauulit Pa, promise po. Kalimutan na natin ang nangyari sa nakaraan" Sabi ko at yumakap kay Papa.

Mahigpit ang yakap ni Papa saakin. Kumalas ako nang nagkaroon ng pagkakataon. Hinalikan niya naman ako sa pisngi.

"Mag-iingat ka anak " Bilin ni Papa. Tumango ako at humalik sa pisngi niya bago tumulak.

Masaya ang bawat hakbang ko sa hagdanan, hindi na nabwisit. Nang nasa tamang palapag na ay tinahak ko ang gate, nag-aabang ng masasakyan papuntang trabaho. Mainit ang sinag ng araw, kaya ginawa kong shield ang dala kong envelop.

"Bago ka lang?" Tanong ng kakababa lang na babae

"Mag-iisang linggo na kami dito" Sagot ko.

Naka-uniporme siya base narin sa kasuotan niya ngayon. Sinilip ko ang ID na suot niya. Isa siyang salelady sa isang mall.

"Ahh, asawa mo ba ang kasama mo?" Tanong niya. Umiling naman ako.

"Wala pa akong asawa, Si Papa ang kasama ko" Sagot ko.

Nagpaalam siya at maglalakad lamang ito dahil nasasayangan sa pamasahe, tutal malapit lang dito ang trabaho niya. Kumaway ako sakanya.

Ngumuso ako at luminga-linga sa paligid, nag-aabang ng masasakyan. May sumenyas na siang tricycle driver nang harangin ito ng isang van. Kulay puti na van, at talagang dito pa sa harap ng apartment nagpark!

Umirap ako sa hangin at handa nang umalis sa kinatatayuan nang napanganga ako sa kung sino ang nagmamay-ari ng van!

"Sakay" aniya nang bumukas ang pinto. Oh em gee! Bakit gumuwapo ka bigla? I mean mas lalong gumuwapo? Napalunok ako at sinunod ang gusto niya. Feeling ko ang laki ng kasalanan ko sakanya.

Herrington 1: The Payment (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon