THE PAYMENT 23

2.9K 56 2
                                    

Nagbago ang pananaw ko sakanya simula noong nalaman kong nasa school siya. May binabantay, may hinihintay siya. Hindi ko kilala kaya nakakainis. Naiinis ako sakanya, noong narinig ko iyon halos saktan ko na ang sarili kong puso. Umaasa na naman ako sa pag-ibig na maglalaho rin pala!

Akala ko tunay ang kanyang pakikitungo, ang kagustuhan niyang ihatid ako. Pero hindi, lahat ng pinapakita niya may kapalit! Ihahatid niya ako kasi may kikitain siya sa school.

Umuwi ako ng boarding house na puno ng galit noong araw na iyon. Ang tanga ko para maniwala sakanya, ang tanga ko at nagpauto sa sinabi ni Maxine. Dapat hindi ko na hiyaan ang sinumang tao na wasakin ang puso ko!

Maling-mali na pinaniwalaan ko ang kanyang pakikitungo!

Sa nagdaang araw lagi ko siyang iniiwasan, kahit sa trabaho. Bilib din ako sa sarili ko at nakuha ko siyang iwasan sa sariling shop.
It's my day off at wala rin akong klase. Maglilinis ako at matutulog buong araw, maglalaba narin ako.

Binuhos ko ang lahat ng oras ko sa paglilinis at paglalaba. Nang natapos naman ako ay sobrang sakit ng buong katawan ko. Maaliwalas na ngayon ang buong kwarto. Hindi na makalat tulad ng lagi kong nakikita. Natulog ako pagkatapos kong maligo. Nang nagising ulit ako ay alas singko na ng hapon. Uulan ata dahil madilim na ang kalangitan.

Hindi na ako nag-abala pang mag saing. Gumawa ako ng gatas at kinuha ang binili kong mga chichirya at biskwit. Kumunot ang noo ko nang may kumatok. Wala akong maalala na may bibisita saakin at talagang ganitong oras niya gustong bumisita. Kahit na ganon ay tumayo parin ako at tinungo ang pinto.

"Sino 'yan?" Tanong ko.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad saakin ang may-ari ng paupahan. Teka? Hindi ko pa due date ah. Kakabayad ko lang noong 15!

"Bakit po? Mag-aadvance po ulit?" Tanong ko.

Umiling siya at inangat ang dala niyang paper bag. Kumunot lalo ang noo ko dahil doon.

Another paper bag.

"May nagpapabigay nito. Ayaw niyang tumuloy" Sabi ni Anti.

Tinanggap ko ang paper bag. Gaya ng dati sinuri ko ito at nakita na isa itong dress. Mint green ang kulay.

"Sino daw po?" Nagkibit balikat si Anti at umalis na.

Sinarado ko ang pinto at sinuri muli ang loob ng paper bag. May nakita akong isang sobre. Kinuha ko iyon at binuklat naman ang nakatuping papel.

Lian,

I'm so sorry sa lahat ng nagawa ko. Sorry sa mga araw na nakaramdam ka ng sakit. Sorry kung wala ako sa tabi mo noong wala ang Papa mo. I've been watching you for years and now I am still watching you. I'm sorry if I can't face you. Naguilty ako anak. Guilty-ing guilty ako sa nagawa ko. Hindi ko na hihilinging pang mapatawad mo ako pero sana makapunta ka sa usapan natin. Meet me baby... I've missed you so much. Miss kana ni Mama.

-Amelia

Nanginginig ang buong katawan ko sa nabasa. Hindi ako makapaniwala sa nababasa ko ngayon. Ilang taon na at ngayon niya lang naisip na magparamdam. Namimiss ko rin ang kalinga ng isang ina pero hindi ko yata makakayang makita siya gayong napupuno ng hinanakit at sabik ang puso ko.

Hindi ko kaya.

Papa, Help. Ayokong makaharap siya. Ayokong makita ang babaeng mahal na mahal ko pero nagawa akong talikuran.

Papa help me.

Ibinalik ko sa loob ng paper bag ang mga bagay na ibinigay niya. Itinago ko iyon sa isang lugar na hindi maaaring mahagip ng mata ko. Hanggat kaya ko pang pigilan ang umaapaw na galit at pananabik sa puso ko'y gagawin ko, ayokong magalit pero punong-puno ng galit ang puso ko. Kahit na walang pumapasok sa isip ko sa gabing iyon ay sinikap ko paring mag-aral para sa nalalapit na examination. Pinilit kong ialis sa isipin ang parteng iyon kung nasaan ang lahat ng alaala ay masasaki at dahil nakatulog ako sa hapong iyon ay nahirapan na akong matulog.

Herrington 1: The Payment (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon