THE PAYMENT 34

3K 63 0
                                    

Hindi ko aakalaing sasaya pa ang buhay ko. Akala ko puro pighati na lamang ang mararanasan ko sa mundong ito. Napaka-imposibleng sumaya pero dahil sa mga taong mahal ko nagiging posible. Wala na ako mahihiling pa. I have my mom and of course the love of my life.

Ang sabi nga nila hindi lahat ng bagay ay permanente. Napatunayan ko iyon, sa sakit ng aking naramdaman ay napatunayan kong totoo, na hindi lahat ng bagay ay permanente tulad nalang ng masalimuot na pangyayari sa buhay ko. May pagkakataon talaga na sasaya ka sa natitirang buhay mo. Hindi hahayaan ng ating Diyos na patuloy mong damhin ang lupit ng buhay. Manalig ka lang at aasahan mong hindi ka niya pababayaan.

Ngumisi ako sa nabasang mensahe.

"Ang says natin ah" puna ni Madelyn. Katabi ang lalaking nakita ko noong nakaraang linggo.

Boyfriend niya pala iyon! Grabe di ko man lang alam ang tungkol doon. Napaka walang kwento ko naman bilang kaibigan diba?

" From Michael, good morning baby. I'm working today, paki-update ako sa lahat ng gagawin mo. I love you" Ngumuso ako ng binasa ni Rosie ang laman ng text ni Michael.

Sino ba namang hindi mapapangiti kung ganyan siya? Hanggang ngayon nagtataka talaga ako kung bakit ako kung may mas maganda pa saakin, 'yung kalebel niya. 'Di ko nalang siya tinatanong kasi baka magalit na naman. Iba pa naman 'yon magtampo!

"Kaya naman pala. Ang swerte mo talaga Lian" Sinabayan ng irap ni Madelyn ang kanyang komento.

Tumikhim ang lalaking katabi niya. Bigla namang napasinghap si Madelyn at tinapat sa labi ang palad.

"Shempre swerte rin ako sayo, ano ka ba sweetie pie"Halos mabilaukan ako sa tawagan nila.

Okay wag maging mapanghusga Lian, kahit naman inyo ay baby! Sanggol kaba? Hindi naman diba? Pero kasi sweet pakinggan noong amin.

"Oh my gosh! Kayo na ang may love life! Maghihiwalay din kayo promise" Tinaas pa ni Rosie ang kanyang kamay.

"Huwag ka ngang bitter. Huwag mong takutin si Lian" Isa rin tong si Madelyn.

Naniniwala naman ako na malalagpasan namin ang bawat pagsubok. Tiwala lang sa pagmamahal namin.

Mapapaaga ang uwi ko dahil hindi kami sinipot ng instructor namin. Tinext ko si Michael na makikipagkita ako kay Mama. Hindi ko na hinintay ang reply niya dahil alam kong busy siya sa trabaho niya.

Alas tres ng hapon ay nasa labas ako ng school. Nag-aabang ng masasakyan. Tumunog ang cellphone ko at dali-daling sinagot ang tawag.

"( Hello Ma?)" Bungad ko.

"(Anak, huwag ka ng mag commute dahil pinasundo kita kay Jun.)" Sabi ni Mama sa kabilang linya.

Ngayong araw ay pupunta ako sa bahay nila Mama. Kinakabahan ako ng sobra. Ano na lang ang sabihin ng lolo't lola ko diba? Mga Tita ko? Mga pinsan narin?

"( Okay po, Ma)" Sandaling tinigil ang pag-iisip.

"( Mag-iingat ka baby)" Tumango ako kahit hindi naman nakikita ni Mama. Ang tanda ko na para tawaging baby!

Pero bakit Kay Michael parang feeling ko baby talaga ako. Bakit?

Hinintay ko ang driver nila Mama sa waiting shed. Nakatungo ako at nagfacebook. Inadd friend ako ni Michael kung kailan ay hindi ko alam, basta nung wednesday ko lang siya inaccept. Inistalk ko ang kanyang Facebook at nakitang hindi iyon updated. Kahit naman na akin. Para siyang diwata ng mga kagwapuhan sa kanyang profile. Sobrang laki ng ngiti, naka puting polo. Half body lang ang kita. Para siyang may iniindorso.

Herrington 1: The Payment (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon