THE PAYMENT 35

3.2K 68 0
                                    

Mas lalo kong naintindihan ang lahat. Mula sa pinakamaliit na detalye hanggang sa mga detalye na sensitibo. Lubos kong naunawana ang pangyayaring ito, mga dahilan kung bakit nasusubok ang pagiging matatag ko.

Masaya ako ngayon dahil unti-unti nang nabibigyan ng kulay ang mundo ko, unti-unti nang gumagaan ang pakiramdam ko. Unti-uni ko nang nalalagpasan ang hirap.

Hindi namin natapos ang episode ng legend of the blue sea dahil ang kasama ko sa panonood ay mahimbing nang natutulog. Kinuha ako ang pagkakataong iyon upang makausap si Micheal. We've talked about my day, kung gaano ako kasaya. Matapos kong nakausap si Micheal napagpasyahan kong hanapin si Mama. Tahimik na ang paligid. Tama lang dahil sa oras, alas nuwebe na ng gabi.

Naituro na saakin kanina kung saan ang kwarto ko kaya dumiretso na lamang ako roon. Nakakapanibago dahil parang kahapon lang nakatira ako sa maliit na espasyo ngayon nasa pamamahay ako ng pamilya ko para akong maliit na tao sa isang napakalaking bahay.

Nagulat ako nang may tao sa silid ko. Nawala rin kaagad nang makita si Mama iyon, inaayos ang iilang gamit sa kwarto ko. Naglakad ako palapit sa kama, umupo at pinagmasdan ang kagandahan ng kwarto ko.

Napangiti ako nang maalala ko ang kwarto ko noon, kwarto ko sa bahay na kinalakihan. Sana may pagkakataon pang maibalik iyon saakin. Kahit iyong bahay nalang. Gusto kong pahalagahan ang memorya namin doon, kahit hindi naging maganda.

Tumabi si Mama saakin, hinawakan niya ako kamay ko. Hinaplos ng kanang kamay niya ang mahaba kong buhok. Ang tagal ko nang hinahanap ang haplos ni Mama, ang tagal ko nang nangarap na maramdaman ulit ito.

Salamat panginoon, dahil binigyan mo parin ako ng pagkakataong makasama ang Mama ko. Binigyan mo parin ako ng pagkakataong sumaya.

Sinulit namin ang gabi sa pag-uusapan. Inalam ni Mama ang lahat ng detalye sa buhay ko na bigo niyang subaybayan. Bawat kibot ng labi ko sinusundan niya ng paghingi ng kapatawaran. We've talk about the reason why she choose to left us, we've talk about Papa. Kung paano niya pinahirapan ang sarili niya dahil sa pagkawala ni Mama.

"Mahal na mahal ko ang Papa mo anak, mahal na mahal ko si Celso" Mom cried loud. Ramdam ko ang sakit ng nararamdaman niya.

Tunay nga na ang pagsisisi ay nasa huli. Dahil saka pa lang natin malalaman kung huli na, kung wala nang panahon para pahalagahan pa.

Sumakabilang buhay na aking grandparents. Siguro nga tinadhana na sabay silang pumunta sa palasyo ng Diyos.

Tatlong linggo na ako sa bagong tirahan. Ni minsan hindi ko ito naisip. Na makasama ko sina Mama, ang pamilya ko at makatagpo ng pag-ibig.

Dumalaw kami kay Papa kahapon, kina Lolo't Lola. Napansin ko ang lungkot sa mga mata ni Mama nang dumalaw kami. Kasalungat iyon sa nararamdaman ko. Sobrang saya ko kahapon dahil sabay naming dinalaw si Papa. Ayun naman talaga ang gusto kong mangyari dati pa.

Ngayong araw napagpasyahan naming lumabas ni Micheal. Ang unang date namin ni Michael! Yes magde-date kami. Pababa ako ng hagdanan nang namataan ko si Mama na nakatingin saakin.

Ngumiti siya.

"Aalis kana?" Tanong ni Mama at inayos ang buhok ko nang nakalapit ako sakanya.

Simple lang ang suot ko.
I'm wearing ripped jeans and deep red vneck shirt. Pinares ko sa red sling bag at puting sneakers.

"Opo Ma, naghihintay na po siya" Pinamulahan ako ng pisngi.

Ngumiti lamang si Mama at hinawakan ang kamay ko. Ang kabog ng puso ko ay hindi ko maiintindihan. Heto ang unang beses na makita niya si Michael. Hanggang kwento ko lang kasi pero ngayon, shit. Pinagpapawisan ako ng malagkit. Hindi ko alam kung bakit.

Herrington 1: The Payment (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon