THE PAYMENT 27

2.8K 63 0
                                    


Kanina pa ako naghihintay kay Michael sa labas ng boarding house. Dapat kanina pa siya nandito pero anong oras na at hanggang ngayon  wala parin siya. Nagpasya akong pumara ng tricycle dahil sa tingin ko hindi ako maihatid ni Michael sa school. Siguro busy siya.

Hindi naman siya nagrereply sa text ko kaya siguro nga busy siya. Sana naman tinext niya ako.

Me:

Wag mo na ako sunduin mamaya. Sana tinext mo ako kung di ka makakarating. Naghintay ako.

Napangiwi ako at biglang nakaramdam ng sisi. Natanto kong nagtatampo ang paraan ng pagtext ko sakanya.

Wala naman siyang responsibilidad saakin. Wala. Bakit ako nagkakaganito?

Shempre mahal mo!

Naninikip ang puso ko sa posible kong maramdaman sakanya. Natatakot ako sa nararamdaman ko para sakanya. Natatakot ako at 'di ko alam kung saan ako kayang dalhin ng feelings ko sakanya. Sumakay ako ng tricycle. May dalawang sakay na iyon kaya umikot ako para sumakay sa likod ng driver. Mabigat ang pakiramdam ko na parang gugustuhin ko nalang matulog sa bahay o di kaya magduty kaysa umatend ng event sa school.

Sinilip ko ang telepono ko di para masaktan sa maaaring madatnan sa telepono ko kundi para makipagkomunikasyon sa dalawa kong kaibigan. Nahanap ko ang pangalan ni Rosie and Madelyn sa inbox ko. Pareho ko silang nireplyan ng parehong mensahe dahil narin sa tanong nila.

Nagkita kami sa labas ng gym. Nang pumasok naman kami ay binalot ng hiyawan at tilian ang buong gym. Sinilip ko kung ano iyon at nakitang may dalawang tao na kumakanta sa stage. Umakyat kami para makaupo sa mga bleachers. Punuan na kasi ang mga upuan sa baba.

"Aalis ako mamayang one, duty ko" Sambit ko bago umupo.

"Okay. Wala ka atang kasama ngayon ah?" Tumikhim ako at itinuon ang mata sa stage.

"Hello? Kasama ko? NGAYON? Di mo ba nakikita? Mag-isa ko ba Rosie? Kasama ko naman kayo ah" Naiirita kong sabi.

Naghands up ang dalawa na nagsasabing sumusuko na sila dahil sa pagsabog ko.

"Kasi naman. Obvious na nga tinatanong pa" Nakanguso kong sambit.

Tumahimik ang dalawa at nakisali sa bawat tili ng mga tao. Ganon nalang din ang ginawa ko. Hindi ko na hinayaan pang bumalik sa pag-iisip ng whereabouts ni Michael. Dalawang performers na ang sumalang sa entablado.

"Hi? Sorry natagalan" Sabi ng kakarating lang na lalaki. Mag-isa niya lang at may dala siyang supot.

Tumayo si Rosie at dumalo sa lalaki. Siniko ko naman si Madelyn na abala sa pakikinig. Nginuso ko ang gawi nila Rosie na sakalukuyang nag-uusap.

"Text mate niya yan. Si Ejay" Paliwanag niya at nagkibit balikat.

"Di ko alam ah? Napag-iwanan ata ako" May tunog na pagtatampo na sabi ko.

"Sus, paano mo malalaman kung tutok na tutok ka sa boyfriend slash boss mo" Aniya sabay ngisi.

I pouted my lips on what she have said. Talaga bang tutok na tutok ako? Yung tipong bente kwatro oras na 'di ko man lang napapansin na may bago na sa kaibigan ko? Tama ba ito o mali?

"Hindi ko siya boyfriend noh! Boss ko lang siya. Sa tingin mo bad influence kaya siya?" Seryoso kong tanong.

Bumaling saakin si Madelyn dahil sa sinabi ko. Umirap siya bago nagsalita.

"Ano yun? Boss with benefits? May pahalik-halik kayo tapos wala namang namamagitan sainyo? Tsaka anong bad influence? Baka ikaw yung bad influence sakanya? May trabaho yung tao kung 'di mo lang alam at sa malamang kaya iyon wala ngayon kasi may tinatapos na trabaho. I wonder kung alam mo ang bagay na'yon" Sermon niya.

Napaawang ang labi ko. Bakit di ko 'yon naisip? Tama. Ano nga ba ang alam ko sakanya? Ano bang ginagawa niya? Sino ba si Michael Herrington bago ko siya nakilala. Hindi ako nilubayan ng mga salitang iyon. Paulit-ulit na sinisigaw ng sistema ko.  Lutang ako nang nagpaalam sa dalawa. Mabigat ang puso ko.  Ngayon wala siya mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko.

"Shit!" Mura ng babae.

"Hala. Sorry" Paumanhin ko.

Inirapan niya lang ako at lumakad na ulit. Huminga ako ng malalim at pumikit. Kailangan kong tigilan ang pag-iisip. Nang dahil sakanya nawawala ako sa sarili. Na parang nasa mundo ako ng pag ibig. Nasa mundo ako kung saan may ako at siya.

Kasalungat ng aking iniisip ang dinatnan pagkalabas ng campus. Umaasa kasi ako na makita siya. Kaso wala. Mabigat ang loob ko nang dumating ako sa shop. Pero kahit na ganon ay napansin ko parin ang kakaibang hangin na bumabalot sa shop.  Namula ang tainga ko at binalot ng kainisan, pait at katangahan.

Standing in front of my co-workers is a fine lady, sino ito? Teka? Heto ba ang sinasabi nilang girlfriend? or asawa ni Micheal? Just wtf. Ang galing mang-good time. Kaya pala wala siya? Kasi busy? Hindi sa trabaho kundi sa asawa niya.

Namutla ako ng humarap saakin ang babaeng nakatalikod. Isa lang masasabi ko, She's better than me. So much.

Lumunok ako at napayuko sabay bati.

"Good afternoon Ma'am" Kahit na kinakabahan naayos ko parin ang boses ko.

Napataas ang kilay niya at kumunot ang noo. Napalit ng inis ang maungit niyang mukha. Shit! Alam niya ba? Alam niya bang niloloko ako ng asawa niya? My goodness Lian anong ginawa mo? Hindi mo man lang kinilala yung lalaki at ngayon. Ngayong alam mong may asawa siyang tao anong gagawin mo? Nakasira ka ng relasyon alam mo ba yun? Ang tanga tanga mo Lian! Minahal mo ang lalaking may asawa na!

Para akong nabuhusan ng mainit na tubig. Magulo ang isipan ko, naglalaro ang mga katanungan kung bakit ako nasaktan ni Michael ng ganito. Kung bakit nagpanggap siya!

Shit! Heto na ba ang tinutukoy ni Maxine? Na mag-ingat ako kay Michael. Napaawang ang labi ko at nakarinig ng singhap sa nangyari.

One slap landed on my left cheek. Fuck! Gusto ko siyang gantihan. Gusto kong ilabas sakanya lahat ng iniipon kong galit.

Pero hindi maaari. Deserve ko ang ginawa niyang pagsampal saakin. Tiyak ganon din ang gagawin ko kung sakaling nakaharap ko ang kirida ng asawa ko. Shit! Kirida. Napakasakit Lian. Nagpauto ka!

Si Manager ang pumagitna saamin ni Mrs. Herrington. Sobra sobra ang kahihiyan na natamo ko. Gusto ko na lamang umuwi at takasan ang pangyayaring ito.

"Ma'am she's Lian Choi, hard working and polite one" Ani Manager.

Hindi na matakpan ng mabuti ang ginawa ko, Manager. Salamat at kinampihan mo ako pero hindi ko maintindihan kung bakit mo hinayaan ito, kung bakit mk hinayaang lokohin ako o paglaruan si Mrs. Herrington ni Boss.

"Yes I know her, move Ms. Chelsea" Matapang na sabi ni Mrs. Hearrington.

Agad na umalis si Manager. She walk towards me yung tipong isang pulgada nalang ang distansyang meron kami.

"Kapal ng mukha mo. I want you out of this property and never come back. Your fired bitch!" Sapul.

Iyun na yata ang palatandaan na gumanti ako. I was so hurt bago niya mabitawan ang mga katagang iyon. Hindi ko napigilan na sampalin siya. Tatlong sampal para sa masasakit na salita.

I want her die. Gusto kong pumatay.

Hindi ko makalma ang sarili, kahit piliting huwag lumaban hindi ko kaya. Matapang ako pagdating sa ganito, kapag alam ko hindi ako nakagawa ng mali. Pero malinaw pa sa tubig ang ginawa ko sakanya.

Gumanti din siya. Sinabunutan niya narin ako. Ang magulong shop ay mas lalong gumulo. Nagsisitilian na ang iilang customer.

"Kapal ng mukha mo" Sigaw niya.

Natigil lang siya sa ginagawa niya nang umawat ang katrabaho ko.

I walk out with tears on my face. I was left alone and feel alone once again.

The payment wasn't enough to let me enjoy the world. Kabayaran na naman sa utang. Utang nino? Hindi ko alam..

Herrington 1: The Payment (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon