THE PAYMENT 17

3.5K 48 2
                                    

Panibagong araw upang mamuhay nang malayo sa nakaraan.

"Thank you po" Tsaka ko nginitian ang costumer.

Nakatungo ako habang may inaayos. Nang inangat ko naman ang ulo ko nagulat ako sa nakita. Sinilip ko ang wall clock bago bumaling sa huling costumer ko.  Dapat nag-out na ako kanina at dahil wala pa yung papalit saakin di pa ako maaari mag-out.

Bumuntong hininga ako at handa ng kunin ang order niya nang dumating na ang papalit saakin.

"Sorry Lian, ako na dito" Aniya at bahagyang tinulak ako ng patagilid. 

Para siyang bulate na kinikilig na ewan. Inirapan ko nalang at umalis sa counter area.

Sabay kami ni Maxine lumabas ng shop. Hinihintay namin ang asawa niya.

"May naghanap sayo kanina" Biglang sabi ni Maxine sabay tingin saakin ng malagkit.

"Sino? Bat ganyan ka makatingin?" Tanong ko.

"Di ko kilala. Baka ikaw kilala mo" Makahulugan niyang sabi.

"Kung kilala ko kilala mo rin, kayo lang naman kaibigan ko" Seryoso kong sambit.

Ngumiti siya at ngumuso. "Nasa likod mo, Lian" Ani Maxine. Mabilis ang pag-ikot ko dahil sa sinabi ni Maxine.

Kumunot ang noo ko nang makita ang lalaking umorder at ang lalaking habol nang habol saakin.

"Anong kailangan mo?" Diretsong tanong ko.

Ngumuso siya bago inayos ang sarili.

"Alam mo kung anong kailangan ko" Mapaglaro niyang sagot.

Napatiim bagang ako dahil sa sinabi niya bago tumalikod sakanya. Lumapit ako kay Maxine ng makitang naghihintay na sila ng asawa niya. Wala akong alam sa dahilan niya, wala akong alam at hindi ko na dapat pang alamin!

"Anong sabi? Tara na?" Nagkibit balikat lang ako bago sumakay ng motor.

Bago pa umandar ang motor narinig ko ang sinabi ng lalaki na siyang nagpatigil ng mundo ko.

"Mic, send me" Nanunuyo ang lalamunan ko sa sinabi ng lalaki.

Wtf?  Anong Mic? Buhay pa ba siya? Para saan pa? Ayoko na.

Lutang ako hanggang sa pag uwi. Marami na namang gumugulo saakin. 

"Ayos ka lang ba, ano bang sinabi nung lalaki at nagkakaganyan ka?" Tanong ni Maxine.

Umiling ako at nagpasalamat bago pumanhik.

Anong ibig sabihin nun? Nasaan siya? Bakit bigla siyang nawala? Bakit bigla niya ako iniwan sa mga oras na kailangan ko siya.

Di ko maiwasang balikan ang mga araw na kasama ko siya.

Balikan ang nakaraan na nasa maayos ang lahat. Na nasa kondisyon ang puso ko, sa nakaraang masaya pa ako.

flashback...

Maagang nagtungo sa bahay si Mic. Nag-uusap sila ni Papa nang bumaling siya saakin. Nilapitan niya ako ng may ngiti sa labi.

Para siyang timang!

"Bakit ganyan ka?" Tanong ko.

"Masaya lang" Nakangiti niyang sagot.

"Teka nga! Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ko.

"Let's date" Nakangisi niyang sabi.

Herrington 1: The Payment (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon