THE PAYMENT 14

3.8K 65 9
                                    

Malupit. Sobrang lupit ng tadhana saakin. Sobrang ginago ang buhay ko, sinabuyan ng gaas at sinindihan ng posporo. Ginawang panggatong sa apoy ang mga mahahalaga sa buhay ko upang lalong magliyab ang nanghihinang apoy.

Traydor! 'yung akala kong mapagkatiwalaan na tadhana ay ginago ako, pinaglaruan ako. Hindi naging sapat ang pagbawi niya sa Mama ko, ang pagkawala ng minamahal ko ang pagkasira ng buhay na pinaghihirapan kong buuin. Ang buhay na unti-unti ko nang mabubuo, unti-unti nang mabubura ang sakit ngunit hindi. Hindi dahil habang naghihilom ang puso ko sa sugat ng kahapon unti-unti nitong dinadagdagan. Ang matinding sugat na kailanman sobrang sakit, pahirapan sa paghilom at hinding-hindi mabubura.

"Thank you po, come again po Maam" sabay ngiti ko sa panghuli kong costumer.

Umalis na ako nang dumating ang kapalit sa gabing ito. Ilang oras din akong nakatayo sa counter, makakaupo lamang kung breaktime.

Binuksan ko ang locker na pinaglalagyan ko ng mga gamit, may mga kasamahan akong natutulog siguro may duty pa sila mamaya.

24 hours kasi itong coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Hanggang walong oras lamang ako at pwedeng mag-overtime kung kinakailangan. Pero sa lagay ko, hindi na yata.

"Lian sabay na tayo umuwi ah" Tumango ako sa sinabi ni Maxine.

Si Maxine ang naging kaibigan ko sa trabaho, friendly naman yung iba pero siya yung napaglagayan ko ng loob. Halos pareho kami nang naranasan. May anak siyang babae, si Macy at asawa na si Mario. Mabait si Maxine saakin. Noong unang buwan kp sa trabaho halos siya ang nagturo ng lahat nang dapat matutunan, tinutulungan ako.

Sabay kaming lumabas ni Maxine ng coffee shop na. Three months na akong nagtatrabaho samantalang pang limang buwan na ni Maxine.

"Lian, Hatid kana namin" Sabi ni Maxine nang nakitang naghihintay ang asawa niya.

Laging ganito ang sitwasyon. Gusto niyang ihatid ako. Lagi! Tumatanggi nga lang ako, ayokong maging pabigat sakanya.

"Hindi na. Lalakarin ko nalang, malapit lang naman eh" Tanggi ko.

Hindi niya pinakinggan bagkus lalong ginigiit ang kagustuhan.

"Alam kong kaya mo, halika na. Mamaya mapaano kapa eh" Ngumuso ako at hinayaan siya sa kagustuhan niya.

Nauna siyang umangkas bago ako nang maayos na ang pagkaupo ko sinimulan na ni Mario paandarin ang makina ng kanyang motor at dahil hindi naman ito kalayuan sa boarding house ko'y nakarating kami kaagad. Huminto ang kanyang motor sa tapat ng gate ng boarding house na tinitirhan ko. Mabilis akong bumaba at labis na nagpasalamat sa dalawa.

"Thank you talaga, mag-ingat kayo ah" Ngumiti lamang ang dalawa bago umalis.

Huminga ako ng malalim bago nagpasyang buksan ang gate. Nilakbay ang distansya ng aking kwarto. Hindi na ako nag abala pang buksan ang ilaw, dumiretso na lamang ako sa kama at hinayaan ang pagod kong katawan na magpahinga.

Ganito ako tuwing gabi. Pag-uwi galing sa trabaho hihiga at matutulog. Pagkagising naman maghahanda para sa pagpasok sa eskwelahan. Nakakapagod narin mamuhay ng mag isa. Lalo na kapag alam mong wala nang natira kahit isa. Buhay nga ako pero parang wala namang saysay ang pang araw-araw na gawain ko.

I feel useless. I feel empty!

I really miss him.

I really miss my Dad.

May nagawa ba akong mali para parusahan mo ng ganito? Kung meron man, katumbas ba 'yon ng buhay niya? Kailangan ba siya ang kapalit? Papaano na ako? Sa tingin mo makakaya ko pang mabuhay?

Herrington 1: The Payment (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon