Guys, dahil uso yung mga kawawang bida sa story, sige, kawawain na rin natin si Baekhyun. Siya kasi ang bida. Gusto niya yan e.
"Paano kasi rerenta renta tapos hindi naman magbabayad!" Ayan. Nakasigaw na naman tuloy si aling Torta. Ang landlord nila na mahilig sa talong.
"Pasensya na talaga aling Torts. Natanggal kasi ako sa sideline job—"
"Lagi na lang! Lagi na lang yan ang dahilan mo! Sa susunod tatanggalan na kita ng buhok sa anes makikita mo!" Pagbabanta ni aling Torta.
Nanlaki naman ang mata ni Baekhyun. "Wag po! Wala ako nun!"
"Ng buhok?"
"Ng anes po."
"Che! Feelingero na assumero pa!" Pinamewangan siya ni aling Torts at pinilantik ang mga daliri nito. "Wag kang change topic! Sabi ko, lumayas ka na dito! Andun na nga yung mga damit at maleta mo!"
"Pero aling Torts..."
"Walang pero pero! Layas na!"
Wala nang nagawa si Baekhyun dahil pinagtulakan na talaga siya nito palabas ng apartment.
"Ang harsh. Pag ako talaga nagkaroon ng talong plantation, who you ka sakin aling Torts." Pabulong bulong ni Baekhyun habang kinukuha na ang kanyang maletang puno ng damit. Pero teka... bigla siyang napatingin sa maleta. "At kanino kayang maleta 'to?! Wala naman ako nito 'a. Wala nga akong pambili nito." Nagtatakang tanong niya.
Habang nagiisip ng kasagutan ay nagulat si Baekhyun nang biglang kumulog. Bigla na lang kumulog ang langit hudyat na malapit nang umulan. Kung minamalas nga naman. Mukhang may magmumukhang basang sisiw ngayong gabi 'a.
Nagsimula nang hilahin ni Baekhyun ang maleta na mukhang mas malaki pa sa kanya.
Alam niyang imposible pero hinihiling niya na sana ngayong gabi ay magkaroon siya ng pagkakataong makahanap agad ng trabaho at matutuluyang bahay. Yung may aircon sana para boom panes. Tapos may second floor para edi wow.
At sa di inaasahan nga naman, nagulat si Baekhyun nang may papel na lumipad at hinangin sakto sa mukha niya. Nagulat siya pero mas nagulat siya nang tanggalin niya ang papel at nabasa ang nakasulat dito.
URGENT HIRING:
Personal maid
18-30 yrs old.
Just call: 090696969 or go to Park ResidenceLibre pagkain, Libre tulog, Libre lait, Libre lahat. Maliban sa tution fee (if you're still a student). Ano ka sinuswerte?
BINABASA MO ANG
Park And The Slave (ChanBaek FF)
Fanfiction"Ang arte arte! Akala mo kung sinong pa-ganda, e dukha lang naman!" -Park Chanyeol "Ang yabang yabang! Akala mo kung sinong gwapo, e gwapo naman talaga! Pero kahit na! Ang pangit mo parin!" -Byun Baekhyun *** Dahil ulilang lubos at kaawa awa n...