Chapter 7

862 48 21
                                    

Hindi na nagpabebe pa si Baekhyun at nagbihis na. Ilang beses niya na din minura si Chanyeol sa isip niya dahil gusto niyang magpahinga pero ano siya, sinuswerte?! Uy, baekla! Hindi ka sinuswelduhan ni Appa Park para magpahinga at landiin si Sehun!

Putspa, 'e sawi nga ako 'di ba?!

Nagbihis na si Baekhyun ng kung ano mang nahugot niyang damit. Matapos ay umakyat na ulit siya sa kwarto ng kanyang amo.

"Ano ba yang suot mo?! Ang pangit naman!" reklamo ni Master Chanyeol.

Sumama ang tingin ni Baekhyun sa yummy niyang amo. "Bakit?! Anong problema mo sa t-shirt kong rilakkuma?! Ayos naman ha?!" Ang arte arte kasi ni Chanyeol 'e. Nako, nako kung di ka lang masarap--

"Basta ang pangit!"

Pumunta si Chanyeol sa mga lalagyan niya ng damit at kumuha doon ng isang t-shirt din.

At ibinato ito sa mukha ni Baekhyun.

Bwisit ka talaga.

"Anong gagawin ko dito?!"

"Kainin mo!"

"Grr! Bwisit ka talaga, Park Chanhell! Bagay ka sa impyerno."

"Suotin mo na! Aalis na tayo!"

Napairap si Baekhyun atsaka akmang lalabas na dapat kaso tinawag ulit siya ng amo.

"Dito ka na magbihis!"

"Ano?!" napatakip si Baekhyun ng katawan. Pucha. Pabebe talaga ih. "M-master 'wag po.."

"Ang kapal naman ng mukha mo! Tatalikod ako!"

Napailing si Baekhyun sa isipan.

Sayang, rape na, naging bato pa.

Susmaryosep, Baekhyun! Patawarin ka sana ng nasa itaas sa mga pinagiiisip mo. Myghad, 'kala mo talaga pretty 'e!

Matapos magpalit ni Baekhyun, "Ayan na, ok na."

"Ayan, mas okay nang tingnan. Baka mamaya, isipin pa ng mga tao na may kasama akong pulubi."

"Hoy! Ang sama mo!"

Hindi na pinansin pa ni Chanyeol si Baekhyun at nginisian na lang ito. Lalabas na sana sila ng kwarto ng magsalita ulit si Chanyeol.

"Hep hep--"

"Hooray."

"Pinipilosopo mo ba 'ko? Sasampalin kita!" inambahan ni Chanyeol si Baekhyun kaya nagpeace sign na lang ito.

Yaas, slap me master---jk. Hindi po ako malandi, slight lang. Hihi.

"Iiwan mo yang t-shirt mo dito sa kwarto. Akin na yan." sabi ni Chanyeol. Aba syempre nagreklamo agad si Baekhyun. Aba'y kakaunti na nga lang ang mga damit niya, kukunin pa ng amo niyang isang gabundok ang damit?!

"Ano?!" pagprotesta ni Baekhyun.

"Angal ka?!"

"Oo! Wala na nga akong damit tapos kukunin mo pa! May balak ka pang singhutin 'tong damit ko ha! Sinasabi ko na nga bang may lihim kang pagnanasa sa'kin." sabi ni Baekhyun at nginisian pa si Chanyeol na napapangiwi na lang.

"Okay ka lang? Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Wala na kasi akong basahan dito kaya kailangan ko yang damit mo!" kinuha ni Chanyeol ang damit at ibinato ito kung saan. Tinulak na rin niya si Baekhyun palabas at dahil di hamak naman na mas malakas siya dito, ay wala na ring nagawa si Baekhyun.

Park And The Slave (ChanBaek FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon