"Late na naman akoooooo!"
Gusto nang sampalin ni Baekhyun lahat ng taong madaraanan niya dahil sa sobrang inis. Late na kasi siya. At kasalanan na naman ito ng pesteng amo niya.
"Oy Baekhyun!" Habang tumatakbo ay tinawag siya ni Sehun. Hindi niya alam kung titigil ba siya para lingunin ito o magpatuloy na dahil late na talaga siya!
"Baeeeeekhyun!"
Naghabulan sila ni Sehun sa hallway. Parang mga tanga lang eh. Nang maabutan ni Sehun si Baekhyun ay agad niya itong pinaharap.
"Sehun ano b--"
"Thank you, Baekhyun." Nagulat si Baekhyun at namula nang bigla siyang yakapin ni Sehun.
T-teka! Ano bang nangyayari?
"Salamat kasi gumawa ka ng paraan para magkasama kami ni Mary my loves. Kahit na nasapok nya ako kahapon, feel ko may progress na na nangyayari sa relasyon namin."
Napangiwi na lamang si Baekhyun at humiwalay sa yakap ni Sehun.
"Hindi ko naman gagawin yun kundi dahil kay Chanyeol eh." Napairap si Baekhyun. "Ano bang ginawa nyo ni Mary kahapon? Natapos nyo na ba activity namin?"
"Oo naman. Actually kahit nga wala ako dun parang kayang kaya na ni Mary gawin mag isa. Sa susunod na magpartner ulit kayo, ako ulit papuntahin mo ah."
Napairap ulit si Baekhyun. Kakaasar. Late na nga siya, bukambibig pa ni Sehun si Mary. Na naman!
"Abusado ka! Baka mamaya hindi na ako isali ni Mary sa nagparticipate dahil sayo."
Hindi na hinayaan pa ni Baekhyun na magsalita si Sehun. Naglakad na siya paalis. Pero syempre, sinundan na naman siya nito.
"Nga pala, bakit ka ba nagmamadali? Walang klase ngayon!"
Napatigil si Baekhyun at napamura sa isip. Hutaena, wala palang pasok?! Eh halos lumipad na nga siya kanina para lang wag ma-late tas--- WALANG KLASE?! Kaya pala hindi nagmamadali si Chanyeol kanina para pumasok.
"Eh bakit may tao?!" Tanong ni Baekhyun na napapakamot na lang.
"Magulat ka magkaroon ng tiger dito!" Pamimilosopo ni Sehun. "Atsaka half day lang ngayon dahil nga may event. Di ba nga ngayon na ang laban ng Mr. and Ms. BPU?!"
BINABASA MO ANG
Park And The Slave (ChanBaek FF)
Fanfiction"Ang arte arte! Akala mo kung sinong pa-ganda, e dukha lang naman!" -Park Chanyeol "Ang yabang yabang! Akala mo kung sinong gwapo, e gwapo naman talaga! Pero kahit na! Ang pangit mo parin!" -Byun Baekhyun *** Dahil ulilang lubos at kaawa awa n...