Chapter 5

1.5K 86 19
                                    

Tinotoo nga ni Chanyeol ang pagpapahirap niya kay Baekhyun. Mula sa pag uutos niya na bumili ng sandamakmak na school supplies hanggang sa pagpapagawa nito sa kanya ng kanyang mga assignments at projects na next month pa naman ipapasa.

Pagod na ang kamay ni Baekhyun.

7:24 pm.

Napabuntong hininga si Baekhyun nang makita niya ang oras. Ni sarili niyang takdang aralin ay di niya pa nagagawa dahil sa pisting amo niya.

"Okay na ba 'to?" Tinaas ni Baekhyun ang kakatapos pa lang na pinapadrawing sa kanya ni Chanyeol sa isang kalahating cartolina.

Napalingon naman si Chanyeol na thug life ang buhay na nakahilata lang sa couch nito habang nanonood sa big screen niyang TV at kumakain ng chips. Ang sakit niya sa mata para kay Baekhyun. Habang nagkakanda kanda hirap siya, eto ang amo niyang nakahilata lang. Pero ano nga bang magagawa niya? Amo niya kasi ito samantalang siya, isang hamak na katulong lang naman.

"Ang pangit. Ulitin mo." Walang emosyong sagot ni Chanyeol at binalik ang tingin sa TV.

Kumunot ang noo ni Baekhyun.

"Anak ka ng tinapa! Sabi kasing hindi naman ako marunong mag drawing pero pinipilit mo kong gawin 'to!" Inis na sabi ni Baekhyun.

Nilukot niya ang papel habang iniisip na mukha iyon ng amo niyang hayuf at itinapon kung saan.

Muli, ay nagdrawing na naman siya sa kalahating papel ng cartolina. Nakakayamot na masyado. Wala na siyang nagawang assignments niya.

8:30 pm.

"Pwede na ba 'to?"

"Mapagtyatyagaan na."

"Yes! Sa wakas naman at makakapagpahinga—"

"Anong pahinga? Gawin mo muna tong assignment ko sa calculus!"

9:00 pm.

"Eto na! Tapos na!"

"May assignmentsssss pa ko diyan!"

10:30 pm.

"Tapos na! Ano?! Ano pang mga ipagagawa mo ha?! Manghuli ng langgam?! Kumain ng bubog?! Bilangin ang alikabok sa kwarto mo?! Ano?! Ano?!"

"Zzzzzz."

"Anak ng—!"

03:12 am.

Naalimpungatan si Chanyeol dahil sa lamig ng aircon sa kwarto niya. Nakatopless nga pala kasi siya at di pa siya nakakumot.

"Ugh. Anong oras na ba?"

Napatingin si Chanyeol sa pader kung saan naroon ang orasan habang nagiinat. Nakabukas pa din ang TV niya na nakatulugan kahit alas tres na ng madaling araw.

Park And The Slave (ChanBaek FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon