Chapter 8

840 47 8
                                    

Gabi na pero hindi pa rin makatulog si Baekhyun. Hindi niya alam kung bakit pero ayaw talaga siya dalawin ng antok. Pati ba naman antok nilalayuan ka, Baekhyun?!

Pisting antok ka! Dalawin mo naman ako please!

Habang paikot-ikot si Baekhyun ay natanaw niya si Nemyeol, yung stuff toy na nakuha ni Chanyeol sa claw machine at ibinagay sa kanya. Pinangalanan niyang Nemyeol kasi di ba obvious naman na siguro kung bakit di ba? Kakatamad mag-explain. Kinuha ito ni Baekhyun at pinisil pisil, iniimagine na bulge iyon ni Chanye--huta, Baekhyun?! Ano bang ginagawa mo?!

"Pisti ka, Park." Bulong ni Baekhyun. Di niya rin alam kung bakit ba si Chanyeol ang sinisisi niya na dahilan kung bakit di siya makatulog.

Matapos ng ilang minuto ay unti unti ring nakatulog si Baekhyun. Kinaumagahan ay maaga siyang nagising. Himala. Ginising niya na agad si Chanyeol para maghanda na din sa pagpasok.

"Lumabas ka na ng kwarto ko. Ten o'clock pa pasok ko! Shoo!" Pantataboy lang ni Chanyeol kay Baekhyun at bumalik na ulit sa pagtulog. Napakamot na lang si Baekhyun sa ulo at naihilamos niya na lang ang palad sa mukha dahil sa inis.

Jusko, Chanyeol ha! Ang aga aga ini-stress mo beauty ko!

Luh, beauty daw oh?

Bago pa mapatay ni Baekhyun na may kasamang rape ang amo ay lumabas na lamang siya. Sakto naman na nakasalubong niya si Appa Park at inutusan siya nitong pumunta sa library bago siya pumasok. Naligo na si Baekhyun at naghanda, pagkatapos ay dumiretso na siya sa library.

"Good morning, Appa!" Masiglang bati ni Baekhyun kay Appa Park na kasalukuyang nagbabasa ng dyaryo. Nginitian naman siya ni Appa Park at inutusang maupo.

"Gusto ko lang ibigay ang unang sweldo mo, Baekhyun." May inilabas na sobre si Appa Park at ipinatong ito sa mesa.

"Bakit po? Kakaumpisa ko palang, Appa Park. Atsaka wala pa akong isang buwan."

"Ayaw mo?"

Napangiti si Baekhyun at kinuha ang sobre tapos umiling. "Hehe, joke lang naman. Kayo naman po, di mabiro."

Napailing si Appa Park at napangiti na lamang. Tungunu, pabebe kasi si Baekhyun e! "Naisip ko lang na baka kailangan mo yan."

"Oo nga pala, tutuloy ka pa ba sa college?"dagdag pa ni Appa.

Napakunot ang noo ni Baekhyun ng saglit dahil sa tanong na iyon. "Hmm, syempre naman po. Pero hindi ko sigurado kasi baka di na kayanin ng budget ko. Siguro, baka magtrabaho na lang ako."

"Pero gusto mo paring magpatuloy?"

"Oo naman, Appa! Bakit, pag aaralin nyo ho ba ako? Hahaha" pagbibiro pa ni Baekhyun.

Park And The Slave (ChanBaek FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon