Napakaraming nangyari kay Baekhyun sa buong gabi.
Mahimbing siyang nakatulog dahil sa kanyang malambot na higaan at mahanging kwarto.
Kinaumagahan, inis na inis si Baekhyun nang makitang umuulan. Kung ang ibang estudyante ay natutuwa sa ganito, pwes ibahin nyo si Baekhyun. Kung noon sana, pwede pa. Hindi kasi ganun kalakas ang ulan, ibig sabihin, wala pang signal no. 3. Mag a-ala taong isda na naman silang mga college. Musta naman yon?
Hindi buhay prinsesa si Baekhyun kaya kahit masarap matulog ay bumangon na siya. Kailangan niya pang gisingin ang amo niya. Err.
Paglabas niya ng kanyang silid ay isa na naman sa mga struggles in life niya ang kanyang kinaharap. Ang pasikot sikot na mansyon ng mga Park.
Jusme. Paano kaya kung late na siya ng school? Abutin kaya siya ng isang oras para lang makalabas ng mansyon.
"Ate, san po yung elevator?" Tanong ni Baekhyun sa isang maid na nakasalubong niya.
Tiningnan siya ng maid at napakunot ang noo nito. Pero agad ring nabawi yun at sinagot na lang ang tanong ni Baekhyun.
"Diretsuhin mo lang yan."
Agad sinunod ni Baekhyun ang sinabi nung babae. Tinandaan na niya talaga ang daan para hindi na siya maliligaw. Potek na bahay naman kasi na 'to.
Nang makarating si Baekhyun doon ay napangiti siya. Langya, ang yabang porket natuto nang gumamit ng elevator 'e. Atsaka, hindi niya na rin iniwan ang tsinelas niya sa labas ng elevator. Lesson learned ika nga.
Nang makarating ng fifth floor ay nakasalubong niya si appa Park na kakalabas lang sa isang kulay kahoy na pinto. Mukhang doon ata ang silid niya.
"Good morning po, appa." Bati ni Baekhyun dito.
Tiningnan naman siya ni appa ng nakakunot ang noo.
"Kakagising mo lang?" Tanong ni appa.
"Hindi po, kakaswimming lang."
"Hahaha! Ewang ko sa'yo, Baekhyun. Hanep ka kasi, walang hila-hilamos? Hahaha."
"Hay nako, appa. Maliligo na rin ako, e. Sayang lang ang tubig."
"O sya. Puntahan mo na si Chanyeol doon sa kwarto niya." Sabi naman ni appa. Paalis na sana siya pero bumalik siya ilang saglit. "And goodluck." Nginitian pa siya ni appa ng nakakaloko atsaka tuluyan nang umalis.
Napalunok si Baekhyun dahil dun. Nyetang goodluck kasi yan 'e. Akala mo may hatid na delubyo sa tuwing sasabihin ni appa Park yun.
E ano naman?! Siya lang naman ang demonyitong park chanyeol samantalang ako, ako si baekhyun! Asa siyang susuko ako sa nakakalecheng ugali niya!
Mapapa sign of the cross ka na lang talaga sa kaba sa tuwing iisipin ni Baekhyun na haharapin na naman niya ang amo niya. Pero keri lang, pang unang araw pa lang naman niya ito, hindi pa siya pwede sumuko.
BINABASA MO ANG
Park And The Slave (ChanBaek FF)
Fanfic"Ang arte arte! Akala mo kung sinong pa-ganda, e dukha lang naman!" -Park Chanyeol "Ang yabang yabang! Akala mo kung sinong gwapo, e gwapo naman talaga! Pero kahit na! Ang pangit mo parin!" -Byun Baekhyun *** Dahil ulilang lubos at kaawa awa n...