Chapter 10

826 51 12
                                    

Isang linggo na ang lumipas pero mukhang di pa din makamove on si Sehun sa natuklasan niya tungkol sa kanyang love of my life. Naiinis na nga si Baekhyun pero secret lang yun ha.

Aagawan lang ako ng exposure nyang Mary na yan e! Kaya kailangan, habang maaga, makapag send nudes na ako kay Sehun!

May mga times talaga na ang sarap patayin ni Baek sa kwento dahil sa sobrang kaharutan. Pero hindi ito ang tamang oras para doon. Kailangan niya pang kumuha ng litrato na ipapasa kay Sehun-- este, kailangan niya pala munang magayos ng sarili dahil pupunta siya kila Jongin ngayon. Wala siyang pasok sa school at saktong day off din sa trabaho. Ayaw niya mag stay sa mansyon ng mga Park dahil paniguradong uutusan lang naman siya ni monster Chanyeol kapag nakita siya nito kahit na day off pa. Kaya dun muna siya kila sunog.

Wala pa ang uwian nila Jongin. Kaya naman nakipaglaro muna si Baekhyun sa nakababatang kapatid nito para malibang. Tumulong na din siya sa auntie niya. Maya maya'y umuwi na din si Jongin. Nagulat siya nang makitang namumula ang pisngi nito.

"O? Ano na namang nangyari sayo?!" Usisa ni Baekhyun. Dire-diretso lang si Jongin at saka sumalampak agad sa couch.

"Buti na lang, nandito ka. May mapaglalabasan ako ng sama ng loob." Napabuntong hininga si Jongin habang nakatingin sa kisame. Pasimpleng napairap si Baekhyun.

Gague to ha?! Ano ako, toilet bowl?!

Gusto sanang sabihin ni Baekhyun ang nasa isip niya pero napansin niyang seryoso si Jongin kaya mission abort. Tumabi siya kay Jongin at tinanong ito.

"Sino ba kasing minanyak mo na naman? Ayan, nasampal ka tuloy."

Napatingin ng masama si Jongin kay Baekhyun. "Hindi ko ginawa yun Baekhyun hyung---"

"--noona." Pagiinterupt ni Baek kay Jongin. Napangiwi si Jongin. "Okay, tuloy."

"O...kay? So yun nga, hindi ako nangmamanyak. Atsaka kahit mangmanyak ako, sure naman akong magugustuhan din ng mga gir--- joke. Pero seryoso, hindi ko talaga minanyak si Kyungsoo." Magulong paliwanag ni Jongin.

"Aha. So si Kyungsoo pala ang sumampal sayo?" Napahagalpak sa tawa sik Baekhyun. "Magaling! Lodi ko na yang Kyungsoo na yan. Hindi nagpapadala sa bugso ng damdamin sa kamanyakan mo."

"Hindi ko nga minamanyak si Kyungsoo!" Depensa naman ni Jongin. Napaupo siya sa couch at pabirong sinapak si Baekhyun.

"So bakit ka nga nya nasampal?"

"Kasi..." Huminga ng malalim si Jongin at inalala ang scenario na nangyari kanina sa pagitan niya at ni Kyungsoo. Parang gusto niya na lang lamunin ng lupa sa mga oras na iyon. "Nakita ko si Kyungsoo na kumakain mag isa sa canteen ng mga college kaya nilakasan ko na ang loob ko. In-approach ko siya kung pwede akong makiupo. Tapos, pumayag naman siya."

Park And The Slave (ChanBaek FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon