Chapter 1

2K 86 12
                                    

One week ago..

"All freshmen, please proceed to the convention center.."

Third day of class na pero ang dami paring kaekekan na nagaganap sa Black Pearl University o tawagin na lang nating BPU para sa mga tamad bumasa.

Ayaw pa sanang tumayo ni Baekhyun pero sinita na siya nung librarian dahil sa announcement na kailangan nilang sundin. Nasa library si Baekhyun hindi para magbasa ng libro. Props niya lang yung libro at naroon lang siya para matulog. Oo, ganyan siya kasipag. Scholar pa man din siya.

"Kabadtrip.." nagtatanggal pa ng muta si Baekhyun nang lumabas siya ng library. Nakita niyang nagmamadaling naglalakad na ang lahat ng freshmen papunta sa convention center. Siya naman, chill chill lang. Thug life be like nga kasi. Naguunat unat pa siya ng braso habang naghihikab.

Pero ilang sandali, isang langaw ang palipad lipad ang pumasok sa bibig ni Baekhyun.

"Acckk—" napahawak si Baekhyun sa lalamunan niya. "ACCKK!! *cough cough* T-TULONG! M-MAMATAY AKO!"

Ay oh. Eksaherada lang.

Dahil sa pagiging OA ni Baekhyun ay napaatras siya at nakabangga siya ng tao.

"Hey, okay ka lang?" Tanong ng nakabangga niya.

Lumingon si Baekhyun dito na nahihirapan pa ring magsalita at umuubo ubo. Sumenyas na lang siya ng, "Mukha ba akong okay?! Pakyu ka!" At tinaas ang middle finger nito.

"Ay grabe siya, o. Namakyu pa. Hahahaha!" Tumawa ang lalaking nakabangga niya. At sa di inaasahan ay parang ilang segundong nawala sa isip ni Baekhyun na may nagpa-flying flying langaw sa lalamunan niya. Namamangha siya nang makitang tumatawa ang lalaking nasa harap niya. Ang gwapo kasi e...

"O eto, inom ka tubig. Baka mamatay ka pa diyan." May hawak na mineral bottle ang lalaki na may konting bawas at binigay ito sa kanya. Kinuha naman iyon ni Baekhyun at tinungga. Bahala na si batman. Ilalabas na lang niya ang langaw mamaya kasama ang kanyang sama ng loob.

"Hay.. salamat.." para bang hingal na hingal si Baekhyun nang matapos uminom. "Ay hala! Sorry, naubos ko pala." Pagsosorry naman ni Baekhyun dahil di niya namalayang naubos niya pala ang tubig.

"No, it's okay." Sabay ngiti nung lalaki ulit. Napangiti din tuloy si Baekhyun. At di lang yan, with matching blush on pa. Ke bago bago pa lang niya sa BPU e nagninilandi na. Pwe.

Parehas silang napatingin sa ibang mga estudyante na papunta na sa loob ng convention. Nagkatinginan naman sila na parang alam ang ibig sabihin ng bawat sasabihin nila.

"Halika, sabay na tayo pumasok dun." Pagyayaya ng lalaki kay Baekhyun. Ngumiti naman si Baekhyun at tumango. "I'm Sehun nga pala. And you are?"

"B-baekhyun. Byun Baekhyun."

Sabay na naglakad patungo sa loob ng convention ang dalawa. Aaminin talaga ni Baekhyun na eng gwepe gwepe ni Sehun kaya medyo naiilang siyang kausapin ito. Pero medyo nagiging komportable rin naman siya di kalaunan dahil sa pagiging madaldal si Sehun. At aaminin din ni Baekhyun na first time niyang kausapin ng mga tulad ni Sehun. Mukha kasing mayaman si Sehun, sa itsura pa lang. Naalala ni Baekhyun, noong high school pa lamang siya ay halos wala siyang kaibigan dahil puro mayayaman ang mga kaklase niya't ayaw nila sa kanya. Scholar lang si Baekhyun kaya siya nakakapasok sa magagandang paaralan. At sa lahat ng scholar, siya ata pinakatamad.

Park And The Slave (ChanBaek FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon