Chapter 32 : Clues

160 8 0
                                    

---

YORK CUREI'S POV

Nasa art room kami kung nasaan ang mga suspects. Hindi na muna namin sila pinaalis. Sabi naman ni Nash mukhang madali lang daw to lalo na at may note na pwedeng buuin namin. Ang kaso hindi ako magaling sa mga ganyan.

"He look sick." Napatingin ako sa tabi ko at nakita na nandito na si Nash.

"How'd you know?" Perket nakatakip lang ng panyo ang bibig ni Chris may sakit na?

Tiningnan naman nya ko ng nanliliit ang mata at parang sinasabi na are-you-nuts?

"I can sense if someone not feeling well. Namana ko sa mama ko, and I can see that his avoiding to cough. Look at his reaction. He hardly move and breath." Tinitigan ko pa si Chris ng mabuti at every time na mapapaubo sya yuyuko ito o kaya naman minsan pipikit ng mariin. Nash's right.

"Ayos ka lang ba? Wala ba talagang masakit sayo?" The girl asked. Si Terrie ata yun.

Tumango lang si Chris at ngumiti.

"Miss. Terrie nasa labas po ang mga magulang ng biktima." Bigla namang dumating si Oliver. Tumango si Terrie at nakita ko pa ang pag tingin nya kay Chris na parang may kahulugan. Something's up.

"Oliver!" Tumingin naman ito sakin at lumapit. "What relationship between Miss. Terrie and Mr. Dela Fuente?"

"Ah yun ba? Mag fiancee sila. About business lang naman yun pero sabi nung kapatid ni Mr. Dela Fuente mahal daw talaga nya si Terrie." Tumango naman ako at nag paalam na sya na may aayusin lang.

How about Terrie? Did she really love him? Or just force to?

"Chris." Napatingin naman sakin ang tatlo pang naiwan na suspects. Lumapit ako sa harapan ni Chris. Tumayo naman ito. "Curei Riddle." Pinakita ko ang I.D ko bilang private detective. "Just wanna asked a few question."

--

NASH'S POV

"Oy Casper! San ka pupunta?" Tiningnan nya lang ako at nginuso si Terrie na palabas ng art room na to. Susundan nya? Tinanguan ko nalang sya at lalapit na sana ulit kay Curei ng makita kong kausap nya si Chris.

"Kay Zone na nga lang." Mag lalakad na sana ako para hanapin ang layas na babaeng yun na kamag anak ata ni dora ng biglang may babaeng lumitaw sa harapan ko.

"Waah!" Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

"O.A." nagtitigan lang kami. Bakit ganto itsura nito. Lalo nyang nakamukha si Dora! Buti nalang hindi nya binabasa ang nasa isip ko. Mwahahaha

"Saan ka ba galing at puro ka alikabok?" Tiningnan naman nya ko with her innocent stared. Lagi namang ganyan yan eh. Malamig na inosente kung tumingin. Pero ang dami namang alam.

Nginuso nya ang mga nasa likod nya at nakita ko sa bandang gilid ng room ang mga paintings na hindi nakasabit. More like hindi na ginagamit..

Mag tatanong na sana ako kung anong ginagawa nya dun pero bigla syang may pinakita sakin na papel pero dahil sa sobrang lapit nito sa mata ko di ko makita ng ayos kaya inilayo ko.

"The clues are where you find the notes." Iyan ang nakalagay sa papel na kulay brown. Hindi kagaya ng nakita namin kanina na papel sa desk ni Mr. Dela Fuente na kulay puti. Pero pareho lang naman ng nakasulat.

"Desk and Art." Zone whispered. Nangunot naman ang noo ko pero hindi na ko nakapag tanong ng hilahin nya ko palabas sa kwartong yun.

"Oliver bantayan mo ang mga suspects!" Sigaw ko, nag salute naman ito kaya nag pahila na ko kay Zone.

"Ano na gagawin natin? Nakalock!" Sabi ko pag kadating namin sa kulay brown na pinto. Dito pa rin sa building na to nakalagay.

"Easy." Hindi ko na napigilan pa si Zone ng bigla nyang sipain ang pinto ng pag kalakas lakas dahilan para masira ito. Ayaw kasing mabuksan kahit na ginamit na nya ang kuko nya. Pag kabukas nya ng pinto pumasok na kami, tiningnan ko ang likod ng pinto na yun at nakita na parang tinunaw ang lock ng pinto kaya hindi talaga mabubuksan.

"Music room?" Oo, music room nga tong pinasok namin. Nag lakad lakad ako sa paligid at halos hikain ako dahil sa alikabok.

"The cats hiding." Nilapitan ko naman si Zone at nakita na may panibago syang papel na hawak. Kulay blue na papel pero ganun din ang nakasulat.

Hinila nanaman ako ni Zone paalis sa kwartong yun at ng huminto kami, sa isang kulay blue na pinto naman kami nahinto. The heck? Alam na ni Zone? Sino?

--

CASPER'S POV

"Tita, wag na po kayong umiyak. Hindi po yan magugustuhan ni Marvin." Pinapatahan ni Terrie ang nanay ni Dela Fuente.

"Iha, paano ka na? Wala na si Marvin. Paano na tayo?"

Sure akong hindi mahal ni Terrie si Marvin. Nararamdaman ko yun kasi parang hindi naman sya masyadong nalungkot. I mean, kita parin sa kanya ang lungkot pero yung lungkot talaga ng mga babae pag nawawala ang pinaka mamahal nilang tao, hindi ganun ang lungkot nya. Alam kong hindi si Marvin ang mahal ni Terrie.

"Oy Casper! Anong ginagawa mo dyan?" Napatingin naman ako sa likod ko at nakita si Oliver na may hawak hawak na papel. Kinuha ko yun at binasa ang information na nakuha kay Chris at Terrie pero walang kahina hinala.

"Bakit mag kasama sila Chris at ang biktima sa office ni Marvin?" I asked.

"Ah yun ba? Masyadong confidential at ayaw sabihin ni Chris." Nangunot ang noo ko. Kung ganun nga, maari syang pag kamalan na sya ang pumatay kay Mr. Dela Fuente. Kung ano man ang tinatago nya, dapat sabihin na nya kung ayaw nyang makulong.

May kakaiba sa dalawa na to.

--

Tumakbo na ko papunta sa Art room at nakasalubong ko naman sila Zone at Nash kaya hinila na din nila ako. Pumasok kami sa isang kwartong kulay cream ang pinto, buong kwarto kulay cream, maging ang kama.

Si Zone nag libot libot sa paligid habang ako nakatingin lang sa kanya.

"Ano sabi ni Terrie?" Nash asked.

"I smell something fishy to them."

"Who?" Nangunot ang noo ni Nash.

"Terrie and Chris. Also Dela Fuente."

"There is." Napatingin naman kami kay Zone at nakitang nasa desk sya ng kwartong to. Mukha nga syang kwarto ng babae eh. Kinuha nya ang nasa ibabaw ng desk at nakita namin ang picture frame pero drawing naman ang nasa loob. Dalawang tao. Isang babae at isang lalake na sure akong si Terrie at Chris yun.

Binaklas ni Zone ang picture frame at inalis ang drawing sa loob, ngumisi sya habang tinititigan ang likod ng drawing na yun. Maya maya pa iniharap nya samin ang likod ng drawing at nabasa ang mga salitang..

"The clues are where you find the notes."

---

To be continued...

The Cold Unique One (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon