Chapter 13 : Is it Possible?

310 14 0
                                    

---

It's 5 in the morning at hanggang ngayon nasa labas pa rin kami ng bahay na hindi ko alam kung kanino at hindi ko din alam kung nasaan na kami.

"Nasan na ba kasi tayo?" Ilang beses ko na yang tinanong sa kanya pero hindi manlang ako sinasagot at nakasamasid lang din sa bahay.

Wala namang mali sa bahay sa nakikita ko. Ayos naman. Hello~ nasa taas kaya kami ng puno! Tsaka ilang minuto din nya kong pasan pasan makarating lang kami dito sa lugar na to! Gusto nya yun eh! Gusto nya kong pasanin edi nag dusa sya kanina. Babatukan ko na tong babae na to eh!

"Try to then I'll kill you." She glared at me without even looking at me. Sumimangot nalang ako. Maya maya pa tumalon na sya pababa kaya naman sumunod na ko. Kaso kung sya perfect landing. Shempre hindi mawawala ang panira. I'm suck at landing. Una pwet ko eh! Nakita ko syang natatawa pero pinigilan nya at sinipa pa talaga ako!

"Faster idiot!" Tumalikod na sya at pumunta sa harapan ng bahay. Inamba ko naman ang braso ko na parang manununtok. Kung kaya ko lang talagang suntukin to-- binaba ko naman agad ang kamay ko dahil bigla nalang syang lumingon.

Nangunot ang noo nya at inirapan lang ako.

Wala naman na kong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Dami ko kayang dala. Oo nga pasan nya ko kanina pati tong dalawang bag nya at isang bag ko. Pero huminto sya sa pag takbo sa may tunnel na puno ng halaman. Hindi ko alam kung saan yun basta dun sya huminto at simula nun ako na ang pinag dala nya ng gamit namin. Langya to!

"Riddle one more cursed at me you'll dead!" Napalunok naman ako. Kanina ko pa ba sya minumura? Ngayon lang naman ah!

Nag doorbell na sya at nag hintay nalang kami na may mag bukas. Wala pang ilang segundo nabuksan na agad ang pinto at bumungad samin ang nanlalaking mata ni Zoey na nakaboxer pa. Infairnes.. he's hot. Wait..... whut?


"Stop staring Riddle!" Napatingin naman ako sa likod ni Zoey at nakita si Zion na ganun din ang lagay.

Nakaharang sila sa pinto kaya hindi kami makapasok.

"What are you two doing in here?"

Hindi sumagot si Zone at pumasok nalang basta basta sa loob. At yung pag lalakad nya? Mala donya! Parang sya pa talaga ang may ari ng bahay na to eh! Napailing nalang ako at sumunod sa kanya. Yung dalawa nakatulala parin kaya naman sumunod nalang ako kay Zone na welcome na welcome sa bahay.

--

Nasa sala kami at si Zone nakaupo sa pang isahan. Naka taas pa ang paa sa may mesa sa harap. Yung dalawa naman mag katabi sa mahabang set. At ako nakatayo sa gilid nitong amo ko.

Ginalaw galaw ni Zone ang paa nya at tinaas ang kamay. "Yah, Slave. Get me some apples." Mag rereklamo na sana ako pero tsk! Ano pa nga bang magagawa ko?

Nag lakad na ko papunta sa kusina nila at namangha nanaman. Parang ganto lang din ang bahay nila sa Makati eh. Pero dito mas maliit naman na bahay to. Matatawag mo na talagang bahay to hindi kagaya sa makati na Mansion. Purong gold at kahoy naman ang theme ng bahay na to. Astig!

Totoo kaya ang mga ginto na to? Hinawakan ko ang isang piture frame na kahoy pero may nakadikit na mga gold. Mukha syang toto--

"That's expensive. Don't touch it." Napabitaw naman ako agad sa picture frame at napatingin sa lalakeng nag salita. Pag tingin ko isang lalake na brown ang buhok at mata. Sino sya? Bampira din ba sya?

"Luke Sherk." Napatango naman ako.

"Bampira nga." I whispered to myself pero narinig pala nya.

"No. Wish to but no. I'm just a Sheranian. I'm a seer." Nangunot ang noo ko. Sheranian? Seer? "You don't know?" Gulat na tanong nya. Tumango ako dahil hindi ko na maintindihan ang sinasabi nya. "Then why your here? Who the heck are you?"

"Must be a thief." Isang boses nanaman ang narinig ko at galing yun sa isang lalake. Pag tingin ko. Oh? Nandito sya? Sabagay bahay nila to.

"Hey tito Zero!" Sabi ko na kinalaki ng mata nila. Why?

"You serious? Zero?" Luke said. Teka nga! Naguguluhan na ko!!

"Don't pressure him. Hi!" May isang babae naman ang nag pakita at woah! Chix ito!

"H-- hey." I smiled at her. A killer one pero may bumatok naman sakin. Sakit ah!

"Don't you dare flirt at her! Susumbong kita kay Tito Nate!" The other guy said. Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa pag batok nya. Feeling ko nawala na ang brain ko. Meron nga ba?

"Wait, tito Zyrus.. can-- can you read him?" Nag salita nanaman ang babae at nakatingin sakin na parang binabasa nga ako. Namula din ang mga mata nya at alam kong bampira tong isang to.

Natigilan naman ang lalake at namulsa sa harapan ko. "Hmm, tsk I didn't notice it. It's blank. His thought is blank."

"Baka naman walang utak?" Luke said.

Nakatanggap naman sya ng batok sa babae. "Shut up tito Luke. He must be Curei.. I'm Nisha by the way." Nakatingin lang ako sa kanila. Kilala nya ko? Paano?

"Hoy slave! Didn't I tell you to get me apple? Where the heck is it?" Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko ng mag salita si Zone sa likod ko. Nakalimutan ko!

"Great! Just great human!" Nag pipigil na galit na sabi nya. Tiningnan nya lang ako at nangunot ang noo nya. "Go! Get me my apple!" As if on cue. Napatakbo agad ako sa may kusina. Grabe naman si monster. I mean master. Lakas makapanakot!

Pag bukas ko ng malaking ref na kahoy ang design nagulat ako dahil puro blood ang nasa loob. Nasara ko agad iyun at nanlalaking mata na napahawak sa dibdib ko.

Wala bang normal na pag kain dito?

Nag hanap ako at nang may makita akong gold na pinto binuksan ko yun at nakita ko naman na puro normal na pag kain na ang nasa loob kaya nag hanap na ko ng mansanas. Nang makuha ko naman na umalis na agad ako at pumunta na sa sala pero natigil ako sa pag pasok sa sala ng marinig ang usapan nila.

"Sign bite ey? So it means there's a big possibility that you two were have this thing called bond. As what I heard from tito Gabriel." Luke said.

"Idiot! His a human! They can't be mates!" Zyrus said.

Bond? Mates? What the heck was that?

---

To be continued....

The Cold Unique One (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon