Chapter 35 : Your Cordially Invited

190 9 1
                                    

---

NASH'S POV

"Nakatunganga ka nanaman!" Hinampas ko si Zone sa likod nya kaya sinamaan nya ko ng tingin.

Tumabi ako sa kanya at sabay naming pinanuod ang kadiliman ng Mayna. Nasa Mayna na kami. Dito na daw kami mag aaral sabi ni Tita Ran. At si Curei? Baka uuwi si Zone o kaya si Curei lang para ayusin ang papeles nya sa Makati.

"Oy mga chanak! Nasa dilim nanaman kayo!" Boses palang alam ko na kung sino.

"Tito Lace naman! Sa gwapo kong to? Chanak? Oh don't me!" Tinawanan lang naman nya ko at naupo nalang din sa damuhan kung nasan kami.

"Tell me, Zone. Ano nanaman yang nasa isip mo?"

"How to get rid of your irritating presence." Nag titigan lang sila ni Tito Lace. Ako naman napapangiti dahil kahit isipin na mas matanda si Tito Lace, o kahit na iba pa naming tito hindi nya tinatawag sa tito o tita. Minsan nga pinapagalitan pa ni Zone ang mga yun kasi magugulo pag nag kakasama sama.

"That's too easy. Get lost of my sight." Tito Lace answer.

"Nah~ you already wreck my day." Hindi nalang sumagot si Tito Lace dahil kahit anong gawin nya, hindi sya mananalo kay Zone.

Back then, naalala ko nung mga bata pa kami. Ang ingay ni Tito Lace at Tito Chani isama pa si Tito Lyndon at dad, nakatanggap sila ng apoy kay Zone dahil sa ingay nila. Saktong hindi pa kayang kontrolin ni Zoey ang kakayahan nya kaya nag karoon din ng yelo si Tito Chani galing kay Zoey. At si Zion naman apoy din ang kakayahan nya pero ordinaryong kulay lang ito hindi kagaya ng kay Ran na medyo itim.

"Do you happened to know...... about--" tiningnan kami ni Zone na parang nag dadalawang isip pa kung sasabihin pa nya ang gusto nyang sabihin. "Sword.." authomatic na nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Bakit nya kailangan ng Sword? I mean, bakit nya tinatanong kung may alam kaming sword?

"I guess.. yeah, I remember!" Tito Lace snap his fingers into the thin air. "Your mom, she has a sword back then. Pero nung nangyari ang aksidente nawala na yun."

Aksidente.. alam namin yun dahil sa legendary book na nasa library ng shera High. Pero yung sword wala akong nabasa.

"How does it look?" Zone asked full of curiousity.

"Well, it's not an ordinary sword actually. It can change. Sword, dagger, bow and arrow, chain.. etc." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni tito.

"Woah! Nasan na yun? Ang astig naman nun tito!"

"As I said. It was gone. Nawawala na yun matagal na. Kaya malabo pa na makita natin."

Napatango tango nalang kami ni Zone. Sayang! Ang astig nun! Gusto ko yun makita!

--

Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa ingay na narinig ko sa may gate ng bahay na tinutuluyan namin sa Mayna. Kila Tito Lace ata to eh nung mga bata pa sila ni Tita Ran dito sila tumira. Nasunog na daw to dati pero pinaayos ni Tita Ran at pinag dagdagan ng kwarto pero yung design ganun pa rin. Medyo makaluma na maganda. Ayaw daw kasi ni Tita Ran na maiba ang bahay na to lalo na at matagal tagal syang natira dito.

Pag dating ko sa may gate nakita ko ang isang papel na nakaipit dito kaya kinuha ko. Tanga lang? May mail box naman dipa dun nilagay.

"You're cordially invited." Basa ko sa sulat na nakalagay sa labas ng papel. Woah! Itsura palang mukhang pang mayaman na!

"Party?" Halos matumba naman ako ng may biglang malakas na hangin ang dumampi sa balat ko at nakita ko sa unahan ko si Zone na nakatayo. Nakasuot sya ng black hoodie jacket, black leggings and white nike shoes. Mukha nag jogging. Or hunt? Hawak na nya ang papel at binasa ang nasa loob nito.

The Cold Unique One (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon