Chapter 14 : Neo

300 13 0
                                    

---

8 na ng gabi at umalis sila Zone. Sabi nila mag hahunt daw sila. Minsan lang daw nila inumin ang nasa ref nila pag tinatamad silang mag hunt kaya naiwan ako dito. Nasa Shera pala kami at bukas daw pupunta na kami sa Mayna. Hindi ko nga alam kung saan to eh.

Ako lang mag isa dito sa bahay. Hindi naman ako makatulog dahil hindi maalis sa isip ko ang pinag usapan nila kanina. About the stangers words to me, bond and mates. Ano kaya yun?

Nag lakad nalang ako palabas ng bahay. Habang nag lalakad ako sa may garden ng bahay ang dami kong nakitang bulaklak. Puro white roses nga lang pero ang dami nila. Kukuha na sana ako ng isa ng biglang may ulo ng tao akong nakita.

"Waaaaahhh!!" Napaatras ako dahil sa biglaang pag sulpot nun. Nung nakarecover naman na ko tiningnan ko ang paa nyang nakasabit sa puno at ang katawan nyang nakabaliktad. Kung ako siguro nasa pwesto nya yung lahat ng dugo ko nasa ulo ko na. Pero sya maputi pa rin ang mukha nya. Malamang! Bampira eh.

"Trying to pick one? Go on. You'll dead by tomorrow." Napalunok naman ako. Mag ina nga sila. Hindi pa rin sya bumababa sa pag kakasabit sa puno at nakamasid lang sakin ang abo nyang mata. I'm getting uncomportable here. Pero sya nakatitig lang talaga sakin. Nangunot ang noo nya. "What are you Riddle?" Napalunok ako sa di ko malamang kadahilanan.

Bumaba naman na sya at para lang syang tinatangay ng hangin. Pag katungtong nya sa lupa ni wala manlang akong narinig na impact.

Bigla syang napatingin sakin, wait... hindi sakin. Tagus tagusan ang tingin nya kaya napatingin din ako sa likod ko. Dilim.. dilim lang ang nakikita ko.

"Someone's here." Sabi ni tita Ran kaya naman kinilabutan ako. Sa pag sasalita palang nya alam ko ng kalaban nila yun. "Get inside and don't you there sneak out until I said." Tumakbo ako agad sa loob ng bahay pero bago ko pa mabuksan ang pinto may isang kamay na ang humawak sa braso ko. Pag tingin ko, ang naninilaw nyang mga mata ang nakatingin sakin ang mga labi nyang nakangisi sakin.

Nag pipiglas ako pero pinulupot na nya ang mga braso nya sakin at pumunta sya sa likod ko. Nakasakal ang isang braso nya sakin habang ang isa nilagay nya sa dibdib ko habang mahahaba na ang kuko nito. Kinakabahan akong napatingin kay tita Ran na nakatingin samin at namumula na din ang kanyang mga mata. May isang lalake pa ang lumabas sa gilid ko kaya naman lalo akong kinabahan.

"Look who's here, Walker." Namulang lalo ang mata ni tita at lumabas na din ang mahahaba nyang pangil.

"Ohh! So wild." Sabi ng lalakeng nakasakal sakin.

Nag lakad ang isang lalake sa may tapat ni tita at nag titigan sila.

"Let him go." Tita said.

The guy laught with humor. "Go? No no no." Tumingin sakin ang lalake at tinaasan ako ng kilay. "He's the missing wer--"

"Shut up, Neo." Neo? Narinig ko na yan ah.

"Glad that you can still remember me. It's a pleasure to hear from you highness." Highness?

Lalo akong kinilabutan ng nag labas si Neo ng silver na parang stick. Hindi ko makita ang mukha nya pero alam kong nakangisi ito o ano. Wala pang isang segundo sumugod na sya kay tita at biglang naging blurred and lahat. Kami naman nitong lalakeng nakayakap sakin nanunuod lang sa kanila.

"Shit!" Narinig kong sabi ni tita hanggang sa nakita ko na ulit sya na nakatayo sa gilid ng puno. Nakahawak sya sa bewang nya at kita kong may dugo na dun. Sa may pisnge naman nya may tumutulo na ding dugo. Tatakbo na sana ako papunta sa kanya pero nakalimutan ko na yakap nga pala ako ng bakla na to.

Nag lakad ang isang lalake papunta kay tita at nang nasa may harapan na nya ito, tinuro nya si tita gamit ang silver stick na hawak nya.

"Damn you Neo!" Nang hihinang sabi ni tita.

"Haha Walker, look at your state." Nakatawa pa rin at biglang tumayo ng tuwid. "Say goodbye." Itatarak na nya ang stick ng sumigaw si tita.

"Darn it! Zone lumabas ka na jan!" Nangunot ang noo ko at napatingin agad sa puno. Nanlaki ang mata ko ng makita ko syang may hawak na ibon at iniinom ang dugo nito. Pinigilan kong wag masuka. Kanina pa ba sya jan? Langya! Hinayaan nyang mag kaganun ang ina nya? Kakaiba!

"Mamaya ka sakin Riddle." Malamig na sabi nito kaya kinilabutan ako. Nabasa nanaman nya ang isip ko.

"Tangna! Neo tara na!!" Sigaw nitong nakayakap sakin. Tumingin si Neo sa kanya at pinanlakihan sya ng mata.

"Wag ka ngang duwag! Si Zone lang yan." Napangisi si tita at tumalon sa may puno, sa tabi ni Zone.

Tinapik ni tita ang balikat ni Zone. "Your up." Tumayo naman na si Zone, tinapon na nya ang ibon na wala ng buhay at tumalon pababa. Saktong bumaba sya sa harapan mismo si Neo.


"The Woodsen is finally here." Zone smirked at him. Hindi sya sumagot at tinitigan lang si Neo mula ulo hanggang paa.

"Vampire.." Zone said. Tumawa naman tong nasa likod ko.

Tumayo ng tuwid si Zone at wala pang isang segundo lumipad ang silver stick papunta sa may isa pang puno at nakarinig ako ng sigaw. "That was close!" Nisha?

Tiningnan ko ng mabuti ang puno na yun at nakita na hindi lang sya ang nandun. Madami silang nag sisiksikan dun. Zion, Zoey, Zyrus, and Nisha was there. Nasa ibaba naman ng puno nakita ko sina Calum at Lindsay. Kanina pa ba sila jan?


"Let him go." Malamig na sabi ni Zone pero hindi sumagot si Neo.

"Kingina! Makaepal na nga!" Bumaba si Zyrus at pumunta sa gilid ni Zone.

Napansin ko naman na gumalaw ng kaunti ang ilong nya na parang may inaamoy. Hanggang sa sumimangot sya. Hinawakan nya si Zone sa balikat. "Kaw na bahala jan pamangkin. Di ko type ang amoy nyan." Tumalon patalikod si Zyrus at umakyat sa may puno.

Ngumisi si Zone at nilabas ang mga pangil nya. Nag taka naman ako ng itaas ni Neo ang kamay nya at biglang nasa may gilid na namin sya nitong lalakeng to. "Tara na!" Neo shouted kaya naman wala pang isang segundo umalis na sila. Tangay ako.

Teka..... ako tangay?


"Zone!!!" Sigaw ko dahil habang tumatakbo tong lalake na to nakasakal parin sya sa leeg ko at tangay ako.

Halos lumuwa naman ang mata ko ng biglang mapatid ang lalake at tumilapon ako pero hindi ako sa lupa bumagsak kundi sa mga braso. "Hey kiddo." Pag dilat ko si Zyrus ang nakasalo sakin kaya naman napahinga ako ng maluwag. Bumaba ako agad at pag tingin ko sa harapan namin puro blurred nalang ang nakikita ko pero dalawang imahe ang nag pakunot ng noo ko. Aso?


Pansin ko na isang tao, mali! Isang bampira lang ang kalaban ng dalawang hugis aso na yun kahit blurred naman kasi nakikita ko parin. Malamang na si Zone yun. Kakayanin nya kaya? Malamang!

Napailing nalang ako pero napatigil ako at napatingin sa isang silhouette na nakita ko sa isang gilid ng puno. Babae. Hindi ko makita ang mukha nya pero ang dalawang pares ng mata nya ang nakita ko. Dilaw na medyo green. Sino ka?


"York..." nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Tinatawag nya ko?

---

To be continued....

The Cold Unique One (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon