Chapter Thirteen

527 36 0
                                    


"Kaano ano ka po ng Pasyente?" tanong agad nung doctor sakin pagkagamot nila kay Aya.

'Uhm. Boyfriend niya po ako." kabadong sagot ko naman.

"Eh asan ang pamilya niya?" tanong pa niya.

"Uhm. Papunta na po."

"Hmm. Mabuti naman." tapos napabuntong hininga lang sya.

"Bakit doc? May problema po ba?" tanong ko agad sakaniya.

"Yes. You see—"

"Dr. Hidalgo!" sigaw ng isang babae sakaniya habang tumaktakbo papunta sakaniya.

"Oh. Dr. Sanchez." bati naman niya agad.

"Nabalitaan ko na andito daw si—" tapos napatingin sya sakin. "Ikaw.."

"Dra. Divina.." gulat na tawag ko kaagad sakaniya.

"You're Momo right? Thank you for bringing Alleluia here!" mangiyak iyak na sabi niya.

"Uhm. Walang anuman po yun?" confused na sagot ko naman.

"Great timing. Ikaw na lang yung magpaliwanag sakaniya kung anong problema kay Ms. Cipriano." sabi naman ni Dr. Hidalgo saka sya pumasok ulit sa kwarto kung san naka-confine si Aya.

"Let's talk outside?"

"Okay po." At sumunod na lang ako sakaniya.

Pumunta kami sa may Rooftop ng hospital. Pero bago yun bumili muna kami ng maiinom sa Vending machine.

"Gaano na ba kayo katagal ni Aya?" tanong niya kaagad sakin.

"Six Months po." sagot ko naman kaagad.

"Ah Bago lang pala." uminom muna sya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Payo lang, Wag nyo ng ituloy kung ano man yang naumpisahan nyo. Masasaktan lang kayo."

"Po? Hindi ko po maiintindihan." Naguguluhan ko kaagad na tanong sakaniya.

"Tatapatin na kita. Aya is a sickly person. Meron syang Chronic Leukemia since 14. At dahil sa kundisyon ngayon, Malaki ang posibilidad na.." napakunot yung noo niya bigla. "Damn it! Kasalanan niya 'to lahat eh."

"Leukemia? Hindi Anemia?" gulat na tanong kaagad.

"Hindi. Well, Pwede mo syang mapagkamalang Anemia pero hindi mo man lang ba nakita yung mga signs nung kasama mo sya? Pale skin, Loss of appetite, Loss of Muscle control, Easy bleeding or bruising, Tiny red spots on her skin, Headaches and fevers."

"Wait—"tapos bigla kong naalala isa isa.

Para bang nag-flashback lahat sakin simula nung unang beses ko syang nakita. Yung maputi niyang balat agad yung una kong napansin. Tapos yung araw din na nakita ko sya sa school na mag-isa dahil wala syang ganang kumain. Yung mga pasa niya na sabi niya eh dahil lang daw sa malapit na syang magkaroon. Yung panghihina ng katawan niya. Lahat lahat.

Holy Crap. Bakit ngayon ko lang narealize ang lahat?! All this time naniwala ako na Anemia lang ang lahat?

"May pag-asa pa naman po syang gumaling diba?" tanong ko kaagad.

"Noon, Oo. Pwedeng pwede. Pero si Alleluia kasi yung may problema eh."

"Paanong si Aya po?"

"Ayaw niya kasing magpagamot. Natatakot sya na baka matulad sya sa Papa niya. Kaya simula nung malaman niya na may sakit siya eh hindi na siya bumalik sa ospital."

"Bakit raw po natatakot sya?" tanong ko.

"Ayaw niyang maghirap. Ayaw niyang masaktan lahat ng taong nasa paligid niya. Kung mamamatay man daw sya, Gusto niyang maging masaya." napailing lang si Dra. Divina saka sya napabuntong hininga ulit ng malalim. "That damn kid.. I don't know what to do with her anymore. Masyadong matigas ang ulo ni Alleluia."

"Hindi ko alam.. All this time, Wala akong alam." At napayuko lang ako.

"Alam mo, Kailangan nyong magusap na dalawa. Hindi biro yung ganitong kaso lalo pa't relasyon nyo rin yung nakasalalay dito." payo niya.

"Opo."

****

Ilang sandali lang eh dumating na rin yung pamilya ni Aya. Agad silang nagpasalamat sakin at sinabing sila na daw muna yung magbabantay sakaniya at umuwi daw muna ako para makapagpahinga. Ayaw ko man eh wala naman akong magawa. Wala pa kong pahinga simula kahapon kaya kailangan ko ring matulog. Saka ko na lang siguro kakausapin si Aya pag medyo okay na sya.

***

Matagal din akong naghintay na makausap si Aya ng kaming dalawa lang. Hinintay ko pa kasi na maging okay sya eh. Syempre mas priority ko ngayon yung kalusugan niya. So heto kami ngayong dalawa at seryosong naguusap sa rooftop ng hospital.

"I guess, Alam mo na lahat? Tama?" awkward na tanong niya agad sakin.

"Oo. Sinabi sakin ni Dra. Divina lahat." sagot ko naman.

"So..?" at napatingin lang sakin na parang may hinihintay siya na sabihin pa ako.

"Bakit Aya? 6 months na tayo pero bakit hindi mo man lang sinabi sakin?" tanong ko agad sakaniya.

"Momo.."

"Ang tagal nating magkasama pinaniwala mo kong simpleng Anemia lang lahat? Bakit? Ba't ganun?" tanong ko habang unti unting nawawarak ang boses ko.

"Syempre. Ayokong mag-alala ka."

"Damn it Aya! Mag-alala talaga ako kasi boyfriend mo ko eh. Kita mo, kung hindi ka pa lalala ng ganiyan eh hindi ko pa malalaman?! Kailan ko malalaman, kapag nasa ICU ka na? Kapag nawala ka na?!" napasigaw ko sakaniya.

"Sasabihin ko naman sayo eh. Ayoko lang talaga na.. Mawala ka." Nangingiyak na sabi niya.

"Mawala ako? Paano? Sinabi ko ba sayong iiwan kita?"

"Hindi pero. Ako, ako yung kailangan na umiwan sayo!"

"Bakit Aya? Bakit kailangan mo kong iwan?"

"Hindi ko hawak ang lahat. Hindi ko man gustuhin pero alam ko, dun din naman hahantong ang lahat eh!" naiiyak na sabi niya.

"Damn it! Ba't ganun?! Sana hindi na lang kita nakilala kung iiwan mo lang din pala ako!" napasigaw ko sa galit ko.

"Hehe." tapos bigla syang natawa pero patuloy pa rin sa pagtulo yung mga luha niya. "Sana nga hindi mo na lang ako nakilala.. Pero sorry. Naging selfish ako. Sorry."

"I can't accept this! Not now!" last na sabi ko saka ako kumaripas ng takbo paalis.

Para bang hindi ko napigilan yung sarili ko at nasabi ko yun sakaniya. Pero, ang sakit. Ang sakit na marinig na iiwan din niya ako. Na mawawala rin pala siya sakin. Bakit? Ba't ganun? Bakit kaya binigay pa sya sakin kung babawiin rin din pala sya pabalik. Kung kailan masaya na kami. Kung kailan okay na ang lahat. Ba't ganun? Anong ginawa kong kasalanan para mangyari lahat ng 'to? Minahal ko naman sya. Inalagaan ko sya. Wala naman akong nakitang ginawa kong mali para mangyari 'to.

Iniisip ko pa lang na mawawala si Aya sa buhay ko eh parang hindi ko na ata kakayanin. Ayokong gumising ng isang umaga na walang kukulit sakin. Ayokong mabuhay sa mundo na hindi sya kasama. Pero kung ganto kahirap at kasakit ang lahat, Bakit ko nga ba nakilala pa sya? Sana.. Sana pala.

"Masayang masaya talaga ako na nakilala at minahal kita. Gusto kong malaman mo na wala akong pinagsisisihan kahit na isa."

Biglang bumalik yung mga katagang yun sa utak ko. Mahal ko si Aya at masaya din akong makilala sya. Pero, Pano san ako mag-uumpisa? Pano ko nga ba tatanggapin 'to lahat? Kaya ko ba? Kaya ko ba 'to?


bi +

If I Could See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon