Chapter Sixteen

768 41 6
                                    


Nakarating kami sa isang gallery kung san nila nilagay yung mga naiwang paintings ni Aya. Hinanap ko agad yung organizer at tinanong agad sya.

"Can you tell me what is the title of this exhibit?" tanong ko agad sakanya.

"Ah. It's Christine: The Last Confession. Bakit po Sir?" tanong naman nya sakin.

"May napansin ba kayong kakaiba dun sa mga paintings?" tanong ko pa.

"Ahh. Are you perhaps Sir Momo?" tanong naman nya sakin.

"Yes. Yes I'am." sagot ko naman kaagad.

"Actually meron po. Ang bawat paintings na nandito ngayon eh merong sulat na nakalagay sa likod. Bilin po ng pamilya ni Ms. Alleluia na pag dumating ang isang lalakeng nangangalang Momo, ipakita ko daw po sayo lahat ng mga gawa nya at kunin yung sulat na nakalagay sa likod. Sige na po Sir, matagal na po kayong hinihintay nyan." malungkot na sabi naman nung organizer sakin.

"Salamat. Maraming salamat."

"Oo nga po pala Sir, dapat po pala kayong mag-umpisa simula sa pinaka unang painting. Yun lang po." tapos umalis na sya.

"Momo—" tawag bigla ni Red at Trisha sakin bago ako magpatuloy.

"I'll be fine. I just need to understand everything. Magiging okay rin ako so don't worry guys."

"Goodluck Momo. Sana makita mo yung sagot na hinahanap mo.." sabi naman ni Red.

"Nandito lang kami.." sabi naman ni Trisha.

"Oo. Maraming salamat." saka na ako tuluyang pumasok sa loob at hinanap ang pinaka-unang painting.

Painting #1 : " The bus I rode that drove me home, Was slow and gentle just like the face I have known"

Agad akong napailing sa title. What the heck Aya? Anong klaseng title 'to. Wala man lang connect sa painting mo. Tapos isang buong sentence pa! —But still dahan dahan kong kinuha yung sulat dun sa likod ng painting. Akalain mong meron nga.

Dear Momo,

Ilang araw na rin pala simula nung umalis ka. Medyo namiss agad kita kaya lang hindi ko pwedeng sabihin sayo kasi baka bigla kang umuwi dito. Mahirap yun. So, Kamusta ka na? Kumakain ka kaya ng mabuti? Sana wala ka pang nakikitang ibang babaeng mas maganda sakin o lalo na sayo. Hehe

Nung bata ako, galit na galit ako sa mga doctor kung bakit namatay yung papa ko. Inisip ko na dahil hindi nila inalaagan yung papa ko eh nangyari yun sakaniya. Kaya nung nalaman kong may sakit ako, Ayoko talagang magpagamot. Kahit na medyo persistent si Dra. Divina eh hindi pa rin ako sumang-ayon sa lahat. Sabi ko sa sarili ko na, Kung mamatay man ako ayokong sayangin yung oras ko sa loob ng ospital kasi boring yun. Sa halip naging YOLO ako at sinugarado kong mabubuhay ako ng masaya. Kaya hinayaan na lang nila ako. Isa din yun sa mga dahilan kung bakit hindi ko sinabi kaagad sainyo yung kalagayan ko. Ayoko kasing maging malungkot tayo. Gusto ko, masaya tayong lahat gaya ngayon. Sana masaya ka rin ngayon. Salamat sayo.

Truly yours,

Aya

Painting & Letter #2 : The light of the cars that passing by, Are like your eyes that shining bright.

Dear Momo,

Bumisita sakin sila Trisha at Red kanina. Ilang beses nila akong kinulit na magpagaling na daw agad ako. Ilang beses din palang sinabi at sinecure na wala kang ibang magiging babae dyan. Nakakatuwa sila noh? Alam mo ba hindi ko talaga akalain na magkakaroon ako ng mga kaibigan na tulad nila at dahil yun sayo kasi dinala mo sila sakin.

If I Could See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon