One Week after nagpaalam na agad ako sa mga kaibigan ko at sinabing 6 months muna akong mananatili sa New York upang tuparin ang mga pangarap ko. Syempre sabay sabay silang umiyak at sinabing mamimiss daw nila ako. Kahit nakakahiya dahil muntanga lang sila eh nakiiyak na din ako at nangakong babalik naman kaagad ako.
Nagpaalam ako kay Aya at sa pamilya niya ng maayos. Nangako ako na pagkabalik ko, Hindi ko na ulit iiwan si Aya. Nakangiti lang sya sakin habang nagpapaalam at sinabi nyang hihintayin nya lang ako hanggang sa bumalik ako.
Pagkarating ko sa New York, Pinuntahan ko agad sina Mommy't Daddy at pati na rin si Ate. Syempre, niyakap nila agad nila ako at sinabi kung gaano sila ka-proud sakin. Sinabi ko rin na magkakaroon ako ng exhbit after one month at grabe sila kung maka-react. Feeling naman nila nanalo ako sa isang reality show na pwede akong maging sikat sa buong hollywood or much worst—buong mundo. Iba talaga.
Nung mag-isa na kami ni Ate, Kinausap ko agad sya. Alam ko kasi na may alam sya tungkol kay Aya kaya nya sinabi yung mga katagang yun bago sya umalis pabalik rito. Kaya tinanong ko agad sya kung pano nya nalaman lahat.
"Ah yun ba? Actually napansin ko yun nung nakikipagusap sakin si Aya." malungkot na sabi nya sakin.
"Paano?" naguguluhan na tanong ko naman.
"Paano kasi, para bang sa bawat sasabihin nya eh may malalim syang pahiwatig. Kaya nung tinanong ko sya kung may sakit ba siya.. Di na siya nakawala at umamin na siya sakin." sagot naman nya.
"Kaya mo pala nasabi yun.."
"Alam mo, mabait talaga si Aya. Kaya lang nakakalungkot isipin na ganto yung mangyayari sakanya. Kaya sabi ko sayo na sulitin mo lahat ng sandaling pwede mong makuha habang kasama mo pa siya."
"Pero.. Heto ako ngayon at malayo sakanya." at napayuko lang ako.
"See? Ganyan kabait si Aya. Kahit gustong gusto ka nyang kasama inisiip nya pa rin yung kapakanan mo. Mga ganyang tao hindi na dapat pinapakawalan pa."
"Bakit? May sinabi ba kong papakawalan ko siya?"
"Hay Momo~ " at bigla na lang nya kong niyakap ng mahigpit. "Nandito lang kami nila Mama't Papa para sa inyo."
"Ate naman! Ano na namang kadramahan yan?" sabay alis ko sakaniya.
"Wala lang. Basta.. Magiging okay din ang lahat."
"Oo. Alam ko yun." at napangiti na lang ako sakanya.
One month ang naging preparation ko para sa gagawin kong exhibit at after nun naganap na rin ito sa wakas. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ang swerte swerte ko ngayon para mabigyan ng gantong opportunity. Na sa dinami dami ng lugar na pwedeng mag-solo exhibit eh dito pa. Sayang lang at hindi ko kasama yung model ko ngayon. Ang babaeng naging inspirasyon kaya ko nagawa lahat ng 'to.
"Is this.. A Love Confession?" tanong bigla ng isang foreigner na bisita sakin.
"Yes Sir.. I suppose you could say that.." nakangiting sagot ko lang sakanya.
"Wow. This is marvelous. I can see that you really love this girl."
"Yes I do. I truly love her.. So much."
"Just one small advice. If a girl can show a smile like this just because of you, Don't ever let her go." then he tapped me on my shoulder.
"Thank you Sir."
Madaming humanga sa mga kinuha kong litrato. Syempre lagi nilang tinatanong kung sino ba daw ba yung model tapos marami ding kinilig. Sana lang talaga nandito si Aya para pwede ko syang ipakilala sa lahat. Gusto kong malaman nya na kaya ko ring ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ko rin sya kamahal.
BINABASA MO ANG
If I Could See You Again
ChickLitSi Momo ay kilala bilang isang lalake na mas babae pa kesa sa mga babae. Pero what if, May lumapit sa kanyang isang babae at sabihing gusto sya nito? Matatanggap nya kaya ang kapalaran nya pag nalaman nyang unti unti na rin syang nahuhulog para rito?