After reading those letters, hindi ko alam kung ilang araw akong umiyak. Buong pamilya ko umuwi sa pilipinas para lang damayan ako. Pati pamilya ni Aya pinuntahan din ako at nag-sorry rin para sakin.
Yes, I'm brokenhearted. I'm Lost and I don't know what to do with my life anymore. Mahirap atang gumising sa umaga na alam kong wala ng Aya na mangunglit at mag-iingay sa harap ko. Sa bawat kilos na gawin ko, Mukha nya yung lagi kong naiisip. Kung paano siya magsalita, gumalaw at lalo na siguro ang ngumiti. Nawalan ako ng isang dahilan para mabuhay.
But then, I don't want to be a loser like this. I'll be okay—sabi niya yun. I need to make sure na hindi sya madi-disappoint sakin. I want to make her proud. Ayokong masayang lang sa wala yung mga paghihirap nya. But damn—ang hirap pala talaga nito.
Kaya nung medyo okay na ko, bumalik agad ako sa New York para ituloy yung trabahong iniwan ko. I'll be okay Aya, You'll see. After all, you're still with me—here in my heart.
Marami akong nakilala na tumulong sakin hanggang sa marating ko kung ano ako ngayon. Tama ka nga Aya, ang hirap talagang mamuhay sa isang magandang future na hindi ka kasama. But then, I'm going to make my life fuller too just like you. Para wala rin akong maging regrets sa buhay.
It's been 5 years. Matagal tagal din akong hindi umuwi ng pilipinas at umuwi lang ako kasi ikakasal na yung dalawa nating kaibigan na sina Trisha at Red. Masaya ako para sakanila, pero syempre hindi ko maiwasan ang hindi mainggit at hindi maging bitter. Dapat kasi tayo yun eh—But still, Ganun talaga. Okay lang, tanggap ko naman.
At heto ako ngayon, nakasakay sa LRT kung san madalas tayong magkasabay. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maalala kung gano ka kaingay nun na pati atensyon at tenga ng ibang tao eh nagagawa mong makuha. Damn it—Namimiss tuloy ulit kita.
Sabi mo sa last na sulat mo, We will meet again. Sana nga mangyari yun. If I Could See You Again—I will never let you go. I will never leave you. And I will love you until the last day of our lives. If Only I could—
Pag-stop ng LRT sa istasyon ng Vito Cruz, bago mag-sara ang pintuhan eh may dalawang babaeng humabol na makasakay, samantalang yung isa pa nilang kasama eh tumatakbo at gusto ding makahabol.
Napatalon sya at napasigaw ng "YES!" nang makasakay na sya sa loob. Lahat ng tao napatingin sakanya syempre maliban sakin na nakikinig lang at pilit na hindi makialam sakanila.
"Buti talaga nakahabol tayo. Ikaw talaga, Christine! Next time wag ka ng mag-earphones pag nasa byahe ha!?" sabi nung babaeng kasama nya sakanya.
"Hehehe. Sorry na po."
Napatingin ako bigla nung marinig ko yung pangalan nya. Ah~Christine, What a Nostalgic name. Even her face. What a beautiful girl. Her features seems familiar. Her bright eyes and her smile. At nung magtama yung mga mata namin para bang nakaramdam ako ng kakaiba. Like matagal ko na syang kilala at gustong umiyak ng puso ko ngayon. Bakit kaya?
"Find Christine and I hope you'll be happy again."
Bigla ko na lang naalala yung katagang iniwan ni Aya sa sulat nya. Hindi kaya—
Hay Aya. You're such a little sneak. Wag kang gagawa ng paraan na pagsisisihan mo sa huli. Ikaw rin. Pero.. I'll behave. I'll be happy and i hope you will too. I love you so much. Let's meet again someday, Okay?
The End.
BINABASA MO ANG
If I Could See You Again
ChickLitSi Momo ay kilala bilang isang lalake na mas babae pa kesa sa mga babae. Pero what if, May lumapit sa kanyang isang babae at sabihing gusto sya nito? Matatanggap nya kaya ang kapalaran nya pag nalaman nyang unti unti na rin syang nahuhulog para rito?