DEDIKASYONAng kathang ito ay para sa pinakamamahal kong si Maria Crispina.
***
Ang Legend of Gemini ay isang nobelang isinulat sa wikang filipino. Bagkus may mga ilang salitang ingles na ginamit ang may-akda sapagkat hindi na ito kayang isalin sa wikang filipino. Ito ay isang epiko na nangyari sa ibang sanlibutan na tinatawag na Parthenon Galaxy.***
Ang lahat ng artworks pati ang cover ng nobelang ito ay iginuhit ni Derek Stenning.***
Ang nobelang ito ay hango sa orihinal na ideya ng may-akda at ito ay isang piksiyon. Sa madaling salita, ang kwentong ito ay pawang kathang-isip ng may-akda. Kung mayroon mang kwento na may kahalintulad sa tema, pangalan ng mga karakter at tagpuan dito sa nobelang Legend of Gemini, masasabing nagkataon lamang ito.***
Ang Legend of Gemini ay ang unang aklat sa Gemini Saga na may apat na serye o Quartet. Ang Legend of Gemini ay isang serious novel, hindi ito isang light novel. Kaya sa mga mambabasa na ang hanap ay mga istoryang pa-tweetums, mga jejemon words na may emojis at mga salitang kalye sa dialogues at narration, p'wes hindi ninyo ito magugustuhan. Ito ay isang epikong pag-iibigan ng apat na bida. Sa wikang ingles pa — an epic interstellar love story of four, young, star-crossed lovers. Hindi ito isang pangkaraniwan at tipikal na kwentong pag-iibigan ng mga batang manininta. Pinapaalala din ng may-akda sa kanyang mambabasa na ang nobelang ito ay may mahabang deskripsiyon ng mga tagpuan. Ito ay para mas magkaroon ang mga mambabasa ng ideya sa mga kakaibang lugar sa Parthenon Galaxy. Pakatandaan na ang konsepto ng nobelang ito ay pang outer space opera. Siyempre kakaiba ito kumpara sa kapaligiran ng planetang Earth. Hindi lahat ng planeta dito sa sansinukuban ay may perehong atmospera, grabidad (gravity) at heograpikal na anyo.***
Nais din ng may-akda na ipaalam sa kanyang mambabasa na ang nobelang ito ay may mahigit isang daang tagpuan at may mahigit isang daang karakter. Babala sa mga mambabasa! Ihanda ang inyong papel para ilista ang bawat planeta, aliens, splices at mga androids para hindi kayo malito.***
Usag-pagong ang bilis ng paglalathala ng bawat kabanata sa nobelang ito. Hinihiling ng may-akda ang kaunting pasensya ng mga masusugid na mambabasa ng Legend of Gemini.***
LEGEND OF GEMINI Copyright © 1st day of June 2016 by Harry Dozen. All rights reserved. Copying, producing and transmitting my story in whole or in part of any form or medium without the express written permission to me, is considered as a crime and it is punishable by law. My story is posted in wattpad and in sharramycats.wordpress.com. Miss Seijie and Miss Charlotte are the only persons that I authorize to translate and post my work in their blog site. If you had read it on the other site, please be inform that it was stolen from me. And please leave me a message so that I can plan some legal actions on it.Try to copy my work and I will slit your throat! Don't worry Seijie and Charlotte, the two of you are exempted.
BINABASA MO ANG
Legend of Gemini
Science FictionGusto mo ba ng kwentong may temang aksyon, gallactic aviators, virtual simulator, aliens, starships, beam guns, laser cannons, genetic modified na sundalo, mga sasakyan sa kalawakan, mga umaatikabong bakbakan ng mga androids? P'wes, ang kwentong ito...