Chapter 2 ♥ Meet Mr. Cold

588K 8.4K 470
                                    


Lance POV

Alam niyo ba yung salitang cold? Oo. Ako yun. Aminado naman ako. Tahimik talaga akong tao. Cold at walang pakialam sa ibang tao.

Ako nga pala si Lance Abellano. 18 years old. Nakatira ako sa mansyon mismo ng pamiya ko. May dalawa akong kapatid. Isang tunay na kapatid at isang half-brother.

Si James at Fancy.

Halos magkasing-edad lang kami ni James.

Sa Shin-Woo University ako pumapasok. Taking up Business Management. Kasama ako sa Basketball team ng SWU, ang Tigers.

Andito ako ngayon sa Bar ng isa sa tigers. Si Ken. Wala kasing magawa sa bahay. Ang iba kong pinaka-close na kaibigan, busy. Si Kyle, busy sa love life. May girlfriend na eh. Kanina lang. Si Adrian at ang kapatid kong si James hindi ko alam kung nasaan. Sawi ang mga yun. May gusto kasi sila sa girlfriend ngayon ni Kyle - si Chelsea.

Krrrriiinnngggg!

I picked up my phone and answer that damn call. "Hello?"

"Lance."

Bigla akong natauhan ng marinig ang boses ni Papa sa kabilang linya. What's with him? Bakit kaya niya ako tinawagan?

"Pa."

"I want to talk with you. Go home."

Ano naman kayang gustong pag-usapan ni Papa?

Tch. Tumingin ako kay Ken. "Ken, uwi muna ako."

"Ge." Tumango lang si Ken. Umalis na ako at umuwi na ng bahay.

Sa bahay..

"Papa."

Nadatnan ko si Papa na nakaupo sa living room. Mukhang hinihintay talaga ako.

"What do you want to talk to?" Tanong ko.

"Lance. Iho, you know how I treasure our company. Dugo't pawis ang puhunan ko para mas mapaunlad yun dahil balang-araw kayo din naman ang magmamana nun."

Saan kaya patungo ang usapan naming ito ni Papa.

"Mas mapapalago ang kompanya natin kung makikipag-merge tayo sa mas malaking kompanya. And you know Mr. Hayashi? One of the richest business tycoon in Japan. Marami siyang koneksyon. He's also a friend of mine. Marami siyang partnership dito sa Pilipinas."

Kumunot noo ko. Di ko na kasi ma-gets. "Then?"

"Yesterday, nagkausap kami. Galing akong Japan, sa kompanya nila. I offered them to merge with our company. He accepted it but there is one condition."

 "What condition 'Pa?"

"To marry her daughter."

"WHAT??"

"Sorry iho. But for the sake of our company, please do this favor for me. I already saw their daughter and she's pretty."

"I don't care if she's pretty. Pero 'Pa, mali yun. Ayokong makasal sa taong di ko naman kilala."

"We'll give you time to know each other bago kayo i-engage. Don't worry son, pag hindi nag-work yung relation niyo, hindi na namin kayo ipipilit sa isa't isa."

"But 'Pa this is ridiculous!"

"Just do this favor son. Please."

Pag ganyang nagpi-please na si Papa, hindi ko na sya natitiis. Ayoko pero inaalala ko pa din si Papa. May heart attack siya. Baka maging dahilan pa ang pagtanggi ko.

Do I have a choice? Well tingnan nalang natin kung makatagal sakin yung babaeng yun.

"Okay 'Pa."

He hugged me. "Thank you, son. I owe you big time. Next month, uuwi sila dito sa Pilipinas para maipakilala na kayo sa isa't isa. Napag-usapan din namin na lilipat na din ang anak nila sa school mo para magkasama kayo. Sige na anak. See you around."

Naiwan akong tulala. Langya. Diko akalaing mangyayari sakin 'to. Nananahimik ako tapos biglang ganito? Bakit kasi di nalang si James? Bakit ako pa? Aish.

Matawagan nga si James.

[Bro!]

"Asan ka?"

[Sa condo ni Adrian. Nag-shot kami. Alam mo na, sawi.]

"Okay. Punta ako dyan."

*toot toot*

I ended the call and sighed. I only have one month to be free. And after that, my world will turn to a mess.

Mukhang kailangan kong makisali sa inuman nina Adrian. Damn it.

Marry YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon