Chapter 23

451K 6.9K 962
                                    

Yumiko POV

Kanina pa'ko bored sa klase. Si Lance naman kasi hindi nakikinig. Alam nyo ginagawa? Tulog. Hindi ko nga alam kung bakit hindi yan sinisita ng professor. Psh.

Kanina nga palang lunch, gulat na gulat ako sa mga tigers. Ang gugulo pa nila tapos galit na galit si Lance.

Sabi kasi ni Oliver na-video-han daw nya yung nagkiss kami ni Lance. Nagbibiro lang pala. Mga baliw. Alam naman nilang mabilis ma-highblood si Lance.

Ayun natapos nalang ang lunch namin ng nagkaka-ingay sila.

Napatingin ako sa relo ko. Konti nalang out na kami. Gusto ko na umuwi eh.

Katabi ko nga pala ulit si Lance. Si Nicole napapasulyap ako, patingin-tingin kay Lance. Psh. Sabunutan ko yan.

Krrrriinnnggg..

Hay salamat. Nag-bell na. Out na!

"Lance.." Niyugyog ko braso ni Lance kasi naman hindi man lang nagising sa bell.

Tsup!

"I told you. Babe tawag mo sa'kin kung ayaw mong halikan kita in public."

"Gising ka na pala?"

"Sa lakas ng bell, tingin mo di ako magigising? Tch. Hinihintay ko lang talagang tawagin moko."

Psh. "Oo na po babe."

"Hindi ako makakasabay umuwi babe." Sabi ni Lance saka sabay kaming tumayo.

"Lance! Let's go out?"

Sige umepal ka na naman Nicole baka mabigyan kita ng mega sabunot. Psh. Nahahawa na ako kay Fancy eh.  

"Sorry. May gagawin ako." Sagot ni Lance kay Nicole.

Si Nicole ang lapad pa din ng ngiti. "Okay! Some other time nalang?! Bye Lance."

Hindi na sinagot ni Lance yung babaeng yun. Tumingin na sya sakin. "Babe as what I'm saying, hindi ako makakasabay umuwi. Sabay ka nalang kay James at Fancy."

Tumango ako. "Okay."

"Tch."

Oh, ang sama makatingin. "Bakit?"

"Hindi mo man lang tatanungin kung bakit? Tch. Wala ka bang pakialam sakin?"

Ano ba naman 'tong si Lance. "Oh, bakit nga ba?"

"May practice kami ng Tigers ng basketball. Kasama ko si Adrian."

Player nga pala si Lance. Next time panoorin ko nga sya maglaro. Tapos Itsi-cheer ko sya. Haha.

"Sige. Basta mag-ingat ka."

He smiled. Napapadalas na pagngiti ni Lance ngayon. Nakakapanibago lang. Kaso may pagka-masungit pa din.

Si Lance niyakap ako. Waa. Nakakahiya kaya. "Babe thank you. Hintayin mo ako sa bahay mamaya. Sa kwarto ko ka ulit matutulog."

Waaa. "E-Eh. Okay." Nag-okay nalang ako baka sungitan pa ako ng lalaking 'to.

Kumalas na sya ng yakap. Saka tumingin kay James na kausap sina Janna.

"Bro, sabay nyo pauwi ni Fancy si Yumiko. May practice pa kami." Sabi ni Lance.

"Ge. Bro pwede ko ba i-date si Yumi!?" Nakangising sabi ni James.

"Fuck you!"

"Hahaha. Seryoso ako Bro."

"Sawa ka na ba sa buhay mo?"

Hinawakan ko sa braso si Lance. "Babe, ano dika pa pa-practice?"

Iniba ko na usapan. Si lance kasi ang bilis uminit ng ulo. "Tch. Diretso uwi ha?" Seryosong sabi ni lance.

Marry YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon