Chapter 8

438K 6.6K 626
                                    

Lance POV

Nakatulala ngayon sakin si Yumiko. Ewan ko ba kung bakit ko sya hinalikan. Nabubuwisit lang ako dahil narinig ko sa pag-uusap nila sa phone nya na magkikita sila bukas. Damn it.

Hindi naman sila mag-boyfriend pero nagyakap sila at nag-piggy back pa. Ako ngang fiance hindi ko nagagawa yun. Tch.

Hindi ko maintindihan 'tong nararamdaman ko basta ayokong magkita sila nung lalaking yun.

"Let's go home." Sabi ko kay Yumiko. Medyo may tama na yata 'to. Nakailang shots 'to eh. Hard pa ang ininom na alak.

"W-Why did you kiss me?" Nauutal nyang tanong.

"Wala. Bakit gusto mo bang ulitin ko?" Hamon ko sa kaniya. Hindi ko na sya hinintay magsalita.

I kissed her again. It was deep and I can feel her lips moving towards mine.

I don't know but it feels like it's my first kiss. Malambot ang labi niya and I like the way she respond on my kisses.

Wala akong pakialam kung pagtinginan kami dito sa bar. I want to kiss her. Yun lang ang nasa isip ko ngayon.

When I stopped kissing her, nagulat nalang ako ng tumayo siya at yumakap sakin habang nakaupo ako. Then she kissed me.

May tama na nga yata 'tong si Yumiko kaya nya ako hinahalikan ngayon. Diko naman sya matanggihan.

Ako na yung pumigil sa kaniya. "Let's go home."

Tumango lang sya. May tama na nga 'tong babaeng 'to.

Inalalayan ko siyang lumabas ng bar. Sa kotse ko na sya isasakay. Pababalikan ko nalang sa driver ang kotse ni Yumiko.

"Careful." Sabi ko habang inaalalayan syang umupo sa kotse.

Napansin ko na sumandal sya sa upuan at pumikit. Tch. Iinom inom tapos madali palang tamaan.

Sumakay nako ng driver's seat at pinaandar na ang kotse.



Sa mansyon

Yumiko POV

I don't know. Diko talaga alam bakit ang lakas ng hatak sakin kanina na halikan si Lance. Nakakahiya. Kaya nga nagpanggap nalang ako na medyo lasing na kahit hindi naman talaga.

Mas nalasing pa ako sa halik niya. Grabe. Whenever he kiss me, diko alam bakit hindi ko siya matanggihan o mapigilan. I like the way he kissed me.

There's something here in my heart na laging kumakabog 'pag malapit sa'kin si Lance. Ano nabang nangyayari sakin?

Inalalayan ako ni Lance na bumaba ng kotse. Syempre ako, panggap na kunwari nahihilo. Jeez. Nakakahiya ako.

Nang maitaas nya ako dito sa may kwarto ko, hinatid pa nya ako hanggang loob. Mabait din pala 'tong si Lance kahit cold siyang tao.

Pero iniisip ko pa din. Bakit ayaw nya akong makipagkita kay Enrique? Psh. Bahala sya. Makikipagkita pa din ako. Wala naman kaming pakialamanan eh.

"Okay na'ko Lance. I can manage." Sabi ko nang makaupo na ako sa kama.

"Are you sure?" Tanong nya.

Tumango ako. "But Lance I have something to ask you."

"What?"

"Bakit ayaw mong makipagkita ako kay Enrique bukas?"

"Dahil hindi mo naman sya boyfriend. Ano nalang sasabihin ng mga taong nakakilala kina Papa kapag nakita kang nakikipag-date sa iba? Paano kung may gawing masama yung lalaking yun sayo? Edi malalagot ako sa Papa mo dahil di kita binantayan at kapag nalaman pa nyang nakikipag-date ka sa iba, ano nalang sasabihin niya? Na pinapayagan kita? Na tino-tolerate ko ang maling ginagawa mo?"

So. Yun pala yun. Akala ko nagseselos sya. Akala ko ayaw nya akong nakikita na may kasamang ibang lalaki. Nagiging assuming na yata ako ngayon.

"Hindi kita papakialaman sa mga gagawin mo Lance kaya kung pwede wag mo nalang din ako papakialaman sa mga gagawin ko. I want to enjoy my stay here in the Philippines! Kapag andito ako sa mansyon at wala ka? Wala akong makausap, wala akong magawa, bored na bored ako palagi! At sa school, mas nakakausap ko pa sina Chelsea kesa sayo. Kapag andito ka naman sa mansyon, hindi mo ako pinapansin. You're so cold." Reklamo ko.

Ewan ko ba kung bakit ngayon parang natututo na akong magreklamo sa fiance ko. Sa mga naging fiance ko naman, di ako nagrereklamo. Ang lakas lang talaga ng impact nitong si lance sakin eh. Ewan ko pero parang may gusto na yata ako sa kaniya. Damn it. Ayokong ma-in-love. Ayoko. Paaatrasin ko pa siya sa engagement.

Nangako pa ako sa sarili ko na gagawin kong miserable ang buhay nya pero hindi ko yun magawa sa tuwing kasama ko sya.

"If that's what you want, fine!" Sigaw ni Lance saka lumabas na ng kwarto ko.

Hay. Hirap intindihin ng ugali nya. Matutulog nalang ako. Hindi nya ako mapipigilan bukas. Akala nya ha. Hindi nakakatuwa ugali nya saka hindi ko alam bakit parang ang sama ng loob ko ngayon sa kaniya nung malaman ko yung dahilan bakit ayaw nya akong makipagkita kay Enrique.


Kinabukasan..

Bumangon na ako. Napatingin ako sa iphone ko.

52 missed calls
3 messages

Ang dami namang missed call? Tiningnan ko kung kanino. Puro kay Enrique. Psh.

I checked the messages.

From: Enrique
Just text me the time and place. Wag lang sa masyadong ma-tao. I have my disguise naman para di ako makilala ng fans.

Mamaya ko na sya re-replayan. Tiningnan ko pa isang message.

From: Enrique
I'm excited to see you.

Tinamaan nga yata 'tong si Enrique sakin. Psh.

May isa pang message. Baka sa kaniya din galing.

Himala.

From: Lance
Wag kang aalis ng mansyon. Uuwi agad ako. Please wag kang makikipagkita sa lalaking yun.

Ewan ko sayo Lance. Bahala ka sa buhay mo. Psh.

Bumangon na ako at naghanda na. Maliligo na agad ako mamaya pagka-kain ko ng breakfast.

Hawak ko na yung doorknob nung pinto. Pipihitin ko na sya ng..

Tenenenenen!

From: Lance
I forgot to tell you, wag mo ng subukang lumabas ng kwarto mo dahim naka-lock yan sa labas. I told you pauwi na din ako.

Naka-lock ang pinto sa labas? Pinihit ko ang doorknob at damn! Hindi ko nga mabuksan.

Shit naman. Lance ano bang kalokohan 'to?

Pinilit kong buksan ang pinto. "Open the door!" Sigaw ko pero wala. Walang bumubukas ng pinto ko.

"DAMN YOU LANCE ABELLANO!"

Marry YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon