Yumiko POV
"LANCE ABELLANO STOP IT!!!!!"
Napasigaw tuloy ako. Si Lance kasi ang manyak. Waaa.
"Hahahahahahaha."
Nakakarami na sakin 'tong lalaki na'to. Ang hilig na pag-trip-an ako. Psh. Lumapit na sya sakin. Then hinalikan nya ako sa pisngi.
"Masyado kang kinakabahan babe."
"Psh. Ako kaya maghubad sa harap mo, di ka mapapasigaw?" Pagtataray ko.
"Mapapasigaw din. Sisigaw ako ng whoaaahh!"
Ang hyper ni Lance ngayon. Ewan ko bakit. Psh. "Ewan sayo. Bababa nako." Sabi ko at akmang tatayo ng bigla akong iupo ulit ni Lance.
"Dika bababa. Tch."
"Bakit?"
"Nagpapacute lang sayo yung ugok na kaklase ni Fancy. Dito kalang."
"Psh." Simangot nako.
*tok tok*
Lumapit naman agad si Lance sa pinto. Meryenda pala. Dala ng katulong.
"Meryenda na tayo babe. Gusto mo 'to?"
"Ano ba yan?"
"Fruit salad."
Waaa. Gusto ko yan. "Yes babe I want that." Sabi ko.
Pinatong nya sa table yung tray. "Lika kain tayo."
Kakain na sana kami ng..
*tok tok*
"Sino naman yun?" Sabi ni Lance saka tiningnan sino kumakatok.
"Reid naman! Sige na! I want Yumi na isama sa baba!"
Si Fancy?
"Di pwede." Sabi ni Lance. Lumapit ako sa may pinto.
"Bakit?" Tanong ko.
"Yumi please you make sama to me sa baba while helping Blake? I'm so nahihiya if we're only two eh."
Mahiyain pala si Fancy? "Babe samahan k---"
"Hindi."
"You're so bad Reid! Why not make payag kasi?"
"Pa-cute yang kaklase mo! Tch!" Sagot ni Lance.
"Babe naman.."
"No babe. Dito kalang."
"Reid! I will make kulit you lang if you're ganyan! I want Yumi!"
Ano ba naman 'tong si Lance. Ayaw pumayag. "Babe naman nakakaawa si Fancy."
"Tch. Fine. Sasama ako sa baba." Sabi ni Lance.
Problema ba nitong si Lance. Psh.
"Fine Reid! You're so selos na naman. Psh. Let's go Yumi." Hinawakan ni Fancy yung kamay ko tapos hinila nako. Nilingon ko si Lance. Ayun kasunod namin. Dinala nya yung fruit salad.
Pagkababa namin dito sa salas...
"Hi Yumiko-san!" Sabi ni Blake. Mabait sya infairness mukhang goodboy. Bagay sila ni Fancy.
"Tch. Gawin mo na yang project mo!" Bulyaw ni Lance kay Blake. Psh. Sungit.
Naupo kami ni Lance sa couch. Tapos sina Fancy at Blake sa carpet kasi nakapatong sa center table yung mga ginagamit nila sa project. Mga kung anu-anong libro.
"Babe oh..."
Tumingin ako kay Lance. Sinusubuan nya ako ng fruit salad. Kinain ko naman. Nakakatakam eh.