Yumiko POV
Wala akong magawa. Pagulung-gulong na'ko dito sa kama ko sa kwarto.
Kapag naaalala ko yung sinabi ni Lance kanina, nasusuka ako.
Argh. The nerve of that guy. Nakakainis. Parang ang dali-dali para sa kaniya ang sabihin ang ganun.
Gabi na din pala.
Wala na akong ginawa. Gutom na din ako. Aish. Bababa na nga ako sa kusina.
Labas na ako ng kwarto ko. Then I walked downstairs patungo sa kusina.
Pero sa kamalas-malasan naman. Andito din sa kusina si Lance. Kumakain mag-isa.
"Nakakaramdam ka din pala ng gutom." Sabi nya sakin.
"Anong tingin mo sa'kin, alien? Hindi nagugutom? Psh."
Mabu-bwisit na naman yan for sure.
"Umupo kana dyan. Baka magsumbong kapa sa Papa mo na di kita pinapakain dito." Sabi nya.
"Ano tingin mo sakin sumbungera?" Pagsusungit ko saka naupo na. Daming food.
Pinaglagay ako ng maid ng plato at utensils para makakain na ako.
"Bakit, hindi ba?"
Nakakainis yung mukha nya. Argh! Ngayon lang ako nakakita ng lalaking nang-aasar pero seryoso pa din ang mukha.
"Of course not!" I said.
He just smirked at me bago nya tinuloy ang pagkain. Nagsimula na din ako kumain.
Grabe. Daig ko pa ang may takip ang tainga dahil wala akong marinig. Sobrang tahimik.
I calmed myself tapos tumingin kay Lance. "Hindi mo pa ba naiisipang mag-give-up at umatras sa engagement?" Tanong ko.
"Hindi."
"At bakit? Diba ayaw mo naman talaga sa engagement na mangyayari satin?" Tanong ko.
Ako kasi ayokong maunang mag-give-up para walang masabi sakin si Papa.
"Kapag umatras ako, mapapa-sama ako kay Papa. Kaya nga ikaw ang hinihintay kong umatras sa engagement."
Pareho kami ng iniisip. Aish. "No way. Hindi ako aatras. Mapapa-sama din ako kay Papa. Kaya dapat, ikaw ang maunang umatras!" Sabi ko.
"Sa tingin mo aatras ako ng basta-basta lang? In your dreams Yumiko. Mas makakabuti kung aatras ka na agad ngayon palang kung ayaw mong maging miserable ang buhay mo kasama ako."
I rolled my eyes. "Whatever Lance Abellano. Sa tingin mo mapapaatras mo din ako basta-basta? And hello? Baka buhay mo ang gawin kong miserable."
"Tch. Pwes ihanda mo na sarili mo sa mga kaya kong gawin. You don't know me either." Sabi nya saka tumayo at nag-walk-out.
Bastusan? Argh. He's really getting into my nerve. Akala nya papatalo ako sa kaniya? As he wish!
☣
The next day..
Maaga akong pumasok. Gusto ko maka-bonding si Chelsea. She's so cute kasi kahit may ilan na ding nagsabi na magkahawig daw kami.
Baka kapatid ko siya?
Pagpasok ko dito sa room nakita ko si Chelsea, mag-isa lang na nakaupo. Wala pa yung mga lagi nyang kasama. Pero mas napansin ko na parang umiiyak sya.
Nilapitan ko sya agad. "Chelsea.."
Tumingin sya sakin at halatang nagulat sya. Bigla nyang pinunsan yung luha nya. "Uy Yumiko." She smiled pero kitang-kita pa din sa mata nya yung sadness. May problem ba sya?