Yumiko POV
"WHAT THE FVCK ARE YOU SAYING!?"
Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ni Lance. Ayan, may lazer beam na ang mata nya. Galit na galit.
"M-May new fia---"
"Fuck!" He cussed.
"B-Babe k-kasi..."
"Now what? Binigyan na nga nila ako ng bagong fiance tapos pati ba naman ikaw? Damn it! Who's that fucking guy?" Tanong nya.
"I have no idea. Ngayong araw ko sya makikilala at sabi ni Papa..."
"ANO?"
"Makikilala ko nga daw ngayong araw yung new fiance ko at start din ngayong araw, don nako titira sa mansyon ng new fiance k---"
"FUCK!" Sigaw ni Lance. Grabe. Kanina pa yan nagmumura. Kitang-kita sa mga mata nya yung galit.
Wala naman kasi akong magawa.
"B-Babe.."
"Sasama ako sayo na i-meet ang new fiance mo." Seryosong sabi ni Lance.
"Hala di pwede."
"Why not?"
"Si Papa baka..."
"Hindi ko naman kailangang magpakita sa kanila. Gusto ko lang malaman kung sinong hinayupak na bagong fiance mo. Para na din masundan ko kayo kung saan mang mansyon ka titira. Tch!"
"Ikaw bahala babe pero..."
"Pero ano?"
"Hindi porket sisiputin ko yun, ginusto ko na yon. Alam mong ayoko sa iba. Alam mong ikaw lang ang gusto ko babe." Malungkot na sabi ko.
Niyakap ako ni Lance. "Gagawa ako ng paraan. Hinding-hindi ako papayag na mapunta ka sa iba." Sabi nya saka ako hinarap. Hinaplos nya ang pisngi ko. "You're mine. And I'm yours. Remember that. I love you."
Then he kissed me on my lips.
☣
After an hour..
I'm on my way to hotel kung saan naka-set ang lunch date with my new fiance. Doon na din naghihintay si Papa.
Si Lance naiwan ko muna sa room ko sa hotel para hindi sya makita ng BG ko. Pero sabi nya, susunod daw sya.
Honestly, kinakabahan ako sa new fiance ko. Sino kaya sya? Kilala ko na kaya sya? Psh. Nakakainis si Papa sobra.
"Good afternoon Ma'am. This way." Inalalayan ako ng taga-hotel. Mukhang alam na agad nya na ako yung kailangan nya i-assist. Ganon ba kaya kayaman ang new fiance ko?
Nakarating kami dito sa pinaka-restaurant ng hotel. Iniwan nako nung nag-assist sakin. Yung bodyguard ko naman kasunod ko pa din. Hinanap ko si Papa. Medyo madami kasing taong kumakain.
Pinalibot ko yung tingin ko sa paligid..
May nahagip ang mata ko kaya nilapitan ko sya agad. Sya ba ang magiging fiance ko??
"Yumi."
O_O
"OLIVER?" Gulat ako. May possibility kayang sya yung new fiance ko? Pero bakit sya andito? At nag-iisa palang sya sa table. "Anong ginagawa mo dito?"
"Waiting for my date."
O_O
Date? Ang sabi sakin ni Papa may lunch date with my new fiance. So..