Yumiko POV
The next day...
Aga ko gumising para pumasok. Hanggang ngayon naiinis pa din ako kay Lance. Bakit ba ganun ugali niya?
Lumabas na'ko ng kwarto ko para mag-breakfast. Kumakain na din pala ng breakfast si Lance.
Hindi ko siya papansinin.
Tahimik akong umupo saka hinayaan ang maid na paglagyan ako ng plate and utensils.
Tahimik din akong kumain.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kasi kagabi, hindi maalis sa isip ko si Lance. Hindi ko pa din alam kung bakit nasaktan ako sa sinabi niya kahapon sakin.
Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Iniisip ko pa nga kagabi kung in love ba ako sa kaniya? Ewan ko.
Ayokong hayaang tuluyan akong ma-inlove ako sa kaniya dahil alam kong masasaktan lang ako sa kaniya.
Kaunti lang ang kinain ko. Hindi ko masyadong dinamihan. Parang wala akong gana. Hindi rin kasi ako pinapansin ni Lance. Ano 'to? Wala talaga kaming imikan? Fine.
Tumayo nako. Parang may bahagi sa puso ko na umaasa na sana pansinin ako ni Lance pero wala akong narinig hanggang nakaakyat na'ko ng kwarto ko.
Bakit ba kasi ganito? Parang ewan 'tong pakiramdam ko. Apektado ako dahil di ako pinapansin ni Lance? Diba pati naman ako hindi namansin? Bakit parang nakakasama ng loob?
Mag-ayos na nga ako.
☣
Lance POV
I'm on my way to SWU. Naalala ko yung kanina na kumakain kami ng breakfast ni Yumiko.
Wala talagang pansinan. Anong akala nya? Papatalo ako sa kaniya?
Ako yata ang pinakatahimik na taong makikilala nya. Mapapaurong din kita sa kasal Yumiko, makikita mo. Ikaw ang susuko sa ugali ko.
I already decided na hayaan na sya sa gusto nyang gawin. Hindi ko na din siya aasarin o bbwisitin kasi diko na siya papansinin kung hindi naman about important matters.
Nakarating na'ko dito sa SWU. Pagka-park ko, may napansin akong babaeng parang pinag-ti-tripan ng ibang students.
Hindi ko ugali makialam pero hindi yata kaya ng konsensya ko na hindi tulungan yun.
Lumapit ako.
"New student ka dito kaya masanay ka na sa gagawin namin."
"Ano, ibigay mo samin ang allowance mo."
Umiiyak lang yung babae. New student pala. "Anong kaguluhan 'to?" Sigaw ko.
Halatang nanlaki mata ng mga kulugo. Syempre, ako pa ba di nila makilala?
"Lance Abellano..." Sabi nung isang lalaki.
"W-Wala naman..." sabi nung isa.
"Leave her alone. Dahil kung hindi, alam niyo na ang gagawin ko sa inyo." Seryosong sabi ko.
"Aalis na kami. Hindi na namin sya guguluhin." Pagkasabi nun nagtakbuhan na sila.
Mga duwag pala.
Dinukot ko yung panyo ko at inabot sa babaeng umiiyak pa din.
Dahan-dahan siyang tumingin sakin saka bigla nalang ako niyakap.
Di naman ako nakapalag dahil nagulat ako. Hinayaan ko nalang din. Baka natakot.
"T-Thank you. Thank you!"
"It's okay." Sagot ko.
Kumalas sya sa pagkakayakap sakin saka nagpunas ng luha. "Thank you ulit."